Anastasia's POV
Pagkatapos kong ibigay sa kanya yung charger agad akong nagsorry dahil akala ko kasi pagmamay-ari ko yung charger, hindi pala.
Lumabas agad kami dahil may kumatok sa kwarto at sinabing baba na daw at hinihintay na kami ni ma'am, magsisimula na siguro yung activities.
Sabay kaming lumabas at bumama ni Xaven, he was just following me from behind while his hands we're inside his pockets.
Pagbaba namin kami nalang pala hinihintay. I didn't see my friends baka siguro kasama yung kaklase nila every strand kasi may iba't ibang route.
Us HUMSS will go on the forest sa kaliwang bahagi, yung STEM sa may ilog daw, ABM sa rancho, TVL sa may bundok at GAS naman ay sa may kanang bahagi ng forest.
After checking us kung kumpleto ba kami, the teachers started to take the lead papunta sa kagubatan pero may kasama namang taga dito at siya ata yung tour guide namin.
When we arrived at the forest mayroong part kung saan bakanteng lote dun ata namin gaganapin yung activities.
We started to prepare ourselves at yung equipments na gagamitin sa activities.
The first activity was Tug Of War Girls Vs Boys. Marami agad yung umangal at nagreklamo kasi masyadong malalakas daw yung boys.
The teacher announced na ako yung una sa linya ng girls at si Xaven naman sa boys. Mayroong mahabang tali at sa gitna may puting handkerchief na nakatali kapag maputol yung tali at kung saang banda nandoon yung puting handkerchief ay syang group ang mananalo o kung sinong groupo ang unang matutuma. May prize daw kasi kung sinong groupo ang mananalo, and I am determined na kami yun.
The tugging begun when the teacher started the whistle.
Us girls was pulling all our might para manalo kami. I can hear groans and squeals, everybody was pulling with all their might. I took a glanced at Xaven from the other side and he was grinning at me na para bang confident siyang matatalo kami.
I smirked at him. In your dreams asshole.
Mas dinagdagan pa namin yung lakas upang manalo kami sa larong 'to. We pulled and pulled until the very last of our strength. We tried many tactics upang manalo kami kaso boys being boys isang malakas na hila ang nagpatalo saamin.
Lahat kaming girls ay lumagapak sa lupa. Nakarinig ako ng reklamo at mabibigat na paghinga siguro napagod at naubos ang lakas, agad akong tumayo at tinignan ng masama ang groupo nila Xaven.
They we're cheering for each other and Xaven was showing off his biceps by raising it in the air, at dalawang kamay pa ha!
He was kissing his biceps na para bang dahil dun kaya sila nanalo. Nakaramdam ata siya ng mainit na titig kaya tinignan niya ako.
He winked at me and grinned. A ghost smile appeared on his lips.
Sa sobrang pagkaasar ko sa pagmumukha niya mabilis kong kinuha yung maliit na bato na malapit saakin at binato sa kanya.I heard gasps at nagulat ang lahat sa ginawa ko, as in lahat!
The silence was so loud at walang kaming naririnig kundi huni ng mga ibon at mga punong sumasayaw sa hangin.
Maski si Xaven ay natigilan din. Agad niyang hinipo ang kanyang noo kung saan tumama yung bato saka ko lang narealize na nabulls eye ko pala siya na sa gitna mismo ng noo niya tumama yung bato. Hinawakan niya at pinakiramdaman.
"Fuck..." he whispered in disbelief.
Nagkaroon kasi ng maliit na bukol sa noo niya at nakita ko kung paano unti unting namula yung noo niyang natamaan ng bato.
I tried holding my laughter kasi mukha siyang batang inapi at sinuntok sa noo, kaso trinaydor ako ng sarili kong mga bibig at hindi ko na mapigilang tumawa ng malakas.
I was laughing at him while he was definitely in disbelief about what happened. Ako lang tumatawa kasi sariling boses ko lang naririnig ko sa buong area pati yung nga teachers natigilan din.
Unti unti niya akong nilingon na nagpatigil saakin sa pagtawa at tinignan niya ako ng masama. Napalunok tuloy ako sa paraan ng pagtingin niya para kasing papatayin ako eh! Tangina naman.
His eyes darkened when he saw me, "ANASTASIA!!" malakas na sigaw niya at hinabol ako. Sa sobrang pagkagulat ko ay napatili akong tumakbo.
I heard cheers from everyone while I was running for my life kasi hinahabol ako ni Xaven! He was smiling at me using those sinister smiles habang hinahabol ako! Ang creepy.
I was screaming and running as fast as I could kasi for sure malalagot ako kapag mahuli ni Xaven! My legs are starting to hurt from running around the area at nahihirapan na din akong huminga.
I looked at my back to see Xaven who was still chasing after me. I speed up my pace not until I bumped into someone's body causing to crash mine into his.
Rion.
"Hey... okay kalang?" he holds me through my waist and scanned my body. I wasn't be able to talk kasi hinahabol ko pa ang aking hininga.
Aalis na sana ako sa pagkahawak niya ng isang braso ang humablot saakin palayo kay Rion.
"Asia." Xaven sternly called me while he was looking at Rion with his brows frowned.
I suddenly felt the intense glares na binibigay nila sa isa't isa Xaven was staring at Rion with daggers habang si Rion ay hindi nagpapatalo kaya bago pa sila magpatulan agad kong hinila palayo si Xaven. Baka magsuntukan pa sila eh!
Habang naglalakad kami pabalik sa area namin I heard Xaven murmuring something I just ignored him. I can feel my legs aching at nahihirapan na din ako maglakad.
Nagulat ako ng biglang nagsquat patalikod sa harap ko si Xaven.
"Sakay," sabi niya habang tinatapik ang likod. Piggyback ride!
Nagtaka siguro siya kung bakit hindi pa ako gumagalaw kaya nilingon niya ako. I heard him sigh at kinuha yung dalawang kamay ko papunta sa leeg niya. Impit akong napatili ng bigla niya akong binuhat sa likod hindi na din ako nagreklamo kasi masakit na mga paa ko.
He started walking and I rested my chin on his shoulders mukhang nagulantang siya sa ginawa ko kasi I saw him jump a little cute.
"Sorry nga pala sa pagbato ko sayo kanina," I sincerely apologized nakakahiya naman sinaktan ko na nga siya tas siya din tumutulong saakin ngayon.
"It's okay, I don't mind though," I saw him gulp pansin ko kasi pagtaas baba ng adams apple niya.
I don't mind daw pero hinabol ako.
"Mabigat ba ako?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Hindi naman," para akong nabunutan ng tinik akala ko mabigat eh napadami pa naman kain ko kanina.
"Sobrang gaan nga eh parang nagbubuhat lang ako ng balahibo ng isda." sarstiko niyang sabi halata naman kasi kailan nagkaroon ng balahibo ang isda?
Mabilis ko siyang inupakan "grabe ha! pwede ka naman magsinungaling hindi mo na kailangan sabihin sa harap ko,"
"Nakasakay ka sa likod ko kaya hindi ko yun sinabi sa harap mo," pamimilosopo niya
Hindi nagtagal nagsalita ulit siya "honesty is the best policy kaya,"
I glared at him kahit hindi niya yun nakita, animal!
I smiled and started humming some random music and looks like Xaven was enjoying it. When we arrived at the area bigla silang lahat napatingin saamin. My cheeks heated as I felt their teasing stares.
"Ay lalayag na ata sila."
YOU ARE READING
Stars Around Her Scars (Friend Series #1) | ✓
Teen FictionFriend Series #1 A HUMSS student, Anastasia Delancy, living in a life that every teenager would want. But behind those was a girl whose thirst for a fatherly attention. In order to get that she needs to compete with the son of her father's friend. X...