KABANATA XIV

5.2K 187 4
                                    

"Misis ko" Masayang bungad ko na sa kabilang linya ng tumawag ito sa akin.

alas singko pa lang ng umaga ah, aga naman magising nito.

"San ka? Sa bahay ka ba?" Tanong na nito sa akin.

"Sa hospital, may nangyari lang sa isa kong pasyente kaya kinailangan kong pumunta rito" 

"Napatawag ka? Bat ang aga mo nagising?" Tanong ko na sa kaniya.

"Akala ko kasi nasa bahay ka, inisip ko wala kang kakainin na agahan, yayain sana kita rito na magbreakfast kila mommy" Usap niya kaya agad naman akong napangiti.

"Pwede sana kaya lang baka biglang magising tong pasyente ko, kailangan kong mag explain na sandamakmak na bawal at kailangan gawin" Sagot ko at agad naman itong natahimik.

"Ganon ba?" Wala ng ganang sagot nito kaya bahagya naman akong natawa.

"Ganito na lang, pagtira mo ko ng lulutuin mo, sunduin kita diyan mamaya tas kainin ko na lang sa bahay natin" Suhestiyon ko na sa kaniya.

"Okay okay, see you, ingat sa pagdadrive ah" Sagot na niya at bilin.

"Yes misis ko! Bye" Aniya ko na at binaba na ang linya.

i love you.

Sakto naman ng may kumatok kaya agad ko rin naman itong pinapasok.

"Dra. Lim, pinapasabi po ni Dra. Apuli na gising na raw po si Jaz Henry po" Aniya nito kaya agad ko naman itong nginitian at tumango.

"Sige, salamat" Sagot ko ay kinuha na sa sabitan ko ang white coat ko.

Pagkarating sa kwarto nito ay agad naman akong kumatok, pagpasok ay agad naman bumungad sa akin si Gwen na kausap na ang mga magulang ni Jaz.

"And btw, this is Dra. Lim, kasama kong mag monitor dito sa unica hija niyo" Pakilala sa akin ni Gwen sa mga magulang ni Jaz kaya agad ko naman kinamayan ang mga ito.

"Nice to meet you, Mr and Mrs. Henry" Usap ko na sa kanila.

"Yeah, I know her, kilalang kilalang surgeon ang isang ito kaya nga dito namin naisipan ipatingin ulit si Jaz" Nakangiting aniya na ng mommy nito kaya napangiti na lang din naman ako.

"Napaliwanag ko na sa mga magulang ni Jaz yung mga dapat na gawin, ikaw na magpaliwanag diyan sa babae mo" Natatawang bulong pa niya kaya napailing na lang naman ako.

Agad naman na akong lumapit kay Jaz na ngayo'y nakahiga pa rin sa kaniyang kama.

"Hi" Bati ko na sa kaniya.

"Long time, no see" Nakangiting aniya na niya.

"Yeah, pero sana hindi sa ganitong paraan" Nasabi ko na lang.

"Mamamatay na ba ako?" Biglang tanong niya kaya agad naman akong umiling.

"No, base sa mga papers na dinala sa opisina ko, nakita ko na maari pang madaan sa gamot itong sakit mo, maari pang malabanan yon ng mga gamot na ipapainom namin sayo, mag iiwas iwas ka rin sa mga bawal lalo na sa stress at syempre need mo na rin magkaroon ng healthy lifestyle"

"Meaning, no smoke and alcohol. Walking and swimming or other physical therapy can help"

"And sana, mag work, para hindi na tayo humantong sa myocardial bridging" Usap ko na aa kaniya at agad naman siyang nakangiting tumango.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon