KABANATA XX

4.7K 157 9
                                    

"Ano?! Magkapatid sila?!" Gulat na gulat na tanong nila Colet, Gwen at Jhoana.

Agad ko naman tinakpan ang mga bunganga nila ng tumingin na sa amin ang ilang mga intern dito sa cafeteria kaya tinignan ko naman na ng masama ang tatlo.

"Pero langya! Small world ah, biruin mo bf ni Aiah ngayon yung kapatid niya na binusted mo noon, wow!" Namamangha pang aniya ni Jhoana kaya napailing na lang naman ako.

"Pero kung iisipin mo, Dre"

"Nagawa mo na naman na lahat para kay Aiah e, magaling na rin mommy niya, successful na siya, hindi ba oras na para palayain mo na nararamdaman mo? para palayain mo na ang unang babaeng minahal mo" Tanong na ni Gwen kaya napatingin na lang naman ako sa kaniya.

"Palayain nararamdaman niya kay Aiah para si Jaz naman ang mahalin niya? Sa tingin mo magiging okay sila kung mga jowa nila e magkapatid?" Tanong pa ni Colet.

"Lagi pa rin silang magkikita, tangek" Dagdag pa ni Colet.

"Magkikita at magkikita pa rin naman sila ah, magkakaibigan pa rin tayong walo rito, kaya ano pa ineexpect mo, Colet?" Tanong na ni Jhoana rito kaya nagpabalik balik na lang naman ako ng tingin sa kanila.

"Hindi ba malinaw sa inyo na mahal pa rin ni Mikha si Aiah? Madadamay lang si Jaz sa mga sinasabi niyo, masasaktan nanaman ni Mikha yung tao" Napapailing na usap pa ni Colet sa dalawa.

"Ano na bang plano mo?" Biglang tanong sa akin ni Jhoana.

"Ewan"

"Tanga! Bukas makalawa na yung party at inaasahan ka ni Jaz doon, anong ewan" Biglang usap ni Gwen kaya napailing na lang naman kami ni Colet.

"Bahala na" Sagot ko pa at nagpatuloy naman na kami sa pagkain.

Tahimik na lang kami kumain ng bigla naman na kaming kinalabit ni Colet.

"Next week, kailangan ko kayo ah, iclear niyo na sched niyo" Biglang usap niya kaya taka naman na kaming tumingin sa kaniya.

"Bakit? Nu meron?" Tanong na ni Gwen.

"Mag propropose na ako kay Maloi" Biglang sagot niya kaya gulat naman na kaming napatingin sa kaniya.

"Papatali ka na talaga ah" Natatawa ng aniya ni Gwen dito.

"Susunod ka na rin naman kaya wag ka nga magulo" Inis ng aniya nito.

"Tahimik! Nandiyan na mga girlfriend niyo" Usap ko sa kanila ng makita na ang tatlong kaibigan ko papasok ng cafeteria.

Agad din naman silang natahimik at sinalubong na ang kanilang mga nobya.

"Tamang tama, umorder kami ng food" Rinig ko ng aniya ni Sheena.

"Thank you bebe ko" Rinig kong pasasalamat ni Gwen kaya bahagya naman akong natawa.

Talagang pinanindigan nila yung bebe ko ah.

"Hirap ng walang girlfriend, walang umoorder ng food" Parinig pa ni Colet kaya napailing na lang naman ako.

"Bumili ako para kay Mikha" Sabay sabay na usap nila Maloi, Sheena at Stacey kaya napatayo naman na ako at lumapit na sa tatlo.

"Thank you, i love you, i love you" Natatawang aniya ko na at pinaghahalikan na ang pisnge ng mga ito.

Napailing na lang naman ang tatlong doktor.

"Anong wala? Tatlo tatlo oh" Pag iingit ko na at sabay sabay na ulit kaming naupo.

"Mas marami kay Mikha" Nakangusong aniya na ni Jhoana habang nakatingin sa pagkain ko.

"Payag ka? Marami kang food? Pero single ka?" Tanong pa ni Stacey kay Jhoana kaya natawa naman na kami pare-pareho.

"Joke lang e, ubusan mo yan mikha ah!" Aniya pa ni Jhoana kaya napailing na lang naman ako.

Ilang saglit pa ay si Jasmine naman na ang nakita kong pumasok sa cafeteria kaya agad naman akong napatayo ng makitang papalapit na rin ito sa amin.

"Ginagawa mo rito?" Tanong ko na sa kaniya.

"Babaka sakali lang na baka out mo na, papasama sana akong bumili ng susuotin sa birthday party ni kuya, hindi ko nagustuhan yung tinahi para sa akin e" Sagot niya kaya napatango na lang naman ako.

"Sure pero tapusin ko lang kain ko, kain ka na rin" Yaya ko na sa kaniya at pinaupo na siya sa tabi ko.

Kita ko naman ang tingin nila Maloi, Sheena at Stacey sa akin kaya agad naman ako napaayos ng upo.

"Nga pala, Jasmine nga kaibigan ko, si Maloi, girlfriend ni Colet, si Sheena na girlfriend ni Gwen at si Stacey girlfriend ni Jhoana" Usap ko na kay Jasmine at humarap na sa tatlo.

"Si Jasmine Henry, pasyente at kaibigan namin nila Gwen" Pakilala ko pa at agad naman nagkamayan ang mga ito.

"Henry? Related ka ba kay Archt. Henry?" Takang tanong na ni Stacey rito.

"Ahh yes! Older brother ko siya" Sagot ni Jaz kaya napatingin na lang naman sa akin yung tatlo.

"Nalaman ko lang din nung inimbitahan niya ako sa birthday party ni Jeremy" Usap ko na kila Maloi kaya tumango naman ang mga ito.

"Pupunta ka?" Tanong na ni Sheena kaya nagkibit balikat naman ako.

"Wala naman siyang choice, pupunta siya, kailangan ko siya roon e" Aniya pa ni Jaz at natawa naman na sila Gwen ng ipulupot na ni Jaz ang kamay nito sa braso ko. 

Napatingin naman na ulit sa akin sila Maloi, Sheena at Stacey na para bang gustong magpaliwanag ako.

wala naman akong dapat na ipaliwanag.

Matapos namin kumain at matapos ko ring samahan si Jasmine sa pagbili ng susuotin niya ay nagyaya na siya sa isang kilalang coffee shop kaya hinayaan ko na lang din naman siya.

"Malapit na birthday ni kuya" Biglang usap niya kaya napatingin naman na ako sa kaniya.

"Kaunting tiis na lang" Dagdag pa niya kaya taka naman na akong nakatingin pa rin sa kaniya.

"Kaunting tiis? Bakit? Ano ba talaga meron?" Takang tanong ko na pero ngumiti lang naman ito.

"Nakapagpasalamat na ba ako sayo?"

"I'm getting better, unting unti ng tumitibay 'to" Aniya pa niya habang hawak hawak na ang dibdib niya.

"Salamat sa pagsama sa akin sa lahat, sa pagtulong sa akin, sa pagpapalakas nitong puso ko. Marami akong natutunan sa panahon na magkasama tayo, Mikha. At hinding hindi ko kakalimutan lahat ng iyon" Seryosong usap niya kaya bahagya naman akong natawa.

"Kung makapag salita ka naman parang hindi na tayo magkikita tsaka hindi mo na lang naman ako basta doktor, kaibigan mo na rin ako, kaya gagawin ko talaga lahat ng iyon" Aniya ko na lang kaya agad naman siyang napangiti.

"Kaibigan lang ba talaga kaya, Mikha?" Biglang tanong niya na siyang nagpabigla sa akin.

"Jasmine"

"Joke lang! Ito naman basta ah sa birthday party ni kuya, hintayin kita" Usap na niya.

Kung hindi lang si Aiah, kung wala lang, siguro hindi lang, hindi lang kaibigan, Jasmine.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon