"Ang gago niya, Jane!"
Tinungga ko ang alak na nasa bote, aligaga namang inagaw ni Jane yun at sinasabing ang dami ko na daw nainom.
Parang hindi naman, nandito pa din yung sakit na binigay sa akin nung lalaking yun!
"Neng, tama na yan. Kanina ka pa umiinom, akala ko ba hindi worth it yung lalaking yun para iyakan?"
Suminghot ako at pinunasan ang sipon na tumutulo, "Masakit kasi eh! Mahal na mahal ko yun, 2 years akong nag pakatanga sakaniya. Hinabol niya pa ako dati kasi nireject ko siya tapos siya pa itong may ganang mag loko?! Ang kapal din talaga ng mukha niya!"
Narinig ko nalang na napabuntong hininga si Jane, kumuha na din ito ng alak at nag simulang mag inom. Hanggang sa pareho na kaming nalasing.
"Alam mo, shobrang daming lalaki pa na pwede mo makilala." Sabi ni Jane.
"Ha? Hindi kita marinig neng."
Napairap si Jane, "Sabi ko madami kapamammmm"
Tiningnan ko ito, nakatulog ang gaga. Paano kami uuwi kung pareho kaming lasing? Di bale na, tatawagan ko nalang ang kuya niya kahit busy yun sa asawa.
Tinext ko si Kuya Justine na sunduin si Jane, minura pa ako dahil bakit daw hinayaan kong malasing kami pareho.
Malay ko ba, ako yung broken dapat ako lang ang nag lasing.
Umayos ako ng upo at napatingin sa mga taong nag sasayaw sa gitna ng bar. Napabuntong hininga ako, wala man lang taong nakakuha ng interes ko.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot, hindi ko akalaing aabot sa ganito ang relasyon namin. Hindi ko din naman inasahang mag loloko siya dahil walang araw na hindi niya ipinaramdam sa aking mahal niya ako.
Bago nga siya nag loko nagawa niya pa akong ayain mag date, ako nga lang nag bayad.
Nakakapanibago dahil ang taong palagi kong isinasama sa mga plano ko sa buhay ay sumakabilang puday na.
Iiyak na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking tahimik na umiinom sa bar counter. Kaagad akong tumayo at nilapitan siya.
Iba talaga nagagawa ng alak, nawawala lahat pati ang hiya sa katawan.
"Hi." Inilahad ko ang kamay ko, "I'm Sabrinna Martinez, 26 years old, single. Kakabreak lang."
Nagulat siyang napatingin sa akin at wala sa sariling tinanggap ang kamay kong nakalahad. Nakipag shake hands lang siya at pagkatapos non ay bumalik na siya sa pag iinom.
May pinag dadaanan din ata.
"Di mo ba ipapakilala ang sarili mo?"
Ilang minuto bago siya sumagot, "Prime Cyril Ashford, 27 years old."
Tumaas ang dalawang kilay ko, "May girlfriend? Asawa? Fiance?"
Ugali ko na talaga ang mag tanong sa isang tao dahil ayokong maging kabit. Mahirap na, ayoko makasira ng relasyon.
Nag aalangan ito bago sumagot, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya at halatang umiiyak dahil maga ang mata niya, "Wala. Wala na."
Napatango tango ako. Napatitig ako sa buong mukha niya pababa sa braso hanggang binti. Ang pogi niya, hindi ganun kalaki ang katawan pero mahahalata mong nag ggym siya.
Ganito din ba ang naramdaman ni Jerome nung nag hanap siya ng iba? Ganitong atraksyon din ba ang naramdaman niya? Mapakla akong natawa, kung kaya niya kaya ko din.
"Wanna have sex with me?" I asked.
Naibuga niya ang iniinom niyang alak at napaubo, nagulat siyang napatingin sa akin pero kaagad din namang nakabawi.
BINABASA MO ANG
Ashford Series 1: Loveless Vows
RomantizmLife is hard, but it suddenly changed when Prime Cyril Ashford met a happy-go-lucky woman named Sabrinna Martinez. One fateful night, their lives changed dramatically, leading them to get married and utter loveless vows in front of the altar. Cover...