KABANATA VI

6.2K 198 14
                                    

"Dra. Santos" Rinig kong usap na ni Aiah ng madatnan niyang nag uusap kami ni Dra. Santos.

Agad naman kaming napalingon sa kaniya ni Dra. Santos kaya agad agad din naman siyang nilapitan ni Dra. Santos at niyakap.

"Finally! Kamusta ka na?" Todo ngiting tanong niya kaya agad din naman napalingon sa akin si Aiah.

Oras mo na para ikaw naman ang kulitin ng isang doktora na yan.

"Okay na ho, salamat po" Sagot na ni Aiah dito.

"Ikaw naman, ngayon na lang ulit tayo nagkita sa ganitong paraan pa, kaya huwag na matigas ulo mo ah, makinig ka sa fiancé mo" Ngiting ngiting aniya pa ni Dra. kaya gulat na gulat naman na napatingin sa akin si Aiah.

Napangiti na lang naman ako at nagpatango tango.

Tama! Makinig ka sa akin, Aiah.

"Masyado mo naman yatang feel na feel ang pagiging fiancé nitong si Aiah" Biglang usap ni Dra. Santos kaya napanguso na lang naman ako.

Napapangiti na lang naman umiling si Aiah kaya kinindatan ko na lang naman ito.

"Talaga naman" Aniya na ni Aiah kaya natawa na lang naman din kami pareho.

"Ayy sus! Mamaya na yang landian niyo na yan!"

"Since naayos na raw nito ni Dra. Lim ang about sa trabaho at tungkol sa mommy mo, wala ka ng choice kung hindi ang magpahinga kasama ng isang to"

"Hindi uubra ang tigas ng ulo kapag kalusugan na ang itataya mo" Pangaral pa ni Dra. Santos kaya nagpatango tango naman na ako biglang pag sang ayon.

"Anyway, huwag ka na dumagdag sa stress ng magandang batang ito, Dra. Lim"

"Ako? Sa mukhang to may masstress? Come on, Dra." Asar ko na sa kaniya kaya napailing na lang naman ito.

"Tandaan mo, kailangan mong maging mabuting fiancé para hindi na ulit mawala sayo ang isang to" Biglang usap niya na siyang nagpalaki sa mata mga mata namin ni Aiah.

Ayaw talaga patalo nitong doktora na ito sa asaran.

Ilang saglit pa ng kwentuhan nila ni Aiah ay nagpaalam na rin siya sa amin dalawa. Bukas na bukas ay maari na rin lumabas si Aiah kaya tuwang tuwa naman siya na makikita na ulit niya ang mommy niya.

"Dumalaw pala sayo ang kuya mo kanina kaso kakapahinga mo pa lang kaya hindi ka na namin ginising" Usap ko sa kaniya habang nilalabas na sa paper bag ang mga kakainin namin.

"Okay naman sila nila mommy?" Tanong pa niya kaya agad naman akong tumango.

Nakaupo na siya ngayon sa kaniyang higaan, halata pa rin ang panghihina pero mas maayos at mas mabuti na rin kumpara kanina.

"Oo, bumubuti na rin daw ang lagay ni tita sadyang may mga ganon talaga incidents pero getting better na rin naman siya, kaya ikaw, huwag mo muna na alalahanin yon, hindi naman pababayaan ng daddy at kuya mo ang mommy mo" Usap ko sa kaniya at naupo na sa tabi niya.

"Dagdag mo pa si mommy at daddy, mga doktor ng mommy mo, si Dr. Laurenti tsaka si Colet at Jhoana" Dagdag ko pa habang nilapit na sa bibig niya ang pagkain niya.

Agad naman niya nilayo ang mukha niya at akmang aagawin na sa akin ang pagkain.

"Ako na, kaya ko naman na kumain" Usap pa niya kaya agad naman akong umiling.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon