GIFTS
PAYAPA kaming nakarating sa school kahit medyo Late na sa Oras,nagtalo pa kasi yung magkapatid kanina kung sino yung magdadrive ng AUV nila saka medyo nahirapan din kami kay papa kasi nahirapan siyang itiklop yung binti niya dahil may konti pa daw doon kirot kahit magaling na kaya in the end naglagay kami ng limang patong na unan sa harap ng upuan niya at iyon ang ginawang pangsupporta sa binti niya.
Kahit medyo huli na kami sa oras ay hindi pa rin nagsisimula ang ceremony,nakakalat lang ang mga Istudyante sa Quadrangle dahil inaayos pa ang Gymnasium.Laging ganoon ang Tagpo kapag may School events Mas wais ang huling dumating dahil mangangawit ka kakahintay na matapos sila sa pag-aayos.
"Bakla!!!Ikaw ba yan?!!"Halos matiriring ako sa sigaw saakin ni Andrew na kung saan-saan ibinabaling ang mukha ko.Silang dalawa ni Ailyn ay hindi makapaniwala sa ayos ko ngayon dahil ngayon lang ako nagmake up."Ang ganda mo pakshet ka sarap mong ihulog sa stage."
nginiwian ko si Andrew dahil sa pagiinarte nito,actually kanina pa daw siya naiirita sapagkat Naka Tuxedo daw siya pero ang gusto niya yung kagaya daw ng suot ni Ailyn.Pinagtulungan nga namin siya kanina ni Ailyn dahil bigla niyang Inangat sa ere yung laylayan ng dress nito.Sila lang ang kasama ko ngayon dahil nabagot yung mga kasama ko at lumamon nalang sa Canteen,naiintindihan ko naman sila dahil nakalimutan na nilang kumain kakaasikaso saakin.Nagulat pa nga ako dahil kaya pa todo Practice si papa kakalakad ay Sasama pala siya sa pagakyat ko mamaya sa stage.
"Uy where's your ano nga pala.. yung Si bebe Salviola mo?Hindi ba siya dadalo para sayo??I mean kung sabagay manliligaw mo palang siya diba..?"Napaisip naman ako sa Biglaang tanong saakin ni Ailyn at si Andrew naman nagningning bigla yung mata ng marinig yung apelyido ni Loui,isn't he supposed to be scared of him.. Iba talaga kapag bakla jusko.Hindi ko naman alam kung sasabihin ko pa saknila ang OLD ni Loui knowing na kahit hindi madaldal sa iba ang dalawang ito ay Kung makapagsalita naman rinig ng buong bayan.
Hindi ko naman ikinakahiya ang kalagayan ni Loui,nag-aalala lang ako na baka dapat secret lang iyon para sa Security and Reputation niya bilang isang tagapagmana ng Salviola Comapany nila.Baka mamaya bigla akong barilin bago ko maibuka ang bibig ko,i don't think myself as an exception.Ako pa nga ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng Disorder.
"Teka ang narinig ko kasing pinag-usapan nila Dad nasa America daw si Bebe Salviola mo."tumango nalang ako sa sinabi ni Andrew na ngayon ay nagsusuot na rin ng Toga dahil Dumaan na ang mga SSG officers at CAT para sabihan kami na anuman daw na oras ay masisimula na ang Graduation Ceremony at mauuna daw kaming Senior high sa Pila saka kasunod namin ang College.
"HeHehey!Ms.Scholar!Nice to see you again!Actually I'm Quiet surprise,i caught you in here after.. that Incident back from The Gratitude Ceremony for Mr.Jonahtan Loui Salviola."awkward kaming nagtawanan sa alaalang iyon na sinabi lang ni Michael ang SSG president kung saan 'pinag-agawan' pa daw nila akong dalawa ni Loui noon.
"Hi Fafa Michael!hihi."paebeng bati ni Andrew na nakadikit na parang tuko sa kausap namin ngayon na parang naiilang na sa ginagawa kalandian sakaniya ng kaibigan namin.Nasabi ko na bang may gusto din si Andrew kay Michael?Maraming crush si Andrew puro mga lalaki,gwapo naman at Matipuno ang kapatid ni Ailyn Halos nga sambahin nga iyon ni Aling bebang at mama ng makita nila iyong baklang iyon kaso lalaki din ang gusto na mayroon din pagkakataon na nag-aagawan sila ng Crush ni Ailyn kaya palagi daw silang nag-aaway.
Halos lahat pala sila binabanggit si Loui,nasanay din siguro sila na palagi itong nakikita dahil hatid sundo ako noon sa school at umaapaw pa sa kasweetan saakin kaya kapag pumapasok ako laging bukambibig nila si Loui.Parang naging bahagi na siya ng pangaraw-araw ko na ngayong umalis siya ay parang maraming nagkulang.
"Uy teh anong ineemot mo dyan?Miss mo na si bebe loui?Lemme hug you babe."pang-aasar ni Andrew na bumitaw ngayon kay Michael saka ako ang niyakap ng mahigpit,sumali din Ailyn kaya parehas na kaming yakap yakap ng kapatid niya.Ang sarap talaga sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigan na ganito.They are been here with me all the time,hindi nila ako tinuring bilang iba sakanila dahil sila ay mataas ang estado sa buhay kahit ang magulang nila na si Tito Adrian at tita Venus na tinulungan akong mag-Apply ng scholarship dito sa school.
"I love you mga bakla"mababa at panlalaki ang boses ni Andrew ng sabihin niya iyon,ganoon siya kapag seryoso.Hilinhinan pa niyang hinalikan ang bunbunan namin ni Ailyn,para siyang tatay kung amasta kaya binigyan ako ng makahulugang tingin ni Ailyn saka kami nagtawanan sa naisip namin para kay Andrew.
"Oww shit!What the f*ck guys!s-stop!Oy t*ng*na di nakakt-tuwa!!!"mangiyak-iyak si Andrew kakapigil ng tawa habang hinahabol namin siya ng kiliti.Ilang minuto ang tinagal bago namin tinigilan dahil namumula na ang Leeg at mukha ni Andrew,dumayong na din sila mama na may dalang Isang slice ng Letche plan cake.Nakakamangha lang na Hindi ko alam na meron palang ganoong pagkain sa Canteen baka dahil graduation ngayon?Sabagay kahit naman mayroong ganitong cake kahit normal na araw lang ay hindi parin ako bibili dahil sayang sa pera.
"Hindi pa ba nagsisimula?Ang tagal naman niyan."Reklamo ni papa na hindi na ata kinaya ang paglalakad at nakawheel chair na naman,nakaupo naman sa hita niya si Grace na hindi mapakali at kung sino-sinong tinitignan na mga gwapong lalaki na college graduating.Si Ailyn ay hindi rin mapakali na tuwang-tuwa kay grace na para bang nanggigigil ito sa bata.
"Ang cute mo pucha!!!Andrew hoy!Bakla ka bilhan mo ako non!bilis na!"Hindi magkanda makaw ito kakahampas at kakatulak kay Andrew na seryosong kinakausap ang isang SSG officer.Ang wierd alam ko di naman mahilig sa sweets si Ailyn kasi nagdidiet siya at sabi niya dati Kape lang na may asukal ayos na sa kaniya.
"Is she really like that,Samm?"nakangiwing tukoy ni Wendell kay Ailyn na ngayon ay halos manlupasay para lang pansinin siya ni Andrew at para na rin mabilhan siya cake.
"Ano iyan ineng naglilihi ka ba?"Nang-aasar na tanong ni papa kay Ailyn dahilan para ito ay mas lalong sumimangot saka tinignan ng masama si Andrew na ngayon ay Pangisi-ngisi at nakatingin sa kapatid niya na mukhang nang-aasar kunaware pang lilingon sa iba saka lilingunin si Ailyn at bebelatan.
Napabutong hininga nalang ako at inilingan si Andrew na walang ginawa kundi Asain ang kapatid niya,inabot ko kay Ailyn ang hawak kong isang slice ng cake.Nagniningning ang mga mata niya nang tanggapin iyon saakin pero ang mas nakakagulat parang gutom na gutom niya iyong sinunggaban.Kahit si Wendell at wendy ay napasipol pa sila mama,papa at aling bebang naman ay gulat na nakatitig din sa kaibigan ko pati si tonton at grace.
_________
COMMENT AND VOTE!!!THANK YOU!

BINABASA MO ANG
OBSESSION
Romance(WARNING! ⚠️ I wrote this when I was 16 years old, it's going to be a little bit cringey, I'll try to edit this, you've been warned, thank you!) "Obsessive love disorder" (OLD) refers to a condition where you become obsessed with one person you thin...