MIKHA'S POV
"Kailangan niyong mamili, hindi lang ang mga bata ang pwedeng mapahamak, Dra. Lim. Pati na rin ang misis mo" Aniya na ng kaibigan kong si Bianca na siyang doktor ni Aiah.
"Kambal ang anak niyo at mahina ang kapit ng isang baby niyo, kung hahayaan lang natin yung isang baby baka madamay ang isa niyo pang anak at si Aiah at ayaw naman natin mangyari yon pare-pareho" Dagdag pa nito.
"Hindi" Biglang aniya ni Aiah ng tumayo na ito mula sa pagkakahiga.
"Hindi ako mamimili, wala akong isusuko isa sa mga anak ko" Madiin at seryosong aniya na ni Aiah kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.
"Pero misis ko---
Hindi ko naman na natuloy ang sasabihin ko ng tignan na ako nito ng masama.
Hays.
Ito na nga ba ang sinasabi at kinakatakutan ko. Alam kong wala akong magagawa dahil alam kong hindi talaga isusuko ni Aiah ang mga bata. Pero anong gagawin ko? Ayoko rin mapahamak ang asawa ko.
"Bianca" Nasabi ko na lang sa kaibigan ko at agad naman na niyang napunto ang nais kong sabihin.
"Okay, ganito, magbibilin ako sa sayo ng napaka rami at kailangan inumin mo rin lahat ng vitamins na ibibigay ko sayo, maliwanag ba, Aiah?" Tanong na nito kay Aiah kaya agad naman itong tumango.
Pagtapos ng mahabang eksplenasyon at mga habilin ay nakauwi na rin kami sa bahay at agad ko naman ng pinagpahinga ang misis ko.
"Kumusta? Kaya pa ba?" Tanong sa akin ng kuya ni Aiah ng bumisita ito ngayon sa amin ni Aiah.
"Kaya pero nangangamba pa rin ako, ayokong mapahamak ang asawa ko pero gustong gusto niya talaga mabuhay ang kambal" Sagot ko sa kaniya at napabuntong hininga na lang.
"Parang hindi mo naman kilala ang kapatid ko, basta gusto niya gusto niyang makukuha niya" Natatawang aniya na lamang ng kuya ni Aiah kaya napailing na lang naman ako.
Tama si Kuya, kaya nga ako nakuha ni Aiah pero kasi naman, misis ko huhuhu
Ilang saglit pa ay nakita na namin papuntang sala si Aiah kaya agad naman akong tumayo para alalayan siya.
Mula kasi ng lumaki ang tiyan niya ay naisipan na namin na gamitin na ang kwarto sa baba ng bahay namin para hindi na siya mapahamak pa kakapanik panao.
"Misis ko"
"Kung kukulitin mo ako tungkol sa kambal ---
Mwuaah*
"Hindi, gusto ko lang mag i love you" Nasabi ko na lang habang masama pa rin ang tingin niya sa akin.
Mahirap na baka kila mommy nanaman ako nito patulugin.
"May naisip na ba kayong pangalan ng kambal?" Tanong ng kuya ni Aiah ng maupo na sa tabi nito ang kapatid.
"Wag mo muna ipaalala yan kuya, ang panget ng binibigay ni Mikha" Inis na sagot nito sa kapatid kaya napanguso na lang naman akong tumabi sa kaniya.
"Panget ba yong? Cod? O hindi kaya Ml?" Usap ko pa sa kaniya. Tinignan lang naman ako ng masama nito kaya tawang tawa naman na sa amin ang kuya nito.
"The fuck ----
"Bunganga mo kuya, naririnig ka ng kambal!" Saway ni Aiah sa kuya niya kaya nagkibit balikat na lang naman ako.
Behave ka lang kasi HAHAHAHA.
"Langya kasi! ---
"Kuya!"
"Sorry, sorry pero kasi cod? ml? Seriously mikha?" Tawang tawang aniya nito kaya napanguso na lang naman ako ulit.
"Atleast hindi na sila mahihirapan magsulat ng pangalan nila" Pagdepensa ko pa kaya sabay naman na napailing ang magkapatid.
Cod Arceta. Lim
Ml Arceta. LimCute naman ah, hmp!
"Avery Mikhail Arceta Lim ang baby girl"
"Ackley Mikhail Arceta Lim ang baby boy"
"Jusko buti matino tong kapatid ko" Animo'y nakahinga ng maluwag ang kuya nito ng marinig ang pangalan ng anak namin ni Aiah.
"Sa akin nanggaling yung Mikhail, kuya" Sabat ko pa kaya nagpatango tango lang ito na parang hindi naniniwala.
Hindi naman na ako nagsalita ng maramdaman ko na ang yakap ng misis ko.
Maya-maya pa ay narinig na namin ni Kuya ang hikbi niya kaya gulat naman na kaming napatingin sa isa't isa at sabay na sinilip ang mukha ni Aiah.
"Misis ko, bakit?"
"Ha? Hon?"
"Uyy bunso, problema mo?" Tanong ng kuya nito.
"Gusto ko sila parehas, hon" Umiiyak na sagot niya kaya parehas naman na kaming napatigil ng kuya niya.
"Mikha, please, yung dalawa natin Mikhail" Umiiyak pa rin na aniya nito kaya napabuntong hininga na lang naman akong inangat ang mukha niya at pinunasan na ang luha niya.
Wala akong magawa, kung pwede lang, kung nalilipat lang yung sakit, aakuin ko na talaga.
Pakiramdam ko wala akong kwenta, hindi ko man lang matulungan ang asawa ko.
"Makukuha natin sila, mayayakap natin sila pareho, palalakihin natin sila pareho" Nakangiting usap ko na sa kaniya habang pinupunasan na ang luha niya.
Nakatingin lang naman ito sa akin habang nakanguso kaya agad ko naman hinalikan ito.
"Basta ipromise mo sa akin, sa amin ng dalawang bata, na hindi mo kami iiwan, na hindi mo ko iiwan, misis ko" Pakiusap ko pa sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit, kailangan kong maging matatag para sa asawa ko ngayon pero bigla na lang din bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Na kahit anong mangyari, hihinga ka, mabubuhay ka" Dagdag ko pa.
"Promise, promise hon" Sagot niya at mabilis na siniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Una na ako, hahanap din ako ng kaganiyan ko" Biglang usap ng kuya niya at ni walang ano ano'y naglakad na palabas ng bahay namin ni Aiah.
"Meron yan siya, eme niya lang yan" Rinig ko ng usap ni Aiah kaya natawa na lang naman kaming dalawa.
"Shopping tayo?" Rinig ko ng bulong niya kaya natawa na lang naman ako.
"Ang dami ng gamit ng dalawa sa taas, misis ko" Natatawang sagot ko sa kaniya ng silipin ko ang mukha niya.
"Kulang pa" Sagot niya kaya napatango na lang naman ako.
Bawal mastress si buntis.
"Okay, okay, magshoshopping kami ni Buntis!" Sigaw ko kaya natawa naman na ito.
"I love you, Lim"
"I love you too, Mrs. Lim"
BINABASA MO ANG
GREATEST LOVE (MIKHAIAH)
Fanficayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal. Pero sa kabilang banda, Ang GREATEST LOVE rin daw ang siyang dahilan ng ating pagkasawi. Ang GREA...