KABANATA XXXI

7.7K 220 3
                                    

MIKHA'S POV

"Dre, pasapak nga isa lang" Aniya na ni Colet ng ipakita ko na ang singsing ko sa kanila.

"Tangina! Matapos mong macomatose ng dalawang buwan paggising mo engaged ka na?!" Hindi pa rin makapaniwalang aniya ni Gwen sa akin.

"Naunahan mo nanaman ang mga loko" Natatawang usap na ni Jhoana kaya tinarayan na lang naman siya ng dalawa.

"Pero seryoso, dre, salamat sa inyo, baka kung hindi dahil sa inyo patay na ako at wala tong singsing na to sa daliri ko" Pasasalamat ko na sa kanila.

"Gaya nga ng lagi natin sinasabi, trabaho natin yon tsaka takot lang namin kay Aiah" Napapailing na sagot ni Colet sa akin.

"Grabe rin hirap ni Aiah, kaya masaya akong gising ka na dre" Nakangiting usap pa ni Gwen kaya napatango naman na ako.

"So, ano na next? Hindi ba nagpaalam ka sa magulang ni Aiah na hihingiin mo kamay ng unica hija nila, paano yan naunahan ka na?" Tanong ni Jhoana sa akin.

Nagpaalam ako sa parents ni Aiah na magpropropose ako sa anak nila, nangako ako na hindi ko na paiiyakin ang anak nila, hindi ko naman akalain na makakabalik agad siya rito at hahagulgol sa harap ng mga magulang niya. Right timing hindi ba? Kakapangako ko pa lang e hays.

"Hmm, hindi ko pa alam, ilabas niyo muna ako rito" Nakangiting sagot ko na sa kanila kaya sabay sabay naman umiwas ng tingin ang mga ito.

killjoy!

"Mikha babyyy!" Sigaw na ni Stacey ng makapasok na ito sa loob.

"Ingay niyan" Rinig kong usap pa ni Jhoana kaya natawa na lang naman kami pare-pareho.

"Ano kamusta ka na? May masakit pa sayo?" Tanong na sa akin ni Maloi ng tumabi na ito sa akin.

"Okay na yan, na engaged na nga oh" Natatawang sabat pa ni Sheena kaya napangiti na lang naman ako.

"Okay na okay na, need na lang magpalakas para makalabas na ako rito" Sagot ko kaya taka naman napatingin sa akin si Stacey.

"Sus! Kahit makalabas ka rito, babalik pa rin naman dito, hello! doktor ka kagaya ng tatlong ugok na to!" Usap pa ni Stacey habang turo turo sila Colet, Gwen at Jhoana.

"Edi ugok din yan, doktor rin yan e" Aniya pa ni Aiah ng lumabas na ito mula sa banyo kaya napanguso na lang naman ako.

"Wow! Fresh! Honeymoon ba agad?" Tanong pa ni Maloi kaya natawa naman na ang anim na ugok.

"Bawal pa, baldado pa si Mikha Lim" Natatawang sagot ni Aiah kaya nagtawanan naman ulit ang mga ito.

"Misis ko" Nakangusong sabi ko na lang kaya agad agad naman siyang lumapit sa akin at natatawa pa rin hinalikan ang labi ko.

"Joke lang, i love you!" Usap pa niya kaya napangiti na lang naman ako.

"Langya ka dre! bading ka!" Rinig ko pang usap ni Gwen.

"Yan nanaman sila sa pagiging matamis nila sa isa't isa" Mataray ng aniya ni Stacey sa amin dalawa ni Aiah kaya natawa na lang naman kami.

ilang saglit pa kaming nagkwentuhan hanggang sa tuluyan na rin silang nagpaalam kaya agad naman na silang hinatid ni Aiah sa labas ng kwarto ko.

"Hayy, sa wakas, solo ko na ang misis ko" Aniya ko na ng yakapin ko na siya ng maupo na ito sa tabi ko.

"Okay ka lang?" Tanong ko na ng silipin ko na ang mukha niyang nakasubsob pa rin sa leeg ko pero tahimik lang namin itong tumango.

"Hmm? Ano iniisip ng misis ko?" Tanong ko pa habang hinahagod hagod na ang likod niya.

Ngunit imbis na sagot ay tanging hikbi na lamang ang narinig ko kaya agad-agad ko naman hinawakan ang mukha nito.

"Bakit? Misis ko, may problema ba?" Nag aalala ng tanong ko sa kaniya.

Hindi naman siguro nagbago isip nito, diyos ko!

"W-wala" Humihiki na talagang sagot nito.

"Misis ko"

"Natakot lang ako" Pag amin niya na siya naman pinagtaka ko.

"Dahil ba to sa pinag uusapan natin nila Colet kanina?" Tanong ko pa habang pinupunasan na ang luha niya at agad naman siyang tumango.

Aww ang baby Aiah ko.

"Natakot lang ako na baka kung hindi pa natin nalaman yung totoo, mawala ka na ng tuluyan sa akin, yung mga kwento nila na halos hindi na tayo mapaghiwalay noon, na para na rin tayong mag asawa noon, yung ang lagi ko pinagdarasal, hon, na sana bumalik tayo sa kung ano tayo noon, hindi ko alam pero natakot lang talaga ako, paano kung nahuli na ang lahat? paano kung hindi lumabas yung totoo? paano kung tuluyan ka ng mawala sa akin?" Umiiyak pa rin sagot niya kaya napangiti na lang naman ako.

"Nung mabalitaan ko yung nangyari sayo, nung nakita rin kita sa ganon sitwasyon, walang malay, nag aagaw buhay. Hon, magalit ka na kung magagalit ka pero susunod talaga ako sayo kapag nangyari yon dahil hindi ko na alam kung paano pa mabuhay kung mawawala ka ulit sa akin, Mikha"

"Misis ko"

"Hindi ko na kakayanin, Mikha"

"Misis ko, ni minsan naman hindi ako nawala sayo at hinding hindi ako mawawala sayo" Usap ko pero umiling lang naman ito at napaiwas ng tingin.

"Kung hindi lang dahil sa machine ---

"Pero lumaban ako, bumalik ako kasi alam kong nandiyan ka, na may naghihintay sa akin, na may pinangakuan ako tsaka remember, tuluyan mo na akong inangkin oh!" Aniya ko habang pinakita na ang singsing sa daliri ko.

"Kaya wala na akong patutunguhan kung hindi sayo at sayo lang, misis ko, okay?" Paninigurado ko na sa kaniya kaya agad naman siyang tumango.

"Oh nasan na yung paboritong ngiti ko?" Aniya ko naman kaya napapailing naman siyang ngumiti. Agad din naman akong napangiti at hinalikan na ang noo niya at muli siyang niyakap ng napaka higpit.

"Wala kang dapat na ikatakot dahil habang tumitibok tong puso ko, sayo at sayo lang ito, hinding-hindi ka na mawawala rito, mas imposible pa yon sa imposible, misis ko" Usap ko pa habang yakap yakap pa rin siya.

"Gaya nga ng sabi ko sayo noon, sisikapin kong maging pang habambuhay mo, Aiah kaya paano ko gagawin yon kung patay ako"'

"Mikha naman e"

"Misis ko kahit si kamatayan hindi kayang pigilan ang pagmamahal ko sayo, babalik at babalik talaga ako sayo gaya ng mga pinangako ko at isa ang pagmamahal mo ang siyang bumuhay sa akin, tong mahihigpit mong yakap, madiin na kapit mo sa mga kamay ko, matatamis mong halik, ikaw mismo, misis ko, ikaw lang sapat na para mabuhay ako" 

"Kaya hindi mo kailangan matakot kasi dito lang ako sa tabi mo at kung anong meron tayo noon, hihigitan pa natin yon ngayon" Dagdag na aniya ko pa, umiiyak pa rin naman siyang napatitig sa akin kaya nakangiti ko naman ng pinunasan ang mga luha niya.

"Dito ka lang, Mikha, dito ka lang" Aniya na niya bago tuluyang angkinin ang labi ko.

"Dito lang, misis ko, dito lang" 


GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon