Chapter 5

262 6 0
                                    

Sabrinna POV

"Hello, good morning," I greeted him as soon as I woke up.

"Morning, breakfast is ready," he said.

Tumango lang ako at umupo sa hapagkainan, nagtimpla ako ng gatas at kumuha ng pancake na luto niya.

We are now back in the Philippines and living in his condo. I still can't forget how shocked I was a month ago when I saw the inside of his place.

Napailing-iling na lang ako. Hindi siya umaasa sa pera ng magulang niya, pero huli ko nang nalamang sobrang sipag niya pala. Binili niya ang condo na ito gamit ang sariling pera niya.

One month ago, sinabi ko sa sarili kong babawian ko siya sa pang-aasar na ginawa niya, but after what happened that night, bigla na lang siya nawala na parang bula. Mag-isa akong umuwi ng Pilipinas pero kasama ko si Mama na pumunta sa condo niya.

And when I saw him again two weeks ago, he was drunk and silently crying in the corner of my room. Ending, magkatabi tuloy kaming natulog, hindi ko kasi magawang pabayaan. Iyak ito nang iyak na para bang nawalan na talaga ng pag-asa sa buhay.

I asked him what happened the next day, but he just stayed silent. Hindi na namin napag-usapan pa ang nangyari nung gabing 'yun.

Pero matapos ko siyang makitang ganun, hindi na ako makatulog kaagad hangga't 'di ko siya nasisilip sa kwarto. Just to make sure he's okay.

I took a sip of my milk then I glanced at him, ang tamlay niya. "Anong oras ka na nakauwi kagabi?"

"I forgot."

Ayan lang palagi ang sagot niya. Tipid. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya pero parang may pinagdadaanan siya.

"Ang cold mo, parang wala akong kausap sa tuwing tinatanong kita, alam mo ba 'yun?"

Sumubo siya ng pagkain bago sumagot sa akin, "I'm sorry. Masama lang ang pakiramdam ko."

Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at nilapitan siya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at inilapit ko ang noo ko sa noo niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang temperatura niya. Ganito ang palaging ginagawa sa akin ni Inay kapag masama ang pakiramdam ko.

"Mainit ka nga. Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.

Nagtataka akong napatingin sa nagugulat niyang mukha. May nagawa ba akong hindi maganda? I'm just checking his temperature—ohh, I see.

Pinisil ko ang pisngi niya at pinanggigilan 'yun. "Tinitingnan ko lang kung may lagnat ka ba o wala, 'wag ka mag-isip ng kung ano-ano diyan."

Natawa ako sa itsura niya, para siyang bata na hindi alam ang gagawin at sasabihin. Napailing na lang ako, kumuha ako ng gamot at tubig, pagkatapos ay inilapag sa mesa.

"Hayan, pagkatapos mo kumain, uminom ka kaagad ng gamot. Ang taas ng lagnat mo, 'wag ka na muna kaya pumasok sa trabaho?"

Tumaas ang dalawang kilay ko, hindi kasi siya sumasagot, nakatitig lang siya sa mukha ko. Nahihiya na tuloy ako.

"You sound like a worried wife."

Tipid akong ngumiti at nameywang. "Well, I am your wife, but without feelings."

"Oh," napayuko siya. He sounded so disappointed.

Simula nang ikinasal kami at nagsama sa iisang bubong, kahit dalawang linggo pa lang, wala akong ibang masabi kundi para siyang bata.

"Oh, inumin mo na kaagad ang gamot ha? 'Wag ka muna papasok, aayusin ko higaan mo para makapagpahinga ka."

Iniwan ko na siya sa kusina, dumiretso ako sa ikalawang palapag upang linisin ang kaniyang kwarto at ayusin ang kama. Nag-handa na din ako ng maligamgam na tubig at bimpo upang tulungan siyang linisin ang kaniyang katawan.

This is the least that I could do to repay him, tinupad niya kasi ang usapan namin. Every morning, siya ang nagluluto ng breakfast namin, habang ako naman tuwing dinner.

Magdadalawang buwan na kaming kasal pero wala pang naging problema sa amin. We're good and things are going smoothly.

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok si Prime na kaagad namang humiga sa kama.

"Gusto mo bang mag half—"

He fell asleep.

Hindi ko na lang siya inistorbo, kinuha ko ang bimpo at binasa 'yun. Pinunasan ko ang buong katawan niya, at nang matapos ako ay nag-iwan ako ng basang bimpo sa kaniyang noo.

Bago ako lumabas ng kwarto, kinumutan ko muna siya at pinatay ang aircon.

"Get well soon," bulong ko.

I was confident he wouldn't hear it.

Without knowing that Prime was awake, pretending to be asleep, and heard what she said.

A few hours later, I saw Prime walking around the house with his laptop and some papers. Ano na naman gagawin ng lalaking ‘to?

Maya-maya pa ay umupo ito sa sofa at nagsimulang magtrabaho. Napapikit ako, ang tigas talaga ng ulo niya.

"Prime, sabi ko sa'yo magpahinga ka, hindi magtrabaho—"

"Ang sabi mo lang naman, 'wag ako pumasok sa trabaho, hindi ang 'wag magtrabaho sa loob ng bahay?"

Smart ass.

Nilapitan ko siya at kinuha ang laptop niya. Hinawakan ko ang noo niya upang malaman kung mataas pa ba ang kaniyang lagnat. Nakahinga ako ng maluwag dahil bumaba na ito.

"Magpagaling ka muna bago ka magtrabaho. Ayan, malinaw na ba?"

Tumango lang ito.

"Akyat na, magpahinga ka. As your wife slash your friend, I'm worried."

Natatawang napatingin sa akin si Prime. "Do you know how weird it is when you claim yourself as my wife without feelings?"

"Bakit? Asawa mo naman talaga ako, ah?"

"Without feelings?"

"Yes, without feelings."

He chuckled, "You don't find me attractive?"

Napaisip ako, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He's handsome and tall, may muscles, mabango, matangos ang ilong at mamula-mula ang labi. Kung usapang ugali naman, marespeto siya, mabait, mature, hardworking, at maalaga.

Ano pa ba ang masasabi ko sa taong 'to? He's the literal definition of a full-package man.

He's attractive, alright? More than that, actually.

Oh well, admitting that I'm attracted to him is not a bad idea. Kahit sino magka-kagusto sa kaniya dahil bukod sa sobrang pogi niya, ang bait pa.

"Well, you are attractive and I like you because you're handsome and respectful."

"So honest," he whispered.

"I am, so bangon na at lumipat ka sa kwarto mo para magpahinga—"

And he fell asleep.

Kumuha na lang ako ng unan at kumot mula sa kwarto niya. Pagkababa ko, inayos ko ang higa niya at kinumutan siya.

He's such a big baby...

Yeah, he's big.

To be continued

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon