Chapter 5

380 18 1
                                    

Anastasia's POV

        We started to get our bags from the bus compartments since we arrived at the campsite. Saktong pagdating namin is pagdating din ng ibang students from different strands, everyone was busy attending on their things, while I was struggling to carry my bags. I think napasobra ata pagpack ko ng things.

I was startled when Xaven carried two of my bags. Dalawang medium sized bags dinala ko since two day camping 'to. Xaven doesn't mind though the weight of it, parang sobrang gaan lang ng dinadala niya. Isang back pack lang kasi dala niya.

I wore a white flowy white sleeveless dress na one inch above the knee, loafers with cute white socks, my white chanel sling bag na bigay ni ate Asrtid and a black ribbon on my hair since it was tied in a half ponytail. Sinusundan ko ang likod ni Xaven dahil nauuna siya saakin, hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahan ng campsite na ito.

Malalaking puno, mga magagandang bulaklak, at mga huni ng ibon. May hotel din dito at dun kami matutulog. The whole campsite was rented by the school for the two day camping, maayos naman yung security since may walls silang nakapalibot sa buong campsite at malaking gate. Agad kong kinuhang yung digital cam na dinala ko sa loob ng aking bag. I love taking photos on different sceneries kaya mommy gifted me a digital cam on my 15th birthday dati.

I started to take photos sa paligid at iba't ibang angulo. Tumigil kami sa lobby ng hotel since inaayos padaw nila yung mga rooms.

Tumikhim ako, "Okay lang ba dalhin mga bag ko? Hindi ba masyadong mabigat?" tanong ko kay Xaven na nasa tabi ko lang, baka kasi nabibigatan eh.

Mabilis siyang umiling, "Hindi naman," I just nodded at his response.

"Okay everyone listen!" Our teacher got our attention at bumaling kaming lahat sa kanya.

"Everyroom ay para sa dalawang tao lang, kaya maghahanap kayo ng kapares kung sino ang gusto niyong makakatabi pagtulog." pagpapatuloy ni ma'am.

"Gusto mo ahm... tayo nalang magkapares?" agad nanlaki mata ko sa sinabi ni Xaven, ano?!

Maghahanap pa sana ako ng kaklase kong walang kapares na babae, wala akong plannong makatabi siya sa pagtulog 'no! Eh kaso lahat na sila nakahanap ng kapares, kaya no choice kundi si Xven.

"Sige..." labag sa loob 'kong sagot. Think positive okay? Baka dalawang bed meron dun, so chill lang pagkukumbinsi ko sa sarili ko kahit hindi ako sigurado. Malakas akong napabuntong hininga.

Iniwan muna namin ang mga bag namin sa lobby since inaayos pa yung rooms, pinayagan naman kami ng teachers na lumabas muna at tignan ang paligid ng campsite. Xaven was behind me while I was busy capturing pictures.

"Hawakan ko na." He offered nang mapansin ata na nahihirapan akong magpicture dahil sa sling bag ko. I just smiled at him and handed my bag, mukhang natigilan siya pero agad ding umayos ng tayo.

"Pwede mo ba akong kunan ng picture?" nahihiyang sabi ko sa kanya at mukhang siyang natigilan sa hinihingi kong pabor.

"Sure." he simply answered at binigay ko sa kanya ang camera ko.

I started posing different poses in different angles and background, I was enjoying it and smiling at the camera. Madalas ko siyang nahuhuling nanginginig ang kamay at lumulunok habang kinukunan ako ng pictures.

Pagkatapos namin kumuha ng mga litrato, agad akong lumapit sa kanya at tinignan ang mga kuha niya saakin. He bended a little para mas makita ko yung pictures, ang tangkad masyado.

I was shocked when I see how amazing the photos turned out to looked like, para siya professional photographer eh! My angles was incredibly beautiful and it's giving an ethreal fairy core vibes. Mukha akong diyosa sa kagubatan!

"Ang ganda!" I smiled widely at inangat ang aking tingin sa kanya, nahuli ko siyang nakatingin saakin o mas mabuting sabihin, nakatitig.

"Oo...ang ganda...sobra" he said not looking away from me. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso at hindi maintindihan na nararamdaman sa aking tiyan. Nararamdaman ko ang pamumula ng aking pisnge.

Nag iwas siya ng tingin, "ng mga pictures." pagpapatuloy niya, bat parang namumula tenga niya?

Akala ko kung ano lang eh.

Pagkatapos namin tignan ang mga pictures bumalik na kami sa hotel since tinawag kami. Pagdating namin binigyan kami ni ma'am Carpio ng card kung saan nakalagay yung room number kung saan kami matutulog.

Hindi ko na din napansin sila Iraia kung saan sila napunta, maybe kasama yung mga kaklase nila? I tried finding them at hindi ko nakita, tinanong ko si Xaven kung nasaan kambal niya na si Amaris pero kahit siya at hindi alam kung nasaan.

Xaven was carrying my bags while I was taking the lead sa hallway, hinahanap ko kasi kung saang room kami.

I stopped at the front door ng room namin, finally nakita ko na din!

Mabilis ko na swinipe yung card at bumukas agad yung pinto at ilaw. My jaw dropped when I saw only one bed and a sofa!

Laglag pangang ko tinignan si Xaven na nasa likuran ko. Mabilis niyang sinilip yung kwarto upang makita ang kabuoan.

"Oww... isa lang yung kama..." Xaven whispered at nag iwas ng tingin saakin. Nahuli ko siyang napalunok, tangina.










Stars Around Her Scars (Friend Series #1) | ✓Where stories live. Discover now