Prologue

789 14 2
                                    


This is a work of fiction.

All names, characters, organization, places and events are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.

This story may contain grammatical and typographical errors. Please feel free to correct it; I might use your advice to make my writing better.

WARNING: MATURE CONTENT
WARNING: CRINGE
WARNING: BORING

All rights reserved 2023

Start: April 7, 2023 (Unedited ver.)
End: September 17, 2024 (Edited ver.)

PROLOGUE

Malakas na sampal ang iginawad ko sa aking nobyo matapos kong marinig ang paliwanag niya.

"Dalawang taon kong inintindi ang lahat, minahal naman kita ng tama tapos eto lang ang isusukli mo sa 'akin?" Tumulo ang luha ko pero kaagad ko rin iyong pinahid.

Hindi siya dapat iyakan. Ang mga ganyang klaseng lalaki ay hindi worth it iyakan.

"Hindi mo ba naiintindihan na hindi na kita mahal, Sabrinna? Dianna was way better than you-"

Sinampal ko siya sa mag kabilaang pisngi. "What? She's way better than me kasi mas malaki ang suso niya?! Ganun ba? Walang hiya ka talaga kahit kailan Jerome!"

Tinalikuran ko siya at tumakbo kung saan, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga taong nadadaanan ko.

I always thought he was the one. I thought we were soulmates after being in love for 2 years, but I was mistaken.

Napaupo ako sa gilid ng kalsada at umiyak. Sobrang sakit dahil yung taong inakala mong makakatuluyan mo hanggang dulo ay nagawang mag loko sayo.

Napahawak ako sa dibdib ko at tinapik yun dahil hindi na ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyari at dahil na din sa nalaman ko.

Mamaya maya lamang ay biglang may nag abot sa akin ng panyo. Titingnan ko sana kung sino ang nag bigay nang bigla niya akong pigilan.

"Don't look at me. Wipe your tears and go home. Andaming nakatingin sa 'yo di kaba nahihiya? Tumutulo pa sipon mo."

Kaagd kong tinanggap ang panyo niya at pinunasan ang luha at sipon ko. Kaagad akong tumayo at nag pagpag ng jeans.

"Thank you.. Lalabhan ko muna 'to bago ko ibalik sa-" Asan na yun?

Nag salubong ang kilay ko at napatingin sa aking paligid. Nasaan siya?

Napatingin ako sa kulay itim na panyong ibinigay niya. Napansin ko agad ang pangalan nasa gilid. Ginto kasi ang kulay ng sinulid kaya kaagad ko iyong napansin at binasa.

Ashford.

To be continued

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon