KABANATA XVII

5.2K 189 36
                                    

"This way po, Dra. Lim" Bungad sa amin ng isang staff ng makarating kami sa isang restaurant na sakto malapit sa amusement park na pinuntahan namin.

"Kilala ka nila?" Takang tanong na sa akin ni Aiah ng marinig ang pangalan ko.

Napangiti na lang naman ako at pinisil na lang ang kamay niyang hawak hawak ko.

"Bakit parang tayo na lang yung tao? Anong oras na ba?" Rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na lang naman itong pinansin at tahimik na lang akong nagpasalamat sa mga staff ng restaurant.

"Mikha, baka magsasa---

"Oh my god!" Hindi naman na niya natapos ang sasabihin niya ng tumambad na sa harap niya ang nagkalat na mga bulaklak at kandila, kasabay ng nagliliwanag na payapang lawa sa gilid kong nasan ang mesa para sa aming dalawa. 

"Ang ganda" Nasabi na lang niya at manghang manghang lumapit sa lugar.

"A magical and romantic lake date, misis ko"

"Gaya ng dati mong gusto" Nakangiting usap ko na sa kaniya kaya agad agad naman muli itong lumingon sa akin.

"Tanda mo pa?" Tanong pa niya kaya agad naman akong tumango.

"Ang totoo niyan dapat nung pang 4th anniversary pa natin to, matagal ko na tong naplano noon, kinabukasan matapos ng 3rd anniversary natin haha, kaya lang hindi tayo umabot" Kunwaring natatawang usap ko sa kaniya habang nakatingin na lang naman ito sa akin.

"Kaya kilala na nila ako rito kasi hindi ko kinuha yung binayad ko noon, sabi ko babalik ako rito kasama ka at bumalik nga ako kasama ka, hindi man tayo ulit pero atleast, hindi ba?" Natatawang kwento ko pa sa kaniya.

Hindi naman na ako nakapag salita ng bigla na niya akong yakapin ng napaka higpit.

"Lalamig na ang pagkain, misis ko" Bulong ko na sa kaniya.

"O baka naman ako ang gusto mong kainin" Biro ko pa sa kaniya at agad naman siyang humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin.

"Kahit kailan talaga!" Napapailing pang usap niya at hinampas ng bahagya ang braso ko.

Ilang saglit pa ay inalalayan ko naman na siya paupo sa upuan niya at dali dali rin naman akong naupo sa harapan niya.

"Mikha Lim na Mikha Lim" Nakangiting aniya niya habang pinagmamasdan ang paligid.

"Paano?"

"Actions, actions, actions, ang doktorang sakto sa salita pero sobra sobra talaga sa gawa" Natatawang aniya na nito kaya napailing na lang naman ako.

"Speaking of sobra" Usap ko pa sa kaniya at muling tumayo para kunin na ang pinadeliver kong bulaklak.

"Para sa aking misis" Nakangiting usap ko pa ng ibigay ko na ito sa kaniya.

"Thank you, Mikha Lim" Nakangiting pasasalamat niya kaya napatango na lang naman ako.

Ilang saglit pa ay agad din naman nag serve na ang mga ito ng pagkain na siyang tahimik lang naman namin kinain.

Pagtapos ay siya naman dating ng wine at ng ilang tauhan na nag viviolin.

cool

"Mikha" Tawag na niya sa akin kaya napaayos na lang naman ako ng upo.

Pwede bang sa susunod na lang? Parang hindi ako handa misis ko.

"Misis ko?"

"Salamat sa lahat, sa lahat lahat" Seryosong usap na niya kaya napatitig na lang naman ako sa kaniya.

"Sa mga ginawa mo para sa akin noon, sa pag payag mo sa hiling ni mommy, sa pagsama sa akin ngayon, sa pagmamahal mo" Dagdag pa niya habang nanatili lang naman akong nakatingin sa kaniya.

"Nakita mo naman na si Archt. Jeremy, hindi ba?" Biglang tanong niya kaya napatango na lang naman ako.

"Nakita ko na siya kahit noong tayo pa, tayo pa gusto na niya akong ligawan at nung nalaman niyang wala na tayo, hindi na siya tumigil sa pagsuyo sa akin" Kwento niya pa.

"Siya ba yung dahilan?" Hindi ko na napigilan na tanungin sa kaniya.

"H-hindi" Nauutal na sagot niya at mabilis na umiwas ng tingin sa akin.

"Mahal mo na ba?" Tanong ko pa kaya agad naman siyang napalingon sa akin.

"Mikha"

"Sagutin mo na lang, Aiah, please" Seryoso ng sabi ko at agad naman siyang tumango.

"I'm sorry, Mikha"

"I'm sorry" Umiiyak ng usap niya habang nakayuko.

That hurts, man.

That hurts..

Napahinga na lang naman ako ng malalim at mabilis na tumayo. Agad din naman siyang napatingin sa akin kaya agad din naman akong napangiti.

"Pwede ko bang masayaw ang misis ko, bago niya ako hiwalayan ulit?" Tanong ko sa kaniya.

"Mikha"

"Please, misis ko" Pagmamakaawa ko na ulit sa kaniya.

Nang tanggapin niya ang kamay ko ay agad ko naman siyang inalalayan patayo at nakangiting pinunasan ang luha ang mga luha niyang patuloy pa rin sa pag agos.

"Ito na ang huling anniversary natin na magkasama, umiiyak ka pa" Biro ko pa habang pinupunasan pa rin ang luha sa mga mata niya.

"Aiah, pasensya ka na ah"

"Pasensya ka na kung hindi ko na matutupad yung pinangako ko sayo noon, pasensya ka na kung hindi ako yung taong makakasama mo hanggang dulo, totoong mahal naman kita e, nagpaka doktor na nga rin ako, pero wala e, ayaw talaga ng tadhana e, pinilit ko naman, pinakiusapan ko pa nga e, kaya lang, iba e"

"Para sa iba ka talaga e" Usap ko na sa kaniya at sa pagkakataon na ito ay hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

"Para sa architect ka kagaya mo"

"I'm sorry, Mikha, I'm sorry" Paghingi pa niya ulit ng paumanhin at niyakap na ulit ako ng napaka higpit.

"Huwag magtaka kung ako ay hindi na maghihintay, ng anuman kapalit ng inalay kong pag-ibig, kung ganito ang nagmamahal, hindi ka dapat mabahala, hinanakit sa akin, walang wala, at kung hindi man dumating sa atin ang panahon, na ako ay mahalin mo rin asahan mong di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin" Umiiyak na rin na kanta ko na sa kaniya kaya mas lalo naman humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"I'm sorry"

"Ssshh, wala kang kasalanan, hindi mo kasalanan" Bulong ko pa sa kaniya habang yakap yakap pa rin siya.

At sa sandaling iyon, nag ring na ang telepono niya na nasa mesa.

Alam ko na, alam ko na 'to.

"Mikha, I'm sorry" Bulong pa niya habang yakap yakap pa rin ako ng mahigpit.

"I love you, Aiah"

"I love you, misis ko" Nasabi ko na lang at dahan dahan naman na siyang umalis mula sa pagkakayakap sa akin.

"I'm sorry" Huling usap na niya sa akin bago tuluyang kuhanin ang mga gamit niya at mabilis na umalis.

isa...

Lumingon ka, misis ko.

dalawa...

Pleasee.

tatlo.

iniwan mo nanaman ako.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon