HELP
NAPABALIKWAS ako ng gising nang maramdaman kong may kakaiba sa kama ko, bakit ang lambot? Nilibot ko ang paningin ko only to see ang isang magulong panlalaking kwarto. Naalala ko si Mr.Salviola, he almost rape me! God! Thank you for saving me.
Naiiyak akong hinahanap ang bag ko para kunin ang cellphone, mabuti nalang at nasa ibaba lang ng kama at nakasandal. Agad kong iyong hinalungkat at hinanap ang cellphone. Pagkabukas ko palang ay bumungad na saakin ang 36 missed calls galing kay mama!Siguradong nag-alala sila kasi hindi ako umuwi..
Wala na akong inaksayang oras at kinuha ko ang dala kong extrang damit, mabuti nalang talaga nagdala ako kundi nanakawin ko talaga ang damit niya. Agad kong sinuot ang white tshirt ko, agad kong naalalang hindi pala ako nakapagdala ng pangibabang damit. Wala akong pagpipilian kundi hiramin nalang ang damit niya, kung magagalit siya ay palitan niya ang damit kong sinira niya.
Mabuti nalang at mukhang wala siya dito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang track pants na maayos na nakasampay sa single sofa. Binilisan ko lang ang pagbibihis nagponytail nalang din ako dahil wala nang oras baka himatayin sa pag-aalala si mama.
Inayos ko rin ang mga gamit ko sa tuloy-tuloy na lumabas sa kwarto. Halos mamatay ako sa gulat ng makita ko ang isang pamilya na kumakain sa kusina, naroon din si Mr. Salviola. Pero may isang mukhang americano ang nakaupo sa kabisera, napansin kong nandoon din ang Isang bunsong kapatid na babae ni Mr. Salviola at ang dalawang Lalaking kapatid din nito, Nandoon din ang nanay ni Mr. Salviola nagkita kami through Video chat isa siyang magandang haponesa mahinhin at napakabait.
"Chamcham!(samsam)" kahit bulol iyon ay napangiti ako sa bati saakin ni Jonalyn, ang pinakabata sa kanila. Dalawang taong gulang palang ito, siya ang laging nangungulit saakin tuwing nagvivideo chat kami ni Lou-Mr. Salviola noong kami pa.
"Magandang umaga sayo Samm! Mabuti at nandito ka? Miss na miss ka na ni Lou-" naputol ang sasabihin ni Mrs. Salviola nang Sunod-sunod na umubo si Mr. Salviola i mean si Loui. Siguradong malilito sila kung tatawagin ko si Mr. Salviola gamit ang apelyido nito dahil pare-parehas silang Salviola.
"May paubo-ubo pang nalaman. May kasalanan ka saakin anak!" istrikto saway ni Tita Mina kay loui at piningot pa nito sa tenga, si Loui naman ay walang reaksyon. Tinitigan lang ako nito at parang inoobserbahan ang kabuuan ko. Maya-maya pa ay nangingisi itong umiling at sinenyasan akong umupo sa tabi nito pero tinignan ko lang ito ng masama.
"Pasensya na po sa abala aalis na po ako, s-salamat po sa pagpapatuloy sakin dito." nag-alinlangan pa akong sabihin ang salamat dahil si Loui naman ang nagdala saakin dito kahit ayaw ko. Walang hiya. Kung alam lang nila kung gaano ako Natakot kagabi dahil sa ginawa saakin ng panganay nila.
Akmang aalis na ako nang biglang Dumagundong ang boses ni Mr. Salviola ang tatay ni Loui, kinilabutan ako doon dahil kahit kailan ay hindi ko pa ito nakausap tanging ang nanay at mga kapatid lanh ni Loui ang nakasalamuha ko.
"Ms. Trinidad take a sit and eat before you leave. My son cooked all of this for you." napako ako sa kinatatayuan ko at hindi malaman ang gagawin, nahihiya akong sumabay sakanila at siguradong hinihinyay na ako ng pamilya ko.
"A-ah.. a-ano po.. k-kailangan ko na po talagang umalis." pahinang-pahina kong sambit akmang tatakbo na palabas ng magsalita ulit si Mr. Salviola.
"But i really believe in saying 'Don't reject a blessing'. Do you believe in that Ms.Trinidad?" mariin nitong tanong kaya natahimik ang lahat pero nagulat ako nang hampasin ni Tita Mina ang braso ni Mr. Salviola pero wala rin itong reaksyon halatang may pinagmanahan si Loui.
BINABASA MO ANG
OBSESSION
Romance(WARNING! ⚠️ I wrote this when I was 16 years old, it's going to be a little bit cringey, I'll try to edit this, you've been warned, thank you!) "Obsessive love disorder" (OLD) refers to a condition where you become obsessed with one person you thin...
