OBSESSION CHAPTER 20

365 13 7
                                        

OBSESSION CHAPTER 20: BACK


LATE na ng umaga nang nagising ako,hindi na rin ako nakapasok ng trabaho dahil pahirapan pa sa pagbangon dahil kay Loui na tulog mantika kaya nagtulong sila papa, tonton at Grace sa paglipat sakaniya. Ewan ko lang sakaniya kung ilang bote ba ng alak ang kaniyang nilaklak para maging ganito siya ka bagsak, nakapagluto ng ako ng hapunan at lahat tulog parin ang makunat.


Napatingin ako sa orasan na siyang nagiisang maingay dito ngayon sa loob ng bahay, ala una na ng tanghali, wala na ang mga kapatid at si papa, si mama naman ay namalengke na dahil ubos na ang stock ng pagkain namin.

Nataranta akong bumalik sa kwarto nang makarinig ako ng Malakas na kalabog na parang may nahulong sa sahig. Halos matapilok pa ako sa pagmamadali bago buksan ang sirang pinto ng kwarto ko, naabutan ko si Loui na naka Indian sit, yakap ang unan ko ay naka harap lang ang likod niya saakin at parang tulala sa kawalan dahil hindi ito gumagalaw. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako, sapagkat mukha siyang tuod na nakaupo sa sahig na parang inaalala ang mga nangyari.


"Where.. the.. hell.. am.. i? This is not my f*cking room!.. Oh no.. "


Nakunot ang noo ko dahil para siyang baliw na kinakausap ang sarili, maya-maya ay bigla sinabunutan ang sarili na para talagang nababaliw na. Nag-aalala na talaga ako sa lalaking ito, baka naman hindi talaga siya nagpagamot at inuna pa ang paglandi sa paginom ng gamot, apat na taon na hindi siya bumalik tapos bumalik siya saakin na parang mas lumala pa ang kondisyon.

Pinanood ko lang siyang magpaikot-ikot sa pwesto habang kinakausap ang sarili, ewan ko pero ang cute niya pala kapag nababaliw parang gusto kong lagi siyang ganito.. shit! Ang sama ko na yata.


"So.. it's not just a dream? I'm drunk and i drive my car from the bar up to here..?! D*mn it! How can i supposed--" Napahinto siya sa pagikot ng mapansin niya ako sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Pigil ang tawa kong tinignan ang kabuuan niya, messy hair, Namumula ang buong mukha hanggang batok, medyo nagviolet na ang bakat ng kamay ni papa sa pisngi niya, namumula parin ang mata siguro dahil parin sa alak, pero kahit ganon ang gwapo parin ng ex ko kahit papaano.


"Wait. Did i sleep..?"


Bigla siyang tumayo at dahan-dahan na umikot paharap saakin. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na parang hindi makapaniwala sa nakikita, mukhang pinagsisisihan ang mga ginawa niya kagabi. I can't blame him tho.. he is a male, ego comes first.

Pinagkrus ko ang aking mga braso at tinaasan siya ng kilay.


"Tapos ka na? Ayusin mo iyang higaan tapos pwede ka ng umalis." Tinarayan ko siya bago ako bumalik sa kusina, iniwan ko siya doon na natanga. Sinadya ko talagang wag siyang ayain na kumain, MANIGAS siya! Pagkatapos niya akong ipagtabuyan, sigawan, ipagpalit at akusahan! There's no way I will treat him better. Hindi ko matatanggap yung mga pambabastos niya saakin, never.

Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kaniya, wala rin akong marinig na ingay o tunog mula sa silid ko, siguro ay naglilipit na iyon o baka kinakausap ang sarili sa isip.


Maya-maya ay lumabas din siya sa kwarto ko. Mukhang wala parin sa sarili at magulo parin ang ayos, dumiretso siya dito sa kusina at umupo pa sa upuan, tinignan lang niya ako na parang may inaabangan saka muling tumayo at hinalungkat ang pagkain sa kawali at kaldero.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon