Sabrinna POV
Buong araw, wala akong ginawa kundi alagaan si Prime. Bukod kasi sa pagluluto, wala na talaga akong ibang magawa.
Bumaba ako mula sa ikalawang palapag at naupo sa sofa. Naisipan kong tawagan si Jane at kamustahin. Hindi na kasi kami nakapag-usap at hindi ko rin siya naimbitahan sa kasal.
I mean, wala naman akong kamag-anak na inimbitahan sa kasal ko. Kung sino man ang mga dumalo, puro kamag-anak nila Prime 'yun.
"Bruha ka!" sigaw mula sa kabilang linya.
Nagulat ako; hindi ko alam na sumagot na pala siya sa tawag ko. Inilapag ko ang cellphone sa lamesa at pumwesto upang makita siya sa kamera.
"Sorry, Jane. Hindi na kita natawagan. Busy kasi eh."
Umirap siya. "Sabihin mo lang, busy ka sa honeymoon niyo! Hindi mo man lang ako inimbitahan. Saan ba at kailan ginanap ang kasal? Huli ko na talaga nalaman na pumayag ka pala."
Bumuntong-hininga ako. "Last month pa. Tsaka hindi naman kasi sa Pilipinas ginanap ang kasal kundi sa ibang bansa. Nakakahiya mangimbita, lalo na't hindi naman seryosong kinasal kami."
"Oo nga pala. Kamusta naman? Inaalipin ka ba ng asawa mo?"
Umiling ako. "Hindi ah. Dalawang linggo ko pa nga lang siya nakakasama pero hindi naman niya ako inaalipin. Kung tutuusin, baliktad pa nga eh. Maasikaso kasi siya. Ang bait at ang pogi pa."
Nanunuksong tiningnan ako ni Jane, at maya-maya pa ay pumalakpak. "Huhulaan ko," sabi niya habang tinuturo ako mula sa camera, "crush mo na siya?"
Inirapan ko siya. Hindi ba obvious? "Unang kita pa lang namin sa bar, napopogian na ako sa kanya, at ngayong nakakasama ko siya sa iisang bubong, mas lalo akong napopogian. Hindi malabong magkagusto sa lalaking kagaya niya, no?"
"Hmm, mahal mo na?"
Nagulat ako. "Hibang ka ba? Hindi noh! Gusto ko siya pero hindi ko siya mahal. Cross my heart! In good terms lang kami at nagkakasundo, pero hindi ako pwedeng lumagpas sa boundaries ko, okay? We have our own personal lives. Baka nga may iba siyang natitipuhan at nasira lang dahil sa kalokohang kasal eh." Seryosong sabi ko.
"Okay, sabi mo eh. Balitaan mo ako, ha? Tsaka 'wag kang magdadalawang-isip na magsumbong sa akin kapag sinaktan ka ng lalaking 'yan! Kahit legal na asawa mo siya, hindi niyo naman mahal ang isa't isa, kaya hindi malabong magbago ang ihip ng hangin."
Sasagot na sana ako para sabihing 'wag siya mag-alala nang biglang lumitaw si Prime sa camera mula sa aking likod.
"I'm not going to do that to her. You have my word, miss. Even though we're only married by papers, I would never hit a woman," he said with a raspy voice.
Napatingin ako sa kanya. "Uy, okay ka na ba?"
"Yeah, all thanks to you. I'll go make dinner as compensation. Have fun talking with your friend, Sab."
Natulala ako at nakatingin lang sa papalayong bulto ni Prime. Nang mawala siya sa aking paningin, hindi ako makapaniwala at tiningnan si Jane.
"Girl, akala ko naging tanga ka lang sa kapogian niya kaya mo 'yun nasabi. Pero totoo palang mabait siya. Parang nainlove tuloy ako."
Natawa ako. "Diba? Sabi ko sa 'yo, mabait siya eh, kaya hindi malabong magkagusto sa kanya."
"Ang swerte mo! Ibababa ko na ang telepono, mag-aasikaso pa kasi ako. Bye!"
"Bye!"
I ended the call. I stood up and decided to enter the kitchen. I saw Prime cooking adobo as our dinner.
"Hey, okay ka na ba talaga? Baka mabinat ka."
"Oh, yeah. Wala na akong lagnat," tumingin siya sa akin at yumuko. "Here, you can check my forehead."
Natawa ako. Hinawakan ko ang noo niya, at totoo nga ang kanyang sinasabi—wala na siyang lagnat. Ang bilis naman mawala. Pagod lang ba siya kaya siya nilagnat?
"May maitutulong ba ako?"
Umiling siya. "Let me cook our dinner. I know you're tired because you took care of me all day. Thank you."
Lihim akong napangiti. "Ano ka ba, trabaho ng asawa 'yun," pabirong sabi ko.
"You really sound like a real wife."
"I am your real wife."
Binalikan niya ako ng tingin. "No, I mean a real wife with feelings?"
Napa-ahh na lang ako. Pilyo akong ngumiti nang may kalokohang pumasok sa utak ko. Natatandaan kong hindi pa pala ako nakabawi sa kanya sa pang-aasar na ginawa niya.
"But I have feelings for you, so would that be considered as a wife with feelings?"
Napatigil sa pagluluto si Prime at nagtatakang napatingin sa akin. "Of course you have feelings for me. You said earlier that you like me?" Nagtatakang tanong niya at bumalik agad sa pagluluto.
Napairap ako. Hindi gumagana. Naisip pa ako ng ibang paraan. "But what if my feelings are more than that?"
Nagulat siya at napatingin sa akin. "W-what?"
Humagalpak ako sa tawa, napahawak pa ako sa aking tiyan dahil sa itsura ni Prime. Hindi ko akalaing gumana ang pang-aasar na ginawa ko.
"Inaasar lang kita," natatawang sabi ko.
Tila hindi natuwa si Prime sa ginawa ko dahil tinitigan niya lang ako. I felt guilty and it seemed like I made a mistake. Kaya naman tumayo ako at akmang lalapitan siya nang bigla niya akong hinawakan sa braso.
He suddenly pinned me against the wall. Our distance was not so close, but not too far. I looked at him with shock written all over my face, while he looked at me with seriousness in his eyes.
"Don't play with my feelings if you don't want to take responsibility," he whispered.
Hindi ako makasagot, natulala ako at parang nanghihina ang tuhod ko sa ginawa niya. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha.
He suddenly caressed my cheek until his thumb reached my lips. "The next time you joke about something like that, I'll claim these soft lips of yours. Understood?"
Napakurap-kurap ako. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ako makasagot at naghanap ng paraan upang makaalis sa sitwasyon namin.
Nang tingnan ko ang niluluto niyang ulam, luto na. Bahagya ko siyang tinulak. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nakakabigla ang ginawa niya.
He may look so gentle and nice, so I forgot what he's capable of.
To be continued
BINABASA MO ANG
Ashford Series 1: Loveless Vows
RomanceLife is hard, but it suddenly changed when Prime Cyril Ashford met a happy-go-lucky woman named Sabrinna Martinez. One fateful night, their lives changed dramatically, leading them to get married and utter loveless vows in front of the altar. Cover...