Chapter 2

313 6 1
                                    

Sabrinna POV

"I like this one, bagay sayo ‘to." Turo ng ina ni Prime sa isang magarbong wedding gown.

Ngumiti lang ako at tumango, hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano ako sasagot. Sa tuwing kasama ko ang ina ni Prime ay lagi akong sinasampal ng kahirapan.

Paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? I mean, may choice ba ako?

Sumakit bigla ang ulo ko sa nangyayari, parang kahapon lang niloko ako ng ex boyfriend ko ngayon ikakasal na ako.

"Hija, it's already been 2 weeks. Hindi mo pa din ba napag isipan ang desisyon mo?" Tanong sa akin ng ginang.

Hindi ko alam kung paano nila ako nahanap, hindi ko naman ibinigay sakanila ang address ko dahil ang usapan ay ako mismo ang pupunta sa bahay nila.

Kaya nga umabot ng dalawang linggo kasi balak kong hindi na pumunta.

"Ma'am.. Pasensya na po, pero ang nangyari po sa amin ni P-prime ay wala pong ibang meaning. Aksidente lang po dahil pareho kaming nakainom, hindi naman po kailangan na aabot sa ganito dahil lang may nangyari po sa amin ng anak niyo."

Hindi ito makapaniwalang napatingin sa akin, "Hindi maaari yan. Hindi ako papayag na hindi ka makasal sa aking anak! May nangyari sa inyo kaya hindi imposibleng walang mabubuo. He must take responsibility for his actions. I know my son well enough to say that, no matter how much he drinks, he never gets drunk. What he did was entirely his choice."

Lihim akong napabuntong hininga, hindi ko maintindihan ang ginang Prime and I are already adults to do stuff and decide on our own at parehas naming desisyon ang hindi matali sa isa't isa.

"Ma'am, kahit si Prime hindi po papayag na mag pakasal sa taong hindi niya kilala—"

"But something happened between you and my son.."

"Yeah.. That happened pero hindi po talaga pwede eh." Peke akong ngumiti. Sana matapos na, sana pabayaan niya na ako.

Yumuko ang ginang na parang nag iisip ito sa kung ano ang balak niyang gawin. Pero kung ano man yun, sana ay mag desisyon siyang kalimutan na ang lahat ng ‘to.

"5 months."

Tumaas ang dalawang kilay ko, naguguluhan sa kung ano ang sinabi niya, "Po? Anong 5 months po?"

"We'll have a contract, you're going to marry my son for 5 months and after 5 months, if their is no child then we'll proceed to a divorce."

Napasandal ako sa upuan at ‘di makapaniwalang napatitig sa ginang, "Madam, kahit may kontrata hindi pa din po ako papayag and sigurado akong hindi papayag ang —"

"Kapag pumayag ang anak ko ibibigay ko sa iyo ang contract."

"Madam wala pong divorce sa Pilipinas."

"Hindi sa Pilipinas gaganapin ang kasal ninyo. Kundi sa ibang bansa."

Para akong nauubusan ng lakas makipag argumento sa ginang, ayaw niyang makinig sa akin. Hindi ba niya nirerespeto ang aking desisyon? Ayokong mag pakasal lalo na may malaking problema ako.

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon