JELLY
KAHIT na nasasaktan ay nagpatuloy at umupo ako sa isanģ waiting chair malayo sakanila.Kahit hindi ko na naririnig ang kwentuhan nila ay mukhang masaya ang pinag-uusapan nila ng babaeng doctor na iyon.
Napairap ako sa kawalan pero hindi ko maikakaila kung magustuhan ito ni Loui dahil parang si Liza Soberano ang babaeng doctor na kausap niya ngayon,Mukha itong Filipina dahil sa kayumanggi ni tong kutis pero maaninag mo dito ang banyaga nitong Awra.At sigurado na kahit ang mga bakla ay mabibighani dito dahil napakahinhin niya at mukhang magaan kasama,compared saakin na simpleng babae lang at minalas pa sa buhay.
Agad naman nalipat ang atensyon ko sa Babaeng may edad na Nurse na lumabas mula sa Emergency room na may hawak na mukhang abala sa Binabasa sa hawak nitong Ipad kaya agad naman din akong tumayo at kinuha ang atensyon nito.
"Pwede po bang malaman ang kalagayan ng tatay kong si Mario Ricardo Trinidad,ako nga po pala si Maria Sammantha Trinidad."
Kaala ko ay di ako narinig nito dahil nakatutok lang ito sa Hawak niyang Ipad at may kung ano itong pinindot doon saka ako tinignan at ngumiti.
"Maari na po Ma'am Trinidad,sumunod po kayo saakin."ani nito saka naglakad pabalik sa pinanggalingan nito at sumunod ako pero lubos ang pagtataka ko nang huminto kami sa tapat ng Dalawang 'Couple' na masayang nag-uusap sa 'daanan' ng Entrance ng emergency room.
"Ms.Villapando nandito na po ang kamaganak ng pasyenteng nasa Bed Number 3."Sabi nito na kaagad namang ikinainit ng ulo ko.I shouldn't be like this!Break na kami!Break na kami!Break na!
"Wow what a beautiful child,follow me."Mahinhin at nakangiti nitong pahayag bago tumlikod at maunang maglakad.Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at binangga ko ng malakas ang balikat ni Loui bago sumunod sa Nurse at sa Ms.Villapando na iyon.Hindi ko na siya tinignan pero rinig ko ang mahina nitong pagdaing at kahit ang titig nito saakin ay ramdam ko din,hindi ko na iyon pinansin marahil ay nasanay na ako.
Imbis na ang Ama ko ang isipin ko ay naakupado na ng utak ko ang iba't ibang scenario na maaring madalas gawin ni Loui katulad ng maaring sa bawat pinupuntahan nito ay may babae siya,hindi iyon malabo dahil bago kami maghiwalay ay rinig ko pa ang mga malalanding boses ng mga babaeng kasama niya.Mayaman siya kaya siguradong hindi malabong mangyari at gawin niya iyon.
"Maayos naman ang lagay ng Right leg ni Mr.Trinidad maliban sa iilang maliliit na sugat pero ang left leg niya ay nilagyan natin ng supporter at makapal na benda dahil nagtamo ito na Fracture,it will heal in no time basta wag lang itong gagalawin mabuti nalang at naging maingat ang mga rescuer at hindi nagkaroon ng open fracture.Hindi naman ganoon kalala ang fracture,bibigyan ko kayo ng Reseta ng mga kakailanganin niyang Suplements para bumalik ang dating structure ng bones niya.Okay?"napatango nalang ako doon at inisip kung saan ko makikita ang may ari ng construction site na iyon para siya abg magbayad sa lahat ng kakailanganin ni papa at lalong-lalo na sa bill ng pamamalagi ni papa dito sa hospital.
"May tanong ka pa ba Ms.Trinidad?"tanong ulit saakin ni Ms.Villapando na nakasingkit ang dalawang mata at nakataas ang kilay habang nakatingin saakin na tila ba'y inaabangan pa ang sagot ko.
Nangunot lang din ang noo ko dahil parang may pagkakapareho sila sa Pagtaas ng kilay ni Loui,naalala ko ang napapansin ko sa mga couple ngayon halos nagiging magkapareho na sila ng expression dahil sa lagi silang magkasama.
"I see now!That's why you look so familiar.. You are that Sammantha i saw in the frame inside L--"
"Ako nang bahala sa lahat ng gastusin Tiffany,give me the amount of bills."gulat naman kaming napalingon kay Loui na bigla biglang sumulpot sa gilid naming dalawa ni Ms.Villapando.Nakuryoso tuloy ako kung anong sasabihin ni Ms.Villapando saakin dahil sa bigla niyang pagiiba ng tono na para bang manghang-mangha saakin.
BINABASA MO ANG
OBSESSION
Romance(WARNING! ⚠️ I wrote this when I was 16 years old, it's going to be a little bit cringey, I'll try to edit this, you've been warned, thank you!) "Obsessive love disorder" (OLD) refers to a condition where you become obsessed with one person you thin...