KABANATA XII

5.2K 174 13
                                    

Tahimik lang naman kaming pumasok sa bahay at dahil sa sobrang hilo ay naupo na lang naman ako sa sala habang si Aiah naman ay wala pa ring kibo na dumiretso sa kusina.

I'm sorry, Hon.

"Uminom ka ng maraming tubig para hindi ka magka hangover" Usap na niya at iabot na sa akin ang baso at isang pitchel ng tubig.

Kaagad naman akong uminom at tumingin sa kaniya na ngayo'y nakakunot pa rin ang noo.

Kaawaan mo ako panginoon, promise papakabait na po ako. Huwag mo lang ako ipabugbog sa amazona na ito.

"Ikaw ba talaga magpapakamatay ka?" Inis na talagang usap niya ng ilapag ko na sa mesa ang hawak kong baso at pitchel.

"H-hon?"

"Nakalimutan mo na ba na kamuntikan ka ng mamatay noon dahil diyan sa pagdadrive mo ng lasing?!"

"Nakalimutan mo na ba na may tao pa ring naghihintay sayo?! Na may taong nagdadasal pa rin sayo na sana lagi kang ligtas?!"

"Tapos ikaw?!" Kita kong umiiyak ng usap niya kaya agad naman akong napatayo para yakapin siya.

"Sshh! sshh! I'm sorry, I'm sorry" Nasabi ko na lang at hinagod hagod na ang likod niya.

Tanga mo, Mikha Lim.

Pero paano niya nalaman pa ang tungkol don? Sino nag sabi sa kaniya noon?

Nanatili lang naman kaming magkayakap ng bigla naman na siyang mag usap.

"Wala man kasiguraduhan ang bukas para sa atin dalawa gusto ko pa rin makitang ayos ka, Mikha Lim" Biglang usap niya kaya kahit naman na nakaramdam ng kirot sa puso ay napatango na lang naman ako.

"I'm sorry" Nasabi ko na lang at bahagya na lang hinalikan ang ulo niya.

"Pahinga ka na, may kailangan tayong pag usapan pag gising mo" Biglang seryosong aniya niya at umalis na sa pagkakayakap sa akin.

Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam naman ako ng sakit at kaba dahil sa sinabi niya.

Pero wala pa kaming sa six months?

"Aiah" Tawag ko na sa kaniya ng papasok na sana ito sa kwarto niya.

"Hmm?"

"Thank you pala, hmm goodnight" Nasabi ko na lang at agad naman siya napangiti ng bahagya.

"Goodnight" Usap pa niya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.

i love you.

Kinabukasan pag gising ko ay wala akong Aiah na nadatnan sa sala kaya agad agad naman akong pumunta ng kusino pero isang tupperware at sulat lang ang tumambad sa akin.

Subukan mo lang huwag kainin to, Mikha Lim! Sinasabi ko sayo. Sa hospital nga pala ako, ngayon ang discharge ni Mommy, hindi na kita ginising kasi alam kong may hangover ka. See you later! Eat well :)

"Sulat na lang yan pero ramdam na ramdam mo na pagiging leader ng mga amazona pero ang sweet" Natatawang usap ko na lang sa sarili ko at sinumulan ko ng kainin ang niluto niya.

Namiss ko at mamimiss ko to :((

Pagtapos kumain ay agad naman na akong naligo at nagdrive papuntang hospital.

"Good morning, Dra. Lim"

"Good morning" Bati ko pabalik at sumakay na ng elevator papuntang kwarto ng mommy ni Aiah.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon