"CONGRATULATIONS!"
"Congrats Doktora Mikha Lim!"
"Congrats dre! Sa wakas titino ka na"
"Congrats dre! Ikakasal ka na sa ex slash great love mo!"
Ako si Mikha Lim, isang doktor sa hospital na siyang pinaghirapan patayuin ng mga magulang ko at kung bakit binabati ako ng mga kaibigan kong mga doktor din na sila Colet, Gwen at Jhoana ay dahil din sa mga magulang ko. Paano? Hindi ko rin alam, basta ang alam ko lang nag dinner kami kagabi at na engaged ako.
"Sino naman nagbalita sa inyo niyan?" Tanong ko sa kanila at naupo na upuan ko.
"Edi si tita, tuwang tuwa nga habang nagkwekwento rito kanina e" Natatawang sagot ni Colet kaya napailing na lang naman ako.
"Tangina dre! Kaming tatlo rito yung may matagal ng mga nakarelasyon pero ikaw tong mauunang ikasal!" Hindi pa rin makapaniwalang aniya ni Gwen kaya napabuntong hininga na lang din naman ako.
Matagal na rin naman talaga kami dapat.
"At hindi lang sa kung sino ah, kay Aiah pa na ex niya na first love at greatest love niya, na kaibigan din natin" Natatawa ng aniya pa ni Jhoana.
"Kwento mo nga paano nangyari?" Tanong pa ni Colet kaya napa ayos naman na ako ng upo.
"Good evening mom!"
"Hi dad!" Bati ko sa mga magulang ko ng makarating na rin ako sa restaurant na sinabi nila sa akin kanina.
"Kumusta araw mo?" Tanong ni mommy kaya napahinga na lang naman ako ng malalim ng maupo sa tabi nila.
"Puro rounds lang, wala naman akong surgery sa ngayon" Sagot ko kaya napatango na lang naman ako.
"Hindi pa ba tayo kakain?" Tanong ko sa kanila kaya nakangiti naman silang napatingin sa isa't isa.
"Saglit na lang anak, may hihintayin lang tayo" Sagot ni mommy kaya napatango na lang naman ako.
"Oh ayan na pala sila e!" Biglang aniya ni daddy kaya sabay naman kaming napalingon ni mommy sa kinakawayan niya.
What the?!
"Nandito na pala ang mga Arceta e" Nakangiting aniya ni mommy at mabilis na tumayo para salubungin ang mga ito.
Masaya naman nakipag batian ang mga ito sa mga Arceta habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa pwesto ko.
Dalawang taon.
Dalawang taon na ang nakakalipas mula ng tapusin ni Aiah ang tatlong taon namin relasyon.
Dalawang taon na rin ang nakakalipas mula ng huling beses ko siyang nakita.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Mainis, magalit, matuwa?
"Mikha, anak, magmano ka sa mga tita mo" Biglang usap ni mommy kaya agad naman akong lumapit sa mga magulang ni Aiah para magmano.
Saglit pa akong nabigla ng bigla na lamang akong yakapin ng mahigpit ng mommy ni Aiah at hindi rin nagtagal ay niyakap ko na rin ito pabalik.
"Namiss kita anak" Usap pa ng mommy ni Aiah kaya napatawa na lang naman ako ng bahagya, siya naman na ang umalis sa pagkakayakap ko at bahagya pa siyang napatingin sa unica hija nito.
"Hi" Nasabi ko na lang ng magtama ang mga mata namin.
"Hi" Sagot niya.
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
Naupo naman na kami sa mga upuan namin at mabuti ako na lamang at nauna kong iangat ang upuan ni mommy kaya si Aiah na lamang ang pinag angat ng upuan ng daddy ko.
Natapos ang buong hapunan ng tahimik lang kami ni Aiah habang ang mga magulang naman namin ang siyang mga mag uusap patungkol sa mga bagay na hindi ko naman na maintindihan.
"Hindi na kayo bumabata, Aiah at Mikha" Biglang usap ni Daddy kaya taka naman akong napatingin sa kaniya at uminom na lamang ng beer.
"Hindi ba oras na para magkaroon na kayo ng sarili niyong pamilya" Usap pa ni daddy kaya agad naman akong nasamid sa beer na iniinom ko.
Pamilya? Joke time ba 'to?
Agad naman ako nakaramdam ng kamay sa likuran ko kaya agad din naman ako napalingon kay Aiah na nasa tabi ko.
Hindi ka marupok, Mikha.
"Okay na ako, thanks" Nasabi ko na lang kaya agad naman niyang tinanggal ang kamay niya sa likuran ko.
"Pero tito, Dad, matagal na kaming wala ni Aiah" Nasabi ko na sa dalawang lalaki na nasa harap ko ngayon.
"Hindi niyo pwedeng ipilit kay Aiah yung hindi niya gusto, hindi basta basta ang pagpapaka ----
"Mikha, anak, bibigyan namin kayo ng six months, kapag ayaw mo talaga, maiintindihan ko" Nakangiti ngunit parang malungkot na sabi ng mommy ni Aiah.
Natahimik na lang naman ako at napalingon kay Aiah na ngayon nakatingin na lang sa labas ng restaurant.
"Ngayon, na nasaksihan ko na hanggang ngayon na mahalaga pa rin sayo ang kaligayahan at kagustuhan ni Aiah, mas napatunayan ko sa sarili ko na ikaw talaga ang karapat dapat para sa unica hija ko" Usap pa ng mommy ni Aiah at hinawakan na ang kamay ko.
"Please, Mikha, anim na buwan" Pakiusap pa niya kaya napalingo na lang naman ako kay Aiah.
Pinalaya ko siya para mahanap niya ang totoong kaligayahan na hindi niya naramdaman sa akin, pero bakit pilit niyo siyang binabalik sa akin?
Napalingon na lang naman ako sa mga magulang ko at nakangiti na lamang silang tumango.
Napalingon naman na ako kay Aiah na ngayo'y nakatingin na sa kaniyang mommy.
"Six months, na magkakasama kayo sa iisang bahay, nasa akin na ang susi, oo niyo na lang ang kailangan namin" Aniya pa ni Daddy kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.
"Architect. Maraiah Arceta?" Tanong na ng daddy ni Aiah sa anak.
"Sige po" Biglang sagot ni Aiah kaya gulat naman na akong napalingon sa kaniya.
What the?! Hindi niya ba maramdaman na nilalayo ko na siya sa gusto ng mga magulang namin?
"Dra. Mikha Lim?" Biglang baling sa akin ni Daddy ka napatango na lang naman ako.
"Sige po" Nasabi ko na lang kaya agad naman akong niyakap ng mommy ni Aiah.
"Six months?" Usap na ni Jhoana kaya napatango na lang naman ako.
"5k, wala pang 6 months papakasal na si Aiah at Mikha" Biglang usap ni Colet ng ilabas sa wallet niya ang pera.
"5k, wala pang 3 months okay na tong dalawa na ito" Aniya pa ni Gwen kaya napailing na lang naman ako.
"Tigil tigilan niyo nga!" Suway ko na sa kanila at sumandal na sa upuan ko.
Kasal? Live in sa loob ng six months? Paano?
BINABASA MO ANG
GREATEST LOVE (MIKHAIAH)
Fanfictionayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal. Pero sa kabilang banda, Ang GREATEST LOVE rin daw ang siyang dahilan ng ating pagkasawi. Ang GREA...