Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ni Aiah, umuwi na ang mga kaibigan namin at nagpapahinga na rin naman daw si Aiah sa ngayon.
Hindi ko alam kung paano muling haharap sa kaniya sa kabila ng napag usapan namin kanina.
Totoong nasaktan ako ng muli niya akong pagtabuyan sa pangalawang pagkakataon.
Pero ayoko ng magsayang pa ng oras sa ngayon dahil napagtanto ko na tama si Jhoana, mayroon pang limang buwan na natitira para sulitin ko ang araw na makakasama ko ulit si Aiah.
May limang buwan pa ulit ako para gumawa ng mga alaala kasama ng taong mahal ko na siyang babaunin ko hanggang sa pagtanda.
At kung kinakailangan kong lumuhod o magmakaawa na huwag niya ako ipagtabuyan sa loob na limang buwan na iyon, gagawin ko.
At kung matapos ang limang buwan na yon na talagang wala na at ayaw na niya talaga, wala na akong magagawa, kagaya noon kung hihilingin niya ulit na tapusin na ulit ang lahat at muling hilingin na palayain ko na ulit siya wala na akong magagawa kung hindi ang muling palayain siya at maging masaya kahit sa piling na ng iba.
"Mikha" Bungad na niya sa akin ng makapasok na ulit ako sa kwarto niya.
Ganon pa rin ang pwesto niya nung iwan ko siya sa mga kaibigan namin, nakaupo habang nakasandal sa kama niya.
"Hi" Bati ko sa kaniya at hinalikan na ang ulo niya.
"Mikha" Tawag niya sa akin na para bang sinasaway ako sa ginawa ko.
Huminga na lang naman ako ng malalim bago tuluyan maupo sa tabi niya
"Aiah, hon?" Usap ko na sa kaniya ng hawakan ko ang kamay niya.
"Pwede bang ibigay mo na sa akin tong natitirang limang buwan na magkasama tayo?"
"Pwede bang huwag mo na ulit akong pagtulakan at pagtabuyan sa loob ng limang buwan na iyon?" Tanong ko sa kaniya ngunit nakatingin lang naman ito sa akin.
"Pangako, hindi kita kukulitin na mahalin ako ulit, hindi kita oobligahin na ibalik ang kung anuman sa akin, basta hayaan mo lang akong gawin lahat ng ito ng hindi mo ko kinakailangan pagtulakan at pagtabuyan ulit" Pakiusap ko ulit sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong tubig ang bumagsak mula sa mga mata ko. Ang sikip ng dibdib ko.
Totoong mahal ko talaga ang babaeng to at ang sakit sakit.
"Mikha"
"Aiah please" Pag mamakaawa ko na ulit sa kaniya.
"Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ko sa limang buwan na to, pangako, hahayaan kita sa lahat basta hayaan mo lang ulit ako na alagaan ka at paramdam ulit sayo kung gaano kita kamahal" Umiiyak na talaga pakiusap ko sa kaniya habang gulat at naiiyak na rin naman siyang napatingin sa akin.
"M-mahal m-mo pa rin ako hanggang ngayon?" Gulat at nauutal na aniya niya kaya napatingin na lang naman ako sa mga mata niya at tumango.
Hindi nawala ang pagmamahal ko sayo, Aiah.
"Pero mikha ---
"Aiah, please, please"
"Pero baka masaktan nanaman ulit kita" Umiiyak na rin na aniya niya kaya napapangiti na lang naman akong umiling habang pinupunasan na ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
GREATEST LOVE (MIKHAIAH)
Fanfictionayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal. Pero sa kabilang banda, Ang GREATEST LOVE rin daw ang siyang dahilan ng ating pagkasawi. Ang GREA...