KABANATA XXII

5.5K 194 12
                                    

"Alam kong matagal ka ng nagtratrabaho sa mga Arceta pero para ipaalam ko sayo, kaya kong doblehin o triplehin ang mga kinikita mo sa kanila"

"Paano? Anong binabalak mo?"

"Hmm, simple lang naman, gumawa ka lang ng isang malaking problema sa firm ng mga Arceta"

"Problema?"

"Tama, problema, isang problema na ibabato mo sa firm nila Aiah ng sa ganon kakailanganin ni Aiah ang tulong ko"

"Malaking problema na iipit sa kaniya para hindi siya makakatanggi sa tulong na yon"

"Pero bakit? Para saan?"

"Simple, para magkaroon siya ng utang na loob sa akin at ng sa ganon ay makontrol ko na si Aiah"

"At sa panahon ngayon, walang libre, lahat may kapalit"

"At ang magiging kapalit ng pagtulong kong yon ay ang pakikipaghiwalay niya sa nobya niya at ang pakikipag date sa akin"

~

"Damn it! Kung nagawan niya ng paraan edi gumawa ka pa ng isang problema! Nakawan mo ang firm! Tanggihan mo ang ilang client! Basta siguraduhin mong mamomoblema si Aiah ng sa ganon humingi ulit siya sa akin ng tulong!"

"At sa pagkakataon na ito! Dapat mahawakan ko na ang takbo ng buhay niya! malinawag?!"

"Yes sir!"

~

"Hiwalay na si Ma'am Aiah at yung doktor, sir"

"Good"

"Mukhang wala ng hahadlang sa amin ni Aiah"

"Pero parang hindi pa rin ako, kampante"

"Paano kung patayin niyo si Lim? O hindi kaya takutin? Banggain yung sasakyan? Ano sa tingin mo?"

"P-pero sir"

"Mas may thrill kung sadyain niyo siyang banggain, tiyempuhan niyo, mag utos ka na lang ng ibang tao, siguraduhin mo lang na hindi ako masasangkot"

~~~

"SINONG MAY PAKANA NIYAN?! PATAYIN NIYO YAN! PATAYIN NIYO!" Galit ng sigaw ni Jeremy sa ilan niyan mga tauhan ng bigla na lang lumitaw sa isang malaking screen na nandoon ang isang video niya habang kausap ang isa sa mga tauhan nila Aiah.

Lumikha naman ng ingay ang naturang video dahil sa bulungan ng ibang tao na naririto rin sa party na ito.

"WALANGHIYA KA! PINAGKATIWALAAN KITA! SUMUNOD AKO SA MGA KUNDISYON MO! PERO IKAW RIN PALA ANG MAY PAKANA LAHAT NG ITO! PATI SI MIKHA PINAG TANGKAAN MO!" Sigaw na ni Aiah kasabay ng sunod sunod na malalakas na sampal na siyang hindi naman na nailagan ni Jeremy.

Natauhan na lang naman ako ng akma pa tong lalapit kay Aiah kaya agad agad naman na ako lumapit palapit sa kaniya at binigay na ang buong lakas ko masira lang ang pagmumukha ng gagong to.

Diyos ko patawarin mo ako, doktor ako pero mukhang makakapatay ako ng tao.

"TANGINA KA!" Hindi ko na pigilan sarili kong magmura ng sunod sunod ng sapakin ang mukha ng isang to.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon