REAL BITCH
"Watashi wa,anata o aishiteimasu"(i love you)
Napahagikgik ako saka tumingkayad at ginawaran siya ng isang mabilis sa labi."I love you too"
Napataatras pa ako ng habulin niya na naman ang bibig ko dahil kagabi lang ay nagstay siya sa bahay at halos mamaga na ang bibig ko dahil oras-oras ay bigla nalang niya ako hahalikan tapos kapag magrereklamo ako ay sasabihin niya lang ay mamimiss nya daw ako saka magpapacute saakin.Nang mabigo siya ay umayos na siya sa pagkakatayo kaya nakahinga na ulit ako ng maluwag,saka tumingin sa paligid.
Kasama namin ang mga kasama namin sa bahay pati sila Wendell at Wendy ay sumama rin para magpaalam dito ngayon sa Airport,parating palang ang magulang at si Jonalyn ang bunsong kapatid ni Loui si Leo naman daw nauna na sa america.Maaga kasi kaming nakarating dito dahil kaala namin traffic.
"Drew!Bakla.. Bilhan mo ako ng Sisig tapos ng Inihaw na liempo tapos--"
"What?!Puro mamantika?Bawal sayo yon!Iba nalang."nakalimutan ko bang sabihin na nandito rin ang isa pang magkapatid?Nandito din sila,kahit ayaw ni Loui dahil ayaw daw niya kay Andrew pero Pumunta parin silang dalawa ni Ailyn at nang sabihin ni Loui na hindi pwedeng kasama si Andrew ay Umiyak ito.
Nagulat kaming lahat dahil parang nagkaroon ng ibang pagkatao si Ailyn at nawala ang pagiging mapanakit niya,ang akala ko kanina ay sisipain niya pauwi si Andrew pero umiyak siya ng umiyak hanggang sa mairita si Loui at payagan silang dalawa.
Bumaling naman ako sa katabi kong makulit,kanina pa siya nagmumukhang bibi na nakanguso.Ganiyan siya kapag nanghihingi ng halik.
Hindi ko siya pinansin saka hinila sila mama at papa patungo sa mga upuan na kulay asul para doon kami maghihintay ng oras ng flight ni Loui,sumunod din sila Wendell at yung magkapatid naman ay parang magcouple na magkahawak kamay na tumungo sa isang restaurant dito sa loob ng Airport.
Nakanguso parin din na sumunod saakin si Loui,hindi talaga siya titigil kakanguso niya.Kung sabagay ay gwapo siya kahit nakaganoon kaya okay na saakin ang ganyan.
"Are you not really going to kiss me?Hmm??baby?"
Nagpatinaod ako nang buhatin na naman niya ako saka inupo sa hita niya.He is serious by now,Seryoso na siyang makipaghabulan.Hindi ko nga alam kung natuwa ba talaga ako kagabi dahil saamin siya natulog at katabi ko pa kasi Pagkagising ko punong-puno ng hickeys ang leeg ko,nang tanungin ko naman siya ay sabi niya trip niya.Tapos kapag magagalit ako ay idadahilan niya yung OLD niya.
Wala naman akong naalala kagabi na may ginawa kami maliban sa paghalik sa labi,mabuti nalang at tinulungan ako ni Wendy lagyan ng kolorete ang leeg ko dahil sabi niya kaninang umaga ay hindi na siya magpapagamot kapag hindi ako sasama sa paghatid sakaniya.
"OHMYGOSH!!!Is that you???!Jonahtan!"
Gulat kaming napabaling sa babaeng sumulpot kung saan na may hila-hila na maleta.Tinignan ko naman si Loui na parang may malalaking question marks sa palibot ng ulo nito.
Kaming lahat ay nakatingin lang sa babaeng hindi kilala pero kilala niya si Loui?Sino ba siya?
"I'm Laica?Liz big sister?and who is this?Wow nice one!Atleast you found a innocent looking prosti!"
Napatayo ako sa hita ni Loui saka tinignan siya ng masama,lumipat ako sa ibang upuan katabi ni Loui saka humalukipkip.
Nilingon ko si Loui at tinignan rin ito ng masama,nakanguso lang siya saka muling humarap sa babaeng nagngangalang Laica.Sa isang iglap nagdilim ang awra niya,nakayukom pa ang kamao kaya kitang-kita ang mga ugat roon hanggang sa matitipuno niyang mga braso.

BINABASA MO ANG
OBSESSION
Romance(WARNING! ⚠️ I wrote this when I was 16 years old, it's going to be a little bit cringey, I'll try to edit this, you've been warned, thank you!) "Obsessive love disorder" (OLD) refers to a condition where you become obsessed with one person you thin...