Chapter 6

539 22 3
                                    

Anastasia's POV

         Sinubukan naming sabihin kay ma'am at sa hotel if mayroon pang extrang bed pero sabi daw nila wala nang bakante.

So, no choice kundi may matutulog sa sofa at sa kama.

"Sino matutulog sa sofa?" I randomly asked Xaven.

Napaayos siya ng tayo at tumikhim. Hindi siya sumagot ayaw niya siguro sa sofa matulog. Nakatayo lang kami sa gitna ng kwarto, iniisip kung paano at sino hihiga sa kama at sofa.

Gusto 'kong sabihin na 'Ako nalang sa kama at dyan ka sa sofa.' kaso makakaoffend naman ata yun nagmumukhang pala desisyon tuloy ako.

Hindi nagtagal nagsalita si Xaven, "Let's play rock, paper, scissors ang manalo siya matutulog sa kama at yung matatalo sa sofa." Tumango ako.

I've prepared myself and prayed na sana manalo ako eh kaso unang tira palang papel ako tas siya gunting, ampota.

Nanlumo ko siyang tinignan, naiiyak na ako!

He smirked at me and gave me that look na para nangaasar. Nilagpasan niya ako at pumunta sa kama.

"Hay, ang lambot ng kama" nangaasar na sabi niya at nagpagulong gulong pa ang hayop!

Parang kanina ambait bait niya nung dinala niya mga bag at pinicturan ako, tas ano 'to?!

Padabog kong nilapag ang aking mga bag malapit sa sofa. I glared at him at yung gago hindi nakapansin kasi natutulog na. The audacity?!

Mabilis 'kong inayos ang aking mga gamit at toiletries pagkatapos naligo na din.

Maaga akong matutulog dahil may activities pa bukas kaya magiipon ako ng energy.

Paglabas ko ng banyo saka ko lang narealize na wala akong unan at kumot.

Mabilis 'kong nilapitan si Xaven na natutulog. Kinuha ko yung unan na nasa tabi niya at pinalo ko sa pagmumukha niya.

Nagulat ata yung gago at tinignan ako ng masama.

"Kukunin ko 'to!" sabi ko sabay hablot sa dalawang unan. Tumango lang siya at bumalik sa pagtulog.

Naiiyak 'kong tinignan yung sofa at inupuan.

Anak ng bulate, ang tigas! Parang hindi sofa 'to eh, bato ata!

So no choice nalang ako kundi pagtiisan 'to. Nanlulumo akong humiga. I can feel my back aching. I just closed my eyes and let myself drawn into a sweet slumber.

Agad akong napadilat ng makarinig ako ng malalakas na kulog. My heart started to rapidly beating, my body is starting to sweat and my nerves are shaking.

Napalakas ang aking tili ng makarinig ako ng malakas na kidlat. I hate thunders!

Bata palang ako kapag may ganitong kidlat at kulog tumatakbo ako papunta sa kwarto nila mommy at daddy. And they would cling and hug me until tumigil na ako kakaiyak.

Pero it all changed nung nagbago si dad, he even moved into a different room at hindi na siya masyadong tumatabi kay mommy.

He even often avoids mommy and hindi na siya masyadong clingy, he acted just so differently but mommy choose to ignore it. Baka daw nabubusy lang sa trabaho at ayaw ng istorbo. Babalik daw sa pagiging clingy at loving husband and dad kagaya ng dati.

But years passed hindi nagbago yun. Hanggang sa nasanay nalang si mommy na ganun set up nila ni dad and dun din nagsimula pagprepresure niya saakin sa acads.

I just found myself running into the bed. Ibinaon ko ang aking ulo sa mga unan at niyakap ang sarili. I just found myself crying at humahagogol hanggang sa nakaramdam ako ng yakap.

"Hey.... shhhhh." he kept stroking his hands on my hair, pinapatahan ako.
I wrapped my arms around his nape and cried on his shoulders habang nakahiga kami.

Mukhang natigilan siya kasi naramdaman ko ang paghinto ng kamay niya sa aking buhok pero kalaunan pinagpatuloy din. He kept doing that hanggang sa nakatulog ako sa ganung posisyon.

The sun was rising it was hitting my eyes. Mas siniksik ko ang aking ulo sa... sa... ano 'to?

It smelled so nice, a manly scent perhaps. And the arms was snaking around my body, one was on my hair and the other one was hugging my waist. It feels comfortable around in his arms.

HIS?!

Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapagtanto kong si Xaven yung katabi ko!

Bigla siyang napadilat sa biglaang paggalaw ko. Nanlaki ang mga mata ko nung naalala ko na tumabi pala ako sa kanya kagabi dahil sa malakas ng kulog! Mabilis ko siyang nilingon habang nanlilisik ang mga mata.

He was grinning at me, "good morning" he greeted me with his raspy voice.

"G-good m-morning," nabara ata lalamunan ko eh, bat ako nautal?!

Mabilis akong umalis sa kama. Saktong pagtayo ko narealize ko na nakataas yung shorts ko at bumungad yung malalaking hita ko.

Nakarinig ako ng sipol. Nilingon si Xaven na nakangisi saakin. Mabilis kong tinapon yung malapit na unan sa pagmumukha niya.

Agad akong kumaripas ng takbo papuntang banyo pero narinig ko padin yung sipol niya.

"Nice big thighs by the way!" pahabol na sigaw niya.

Manyakis!





Stars Around Her Scars (Friend Series #1) | ✓Where stories live. Discover now