Chapter 19

171 5 0
                                    

Pumayag na ako sa gusto ni Cyrus kaya’t agad ko na ring inihanda ang sarili ko pati na rin si Sandy. Suot ko ang isang simpleng sleeveless na cotton dress na kulay light blue.

May mga maliliit na bulaklak na print ito at humahapit nang bahagya sa baywang ko, nagpapakita ng tamang hubog pero komportable pa rin. Sinabayan ko ito ng flat sandals para relaxed lang ang dating.

Para naman kay Sandy, pinili ko ang kanyang cute na yellow dress na may design na mga maliit na ducklings.

May ruffles sa mga balikat at may tali pa sa likod na bumubuo ng isang bow. Bagay na bagay ito sa kanya, lalo na’t kumikinang ang ash-grey niyang mga mata sa saya.

Parang little princess na naka-costume, ang saya niyang tingnan.

Nang matapos kaming mag-ayos, lumabas na kami ni Sandy papunta sa sala kung saan naghihintay si Cyrus.

Pagdating ko, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, mukhang naiinip na. Nang makita niya ako, agad niyang itinaas ang kilay niya na parang batang nagtatantrums.

"Finally! What took you so long, Sabrinna? Akala ko ba we’re just going out for a bit?" reklamo niya, halatang bored na kanina pa.

Napangiti na lang ako nang bahagya at hindi ko na lang pinansin ang pag rereklamo niya, "It’s not easy to get ready with a baby, you know?" sagot ko nang may halong biro, sabay buhat kay Sandy na nakangiti rin kay Cyrus.

In fairness, cute rin naman yung pagkabwisit niya. Pero hindi ko na lang pinahalata at tinuloy na namin kung ano man yung plano niyang gawin.

Sabay kaming lumabas ni Cyrus, at bago pa ako makapag-react, kinuha na niya si Sandy mula sa bisig ko.

"I got her," sabi niya, kaya hinayaan ko na lang siya.

Pagdating namin sa parking lot, agad na kinuha ni Cyrus ang susi at pinaandar ang kotse. Hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto, na ikinatawa ko na lang.

Grabe, ibang-iba talaga siya kay Prime. Kung si Prime 'yon, siguradong nakaabang na para pagbuksan ako ng pinto.

Bigla akong natigilan sa pagpasok sa kotse nang maisip ko si Prime.

Napailing na lang ako, bakit ba naalala ko pa siya sa ganitong pagkakataon? Kailangan ko na siyang kalimutan.

"Hey, Sabrinna! What’s taking you so long?" sigaw ni Cyrus mula sa driver's seat, halatang inip na.

Napabuntong-hininga ako at tumuloy na sa loob ng kotse. Mukhang magiging interesting ang araw na 'to kasama si Cyrus.

Tahimik ang biyahe, maliban na lang kay Sandy na ang daming sinasabi kahit hindi ko naiintindihan lahat.

Hindi siya mapakali sa upuan niya, palipat-lipat, kaya pagdating namin, kaagad kong inayos ang damit niya na nagusot na sa kakagalaw.

"Teka, nasaan na ba tayo?" tanong ko kay Cyrus, pero hindi siya sumagot.

Bumuntong-hininga na lang ako. Simula pa kanina, hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko, kaya hindi na ako nag-abala pang magtanong ulit.

Nang akmang bubuhatin ko na si Sandy, biglang inagaw ni Cyrus siya mula sa akin.

"I got her," sabi niya, na parang wala lang. Nagulat ako lalo nang bigla niya akong akbayan. Tiningnan ko siya, at nakangiti lang siya na may kasamang kindat.

Napangiwi na lang ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mainis sa kanya, pero ewan, may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman.

Iba ang nararamdaman ko, parang may binabalak si Cyrus na hindi ko alam, pero hinayaan ko na lang.

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon