OBSSESION CHAPTER 14

214 7 0
                                        

TRUST

"ANO ba kasing nangyayari sayo Ailyn?"

Nakapameywang ako habang paikot-ikot dito sa kusina. Bigla kasing dumating si Ailyn na umiiyak at kanina ko pa siya tinatanong pero iyak lang siya ng iyak. Tatlong linggo na pagkatapos umalis ni Loui, tapos ngayon hating gabi ay biglang nagkakakatok  si Ailyn sa gate namin na umiiyak.

"Hindi ko na alam yung gagawin ko sammy.. I'm.. " aniya saka ibinigay saakin ang isang Pregnacy test kit, may dalawang pulang guhit doon na ibig sabihin ay buntis siya. Nalilito ko siyang tinignan, wala siyang nobyo pero nabuntis?

"Kaala ko hindi magbubunga s-sammy.. Pinalayas ako ni Dad sabi niya papanagutin ko daw ang nakabuntis saakin pero kanina lang pinuntahan ko siya pero.. May kasama siyang ibang babae!"

Ako ang naiistress sakaniya eh. Wala siyang dalang ibang damit maliban sa suot niyang pantulog, siguro ay nagalit talaga ng sobra si tito. Kanina ko pa tinatawagan si Andrew pero hindi niya sinasagot siguradong tinago ni Tito ang 'iPhone' ng baklang iyon. Mahigpit talaga si Tito sa mga Anak niya, he teaches them how to be independent pero sobra talaga iyon magagalit lalo na sa mga sitwasyon na ganito.

Ngayon naipaliwanag na ang pagiging iyakin niya now a days, pati ang biglang paglakas niya kumain medyo umumbok na rin ang tiyan ni Ailyn kahit hindi masyadong halata sa maluwag siyang pantulog pero halata sa mga braso niya na tumaba siya.

"Sino ang ama?" Natahimik siya sa tanong ko, umiling-iling lang siya saka muling humagulgol. Lumapit ako sakaniya para himasin ang likod niya naramdaman ko naman na kumalma siya ng kaonti.  "Huminahon ka kung ayaw mong makunan, magpahinga ka muna sa kwarto ko. Bukas na tayo mag-usap."

Ginabayan ko siya paakyat sa kwarto, agad naman siyang nakatulog sa kama siguro ay sa sobrang pagod. Hindi ko alam kung sino at nasaan ang Ama ng dinadala niya pero ramdam ko ang pagod at pighati na nararamdaman ng kaibigan ko.

Naglatag nalang ako ng banig at kumuha ng extrang unan sa kabinet. Inisip ko kung anong kalagayan ni Loui sa America, kung iniisip rin ba niya ako sa oras na ito kung kamusta na ba ang mga ginagawa niyang therapy kung iniinom ba niya ang mga gamot niya. Hindi ko siya pwedeng tawagan at busy din si Wendell kaya hindi ko siya makausap, wala naman akong number niya, si Wendy naman ay minsan bumibisita dito pero wala siyang balita tungkol kay Loui dahil wala naman silang communication dahil pinagbawal daw ng kuya niya baka daw kasi magtanong ng tungkol saakin at mauuwi lang sa wala ang therapy nito.

Nag-aalala rin ako na baka may makipaglandian sakaniya na babae doon, nakita ko palang si Ailyn na umiyak dahil sa walang kwentang ama ng anak niya ay parang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nambabae din si Loui. Alam ko naman na hindi niya iyon magagawa dahil patay na patay siya saakin pero who knows? Baka sa sobrang pagkaulila niya saakin ay makahanap siya ng makakatakip sa butas sa puso niya.

Huminga ako ng malalim at inalis sa utak ko ang mga maling pag-iisip,  kailangan maging positibo ako lalo na ngayon na malayo si Loui saakin at namomroblema din si Ailyn kung paano niya papanagutin ang ama ng batang nasa sinapupunan niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at mabilis na nakatulog.

Nagising ako dahil sa mahihinang pagsampal saakin ni Grace, tinignan ko ang kama at wala na roon si Ailyn.

"Nagaalmusal na po ulit si Ate Ailyn, ate. Nakita po namin siya kaninang three kumakain po siya sa kusina." nakahinga naman ako ng maluwag, kaala ko ay Lumarga paalis ang babaeng iyon ng hindi nagpapaalam saakin at baka mapahamak siya.

Nginitian ko ang kapatid ko saka bumangon, binuhat ko siya pababa ng kusina at katulad nga ng Sabi niya ay lumalamon na si Ailyn sa baba. Sila papa at tonton ay nakatitig sakaniya na parang isang alien, si mama naman ay  tuwang-tuwa dahil malakas kumain si Ailyn. Hindi pa nila alam na nandito si Ailyn kagabi at kung anong kalagayan nito dahil ako lang ang nagising kagabi sa malalakas na katok kagabi.

OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon