KABANATA VIII

5.8K 185 7
                                    

"Okay interns, may alam ba kayong magagaling at malapit na architectural firm dito?" Tanong sa amin ni Dra. Santos habang kumakain kami ni Gwen sa cafeteria ng hospital.

"Ako, doktora!" Agad na sagot ko at agad na nilabas ang calling card ni Aiah na nasa wallet ko.

"Ito po doktora, sa architectural firm po na pag mamay ari ng pamilya ng girlfriend ko"

"Isa rin po siya sa pinaka magaling na architect kaya, ito po"

"Ito po calling card niya" Agad agad na usap ko sa kaniya kaya agad naman siyang napatingin sa calling card na binigay ko.

"Malaking proyekto ito, Lim" Aniya pa niya kaya agad naman akong napatango.

"Makakasiguro po kayong magaganda ang gawa at disensyo niya Dra." Pagmamalaki ko pa kaya agad naman siyang tumango at ngumiti.

"Okay, thank you" Pasasalamat na niya sa akin at mabilis na umalis sa cafeteria.

Pagkaupo ko ay agad naman akong siniko ni Gwen at takang tumingin sa akin.

"Tangina dre, malaking proyekto raw, sa tingin mo makakaya ni Aiah yon?" Takang tanong niya sa akin.

"Kayang kaya ni Aiah yon, Dre" Ngiting ngiting uaap ko sa kaniya kaya agad naman siyang tumango.

"Sabagy, bilib na bilib ka sa girlfriend mo ah" Napapailing at natatawa na lang na aniya nito.

"Syempre"

Kinabukasan ay agad naman akong nakatanggap ng tawag mula kay Aiah na nakatanggap siya ng malaking proyekto sa isang kilalang kumpanya kaya agad naman akong napangiti.

"Sabi ko naman sayo, magaling ka e"

"Congrats Hon" Bati ko na sa kaniya.

"Thank you, Honey"

"Dinner tayo mamaya? Celebrate tayo?" Tanong ko na sa kaniya at agad naman siyang umoo.

"Yes please, i miss you already na"

"Okay okay, see you"

"I love you, Mikha"

"I love you too, Aiah"

-------------------------

"Good morning" Bati ko na kay Aiah ng lumabas na ito ng kwarto niya.

"Good morning" Bati niya pabalik sa akin.

Walang kiss? Hmp.

"Tara kain na tayo" Yaya ko na sa kaniya at hinila na siya papuntang kusina.

"Wow!"

"Pero teka anong oras ka nagising?" Takang tanong na niya sa akin kaya napangiti na lang naman ako.

"Kani-kanina lang din, tara na kain na tayo gutom na ako" Napapangusong sabi ko na sa kaniya kaya natawa naman na ito.

"Bakit hindi ka pa kumain kanina?" Takang tanong na niya sa akin ng maupo na ito.

"E gusto ko kasi sabay tayo, ito mag gatas ka muna sa ngayon, wala munang kape" Usap ko na sa kaniya at inabot na ang gatas na tinimpla ko sa kaniya.

"Thank you" Pasasalamat na niya.

"Ito, ikaw ang kumain ng marami ngayon baka ikaw naman ang magkasakit" Usap na niya habang nilalagyan na ng pagkain ang plato ko.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon