OBSSESION Chapter 19

178 6 0
                                    

Melt

Umuwi ako ng namamaga ang mga mata. Sinalubong ako nila mama at papa ng yakap, late na kasi akong nakauwi at  sumakit pa ang paa ko dahil naglakad lang ako pauwi. Wala na akong nasakyan na jeep o tricycle kanina dahil rush hour na, puno na lahat ng sasakyan.

"Saan ka ba nanggaling, nak? Nakita ko naunang umuwi si Junjun, hindi ka naman kasama. Nag-alala kami ng papa mo ah!"

Habang kumakain ako ng hapunan ay puro sermon ang inabot ko kay mama, si papa naman ay tahimik lang pero inoobserbahan ang kilos ko.

Tumango-tumango nalang ako habang kumakain dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang gutom, nagutom talaga ako paglalakad lalo na sa Away namin kanina ni Loui. Mag-isa lang ako ngayon kumakain dahil nauna na ang mga kapatid ko at sila mama pero kasama ko sila dito sa kusina para paulanan ako ng sermon.

"Hay nako Mahal, matanda na ang panganay natin Alam na niya ang ginagawa niya." Gatong ni papa saakin saka tinapik ang balikat ko at dumiretso sa kwarto nila ni Mama.

"Oo nga matanda na pero hindi pa rin ako mabigyan ng apo. Kailan ba uuwi yung si Lowe ng--"

"MA!!" Napasigaw ako nang asarin na naman ako ni mama, simula noong nagtapos ako ng kolehiyo ay halos araw-araw na niya akong hinihingian ng apo at laging binabanggit si Loui. Si papa naman ay tahimik lang pero alam kong magkakampi silang dalawa ni mama.

"Aguy! Gurang ka na kasi. 25 ka na pala ate noh?"  Sinamaan ko ng tingin si Tonton na dumaan lang sa kusina para asarin ako. Nagsukatan pa kami ng tingin bago ko siya hinabol ng kotong, mabilis siyang nakarating sa kwarto niya dahil lalaki at matangkad pa saakin nasara agad niya ang pintuan kaya hindi ko na siya naabutan.

Kung makapang-asar ay grabe, palibahasa mayro'n na agad girlfriend kahit hindi pa pwede.

"Anak bilisan mo nang kumain diyan pala, matutulog na sana ako nakalimutan ko yung mga hugasin," Sabi ni mama.

Nagmadali akong kumain dahil maghahating-gabi na pala tapos meron ulit akong pasok bukas kailangan maaga akong matulog, kung hindi lang sana sa lalaking iyon!

Nagpapasalamat naman ako dahil natapos ako sa paglamon ng hindi nabubulunan. Agad kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko na nagriring, bago na ito ngayon hindi katulad dati na basag-basag at minsan naghahang pa. Nagpop bigla ang mukha at pangalan doon ni Loui, gamit ko parin kasi ang dati kong number dahil iyon na rin ang nakaregister sa trabaho ko tapos nakalimutan ko pang iblock ang number niya ulit.

Tinitigan ko lang iyon hanggang sa mamatay ang tawag, ibabalik ko na sana ulit iyon sa bulsa ko nang tumunog ulit iyon. Ni power off ko  na 'yon para matigil na.

Gusto ko matulog ngayon ng matiwasay please lang!

Iniwan ko nalang iyon sa gilid ng TV saka dumiretso sa kwarto ko para magbihis at makatulog na. Mahihiga na sana ako nang makarinig ako ng malalakas na katok sa labas ng bahay, parang ang bigat ng kamay na iyon dahil sa lakas ng kalampag ng gawa sa bakal namin na gate.

Bumangon ako saka nagmadaling lumabas ng kwarto sakto din na paglabas ko ay lumabas din sila mama at papa pati ang mga kapatid ko. Parang tambol ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka ay mayroong akyat bahay o adik sa labas at madamay pa kami!

Nasa hamba lang kaming lahat ng pinto, walang naglalakas-loob saamin na silipin kung sino ang nasa gate lalo na't wala doon ilaw at madilim pa.

"BABY!!! OPEN THIS D*MN GATE! I CAN SEE YOU FROM HERE!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang Baritonong boses nito. Halos mag pigil  hininga ako nang may malaking kamay na humawak sa uluhan ng gate namin, unti-unti umangat ang ulo niya na parang hirap na hirap itong tumayo ng matuwid, namumungay ang mata niya at naaninag ko ang pulang-pula niyang mukha na parang nakainom.

"Hala kailan pa nakabalik ang batang iyan? Ay nako lasing pa ata! Saglit!"

Nagmadali sila papa at mama na bukasan ang gate saka inalalayan si Loui papasok ng bahay, nauna akong pumasok at dumiretso sa kusina para iwasan siya. Hindi ata niya talaga ako tatantanan..

"Tita.. nasan si Sammantha..? I need her! SAMMANTHA!" Malakas ang boses niya na parang nagmamakaawa ngunit nakakakot lapitan.

Nakasilip lang ako sa salas habang pinapanood siyang magwala sa sofa. Good thing na hindi siya makatayo dahil baka makasira pa siya ng gamit.

Napatakip ako ng bibig nang biglang sampalin ni papa sa pisngi si Loui, sa sobrang lakas non ay umalingaw-ngaw ito sa buong bahay at natigil siya sa pagwawala.

"Mahal! Bakit mo sinampal?! Lasing iyan ano kaba?!" Saway ni mama kay papa saka pinaghahampas ito sa braso.

"Bakit ba? Gumana naman ah! Tignan mo tumigil. Kulang lang iyan sa sampal."

Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng mahinang pagiyak ni Loui, yakap-yakap nito ang throw pillow habang nakabaluktot siya sa sofa na parang bigong-bigo at Paulit-ulit na binanggit ang pangalan ko habang walang tigil siya sa pagiyak.

Naisipan kong lumabas na sa kusina nang mapansin na hindi niya ako mapapansin pero kahit ganoon ay dahan-dahan parin akong naglakad papunta sa kwarto ko habang hindi inaalis ang tingin sakaniya.

Kumabog ang dibdib ko nang bigla siyang tumayo at lumingon sa pwesto ko nagmadali akong pumasok sa kwarto bago pa niya ako maabutan, nilock ko ang pinto bago narinig ang pakalabog niyon.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ewan ko ba kinakabahan ako,hinayaan ko lang siyang kalabugin ang pintuan habang nagsusumigaw siya sa labas ng kwarto. Natatakot na baka masira niya ang pinto dahil gawa lang ito sa plywood na ginawa ni papa, rinig ko din ang mga boses ni mama at papa na sinasaway si Loui pero hindi ito natigil sa pagkakalabog hanggang sa narinig ko ang pwersahang pagkabukas ng pinto kaya mahigpit akong napahawak sa kumot na nakatalukbong saakin.

"Sammantha, open the door please? I'm sorry, please, open the door.", paulit-ulit siyang pagmamakaawa at mas lalo akong kinabahan.

Impit akong napatili nang maramdaman kong may dumagan saakin na malaking katawan, niyakap ako non hanggang sa hindi ako makahinga sa loob ng kumot kaya inilbas ko na ang ulo ko saka ko nakita si Loui na nakatitig sakin habang nakasampa siya saakin. Namumula ang mga mata dahil sa pagiyak kanina at siguro dahil din sa sobrang kalasingan.

Natunaw ang puso ko nang makita ko ang hitsura niya, magulo ang buhok, Namumula ang mukha pati ang mata at meron pang bakat ng kamay ni papa sa kanang pisngi niya.

Nanligid na naman ang mga luha niya saka ibinaon ang mukha sa leeg ko at doon umiyak. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad saakin habang yakap-yakap ako ng mahigpit.

Basang-basang ang damit ko sa bandang balikat dahil sa tuloy-tuloy na pagtulo ng luha niya, hindi na ako nagreklamo sa amoy ng Alak at hinayaan ko nalang siya na mapagod kakaiyak sa ibabaw ko.

Hindi ako nagexpect na magkakaganito siya pagkatapos ng engkwentro namin kanina. Unti-unting natutunaw ang galit ko sakaniya dahil sa paulit-ulit niyang pagmamakaawa na patawarin siya.

"I'm really sorry, I fucked up." Bulong niya habang umiiyak.

Sinuklay ko ang buhok niya hanggang sa makatulog siya kakaiyak, pagkatapos noon ay kusa na rin ako nakatulog dahil sa pagod.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon