Kagaya ng ilang nagdaan araw at linggo ay patuloy pa rin sa paghanda ng pagkain si Aiah para sa akin, pero kagaya rin nitong nagdaan araw at linggo ay hindi ko pa rin ginagalaw ang mga ito.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa mga hinahanda niyang pagkain kapag nadadatnan niya ito pauwi pero problema na niya iyon, hindi ko naman sinabi na ipaghanda niya ako ng pagkain kagaya noon.
"Gago mo dre!" Inis na aniya ni Colet sa akin ng malaman sa girlfriend niyang si Maloi ang patungkol sa mga pagkain na hinahanda sa akin ni Aiah ng minsan maabutan daw nito ang tupperware sa mesa sa condong tinutuluyan namin ni Aiah.
"Dapat nga magpasalamat ka pa dahil binibigyan ka pa rin ng oras ni Aiah sa kabila ng mga nangyayari sa kaniya ngayon!" Inis na talagang aniya nito kaya agad naman na pumagitna sa amin si Jhoana at Gwen.
"Tanga niya pala e! Hindi ko naman sinabi na ipaghanda niya ako" Sagot ko at nagulat na lamang ako ng may biglang kamao ang dumampi sa panga ko.
"Mas tanga ka! Bobo!" Aniya ni Colet.
"Siraulo!" Sigaw ko rin sa kaniya at nang akmang gaganti ako ay agad naman din hinawakan nila Jhoana at Gwen ang magkabilang kamay ko at pilit na nilalayo ako.
"Tangina! bitawan niyo nga ako!" Usap ko sa dalawa at agad naman nila akong tinulak.
"Naiintindihan kong gago ka na ngayon at walang sineseryoso pero huwag mo na sana damay si Ate Aiah, dre" Usap na ni Jhoana na siyang nagpatigil sa akin.
"Alam mo ba na yung mga hinahanda niya sayo, yun na rin ang kinakain niya pag uuwi siya sa condo niyo galing sa opisina niya para lang hindi masayang" Dagdag pa ni Gwen dito.
"Alam mo rin ba na araw-araw kang hinihintay ni Aiah para makasigurong ligtas kang umuwi at umaasang makakausap ka"
What?!
"Pero lagi mong sinasadya na hindi kayo mag pang abot, pinapahirapan mo lang siya na tuparin ang huling hiling sa kaniya ng mommy niya" Napapailing na aniya ni Jhoana sa akin.
Huling hiling?
"Teka nga?! Bakit ba parang ako lang yung may mali rito?" Takang tanong ko na sa kanila.
"Alam niyo naman ----
"Na nasaktan ka at nahirapan ka nung naghiwalay kayo kaya nagkakaganyan ka ngayon?"
"Alam namin yon!" Sigaw na aniya ni Colet.
"Pero hindi mo kami katulad, na iisang side lang ang iniisip at tinatanggap" Napapailing na aniya pa nito at lumabas na sa cafeteria ng hospital.
Napatingin naman ako kay Jhoana at Gwen at umiling na lang naman ang mga ito.
"Pasensya ka na dre pero hindi talaga kita makakampihan ngayon" Aniya ni Jhoana sa akin at naglakad na rin palabas ng cafeteria.
Nanatili lang naman sa tabi ko si Gwen at napabuntong hininga.
"Iintindihin kita ngayon dahil alam kong bobo ka at wala kang kaalam alam sa mga nangyayari ngayon" Usap niya kaya awtomatiko naman kumunot ang noo ko.
"Pero isa lang ang hihingin ko sayo dre, huwag mo ng pahirapa't saktan si Aiah" Usap niya bago tuluyang lumabas ng cafeteria.
Ginulo ko na lang naman ang buhok ko sa inis at bahagyang hinaplos ang sa tingin kong magpapasang sapak sa akin ni Colet sa bandang labi ko.
Langya ka, dre!
At dahil wala pa akong surgery at tapos na akong mag ikot ikot sa pasyente ko ay naisipan ko munang lumabas ng hospital at magpahangin sa malapit na parke rito.
Ngunit ang inaakala kong makakahinga ako ng maluwag ay tila parang mas bumigat pa ng maalala ang mga alala namin ni Aiah sa lugar na ito nung intern pa lamang ako.
"Mikha bebe, alam mo ba sobrang stress sa office kanina, paano ba naman ang arte nung isa namin client, paulit nang paulit ng design e ang ganda ganda na nga non tas-----
Hindi naman na niya natapos ang sasabihin niya ng halikan ko na ang labi niya.
"Abat" Saway niya sa akin ng bahagyang hampasin ang kamay ko kaya natawa naman na kami pareho.
"Sa tingin ko, walang taste yung client mo na yon, kasi kung ako yon, kahit anong gawin ng bebe ko magugustuhan ko" Usap ko kaya agad naman siyang ngumiti.
"Talaga?" Nakangiting tanong niya.
"Talagang talaga" Sagot ko.
"Kahit pikutin kita sa tenga"
"Aray ko! Aray ko! Aiah bebe ko!" Saway ko sa kaniya ng pikutin nga nito ang tenga ko.
"Napapala ng nagpapalipas ng kain, tara na kumain na tayo pinagluto kita nitong paborito mo" Aniya pa niya pero ngumuso lang naman ako.
"Tignan mo nga naman nagtampo pa, okay, sorry na bebe ko, sorry na" Paglalambing pa niya kaya agad ko naman ulit hinuli ang labi nito.
"I love you, Aiah" Nasabi ko na lang at nakangiting tumitig sa kaniya.
"I love you too, Mikha"
"Kaya please, kumain ka na kasi ayokong magkasakit at maging pasyente ang future doktora ko" Aniya pa niya kaya muli kong hinalikan ang labi niya.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko na lang sa sarili ko ng maupo na sa madalas namin tambayan ni Aiah noon.
"Ahhh Aiah, bakit ba hindi ka pa rin nagbabago? bakit ganyan ka pa rin? bakit ba inuuna mo pa rin ang iba kaysa sa sarili mo?" Inis na aniya ko pa sa sarili ko at ginulo gulo na ang buhok ko.
Pagbalik ko sa hospital, pagtapos ng duty ko ay agad ko na rin kinuha ang ilang gamit ko sa opisina at muling lumabas para umuwi na sa condong tinutuluyan namin ni Aiah.
Pag uwi ko ay muli ko siyang nadatnan sa may sala na muling gumagawa ng mga bagong disensyo at mukhang stress na stress sa mga ginagawa nito dahil sa maya't maya paglulukot at pagtatapon ng papel sa basurahan na kalapit nito.
"Nandiyan ka na pala, teka iinit ko lang yung niluto ko sa ----
"Hindi na, busog pa ako" Pagpuputol ko ulit sa sasabihin niya.
Hindi ako busog pero hindi rin naman ako gutom, kaya di bale na.
"Anong nangyari sa labi mo?" Nag aalalang tanong niya kaya bahagya ko naman nilayo ang mukha ko ng akmang hahawakan niya ito.
"Sorry"
"Wait! kukuha kita ng yelo sa freezer" Hindi ko naman na siya napigilan ng dali dali na siyang tumakbo papuntang kusina.
Pagbalik niya ay may dala dala na siyang yelo at ice bag sa magkabilang kamay nito.
"Akin na, gamutin natin" Nakangiting usap niya, kaya saglit pa akong napatingin sa mga iyon pati na rin sa kaniya.
"Salamat pero kaya ko na sarili ko" Nasabi ko na lang at naglakad na papasok ng kwarto ko.
Huwag ka na kasing mag abala dahil sa huli ako lang din naman ang napapasama.
BINABASA MO ANG
GREATEST LOVE (MIKHAIAH)
Fanficayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal. Pero sa kabilang banda, Ang GREATEST LOVE rin daw ang siyang dahilan ng ating pagkasawi. Ang GREA...