KABANATA XVIII

5.2K 174 17
                                    

Araw, linggo, buwan na ang lumipas mula ng mangyari ang masakit na gabing iyon. Sa pangalawang pagkakataon, iniwan nanaman niya ako, hindi dahil sa hindi ko pa rin alam na dahilan kung hindi dahil hindi na ako at may mahal na siyang bago.

Mula rin noon ay hindi na umuwi ng condo si Aiah, sa mga kaibigan na lang naman namin niya pinakuha ang mga gamit niya kaya wala naman na akong nagawa kung hindi ang hayaan na lang ang mga ito.

Sa tingin ko nasabi naman na niya sa pamilya niya ang nangyari dahil sa biglang pagkamusta sa akin ng kuya niya at ng mga magulang ko. Nakausap ko na rin naman ang mommy niya na siya ring humingi ng pasensya sa akin.

Wala na, tapos na ang napagkasunduan, hindi man lang umabot ng anim na buwan, sumuko nanaman.

"Sige! Saktan mo lang ang sarili mo, trip mo yan e" Biglang usap ni Jaz sa tabi ko ng tumambay na kami sa labas ng building nila Aiah.

Nandito kami ngayon sa kotse, gaya ng dati kong gawi, nag aabang ako sa labas ng building nila bago siya umuwi para lang makita siya.

Bakit ko kasama si Jaz?

Magkaibigan na kami.

Kahit sila ni Colet, Gwen at Jhoana ay kasundo na rin niya, siguro ay dahil na rin sa dalas na rin namin magkakasama sa hospital at naging malinaw na rin sa kaniya ang lahat, maging ang nararamdaman ko para kay Aiah.

"Ayan na sila oh" Usap pa niya kaya agad naman akong napatingin kila Aiah at Jeremy na magkasabay lumabas sa building nila.

"Hobby mo saktan sarili mo e no" Rinig ko pang usap niya pero hindi ko na lang naman ito pinansin.

Pinagbuksan naman na ni Jeremy ng pinto si Aiah ng kotse niya at agad din naman sumakay doon si Aiah.

Nasara ko na lang naman ang bintana ng kotse ko ng umandar na ito palapit sa amin.

"Oh? Bakit ayaw mong makita ka niya? Pakita ka para alam niya kung gaano mo siya kamahal, na kahit nasasaktan ka na pinipili mo pa rin na makita siya para lang makasigurong ligtas siya" Usap na niya pero napailing na lang naman ako.

"Dami mong sinasabi, doon na nga tayo sa tambayan natin" Nasabi ko na lang at nagdrive na paalis sa tapat ng building nila Aiah.

Ngayon nandito na kami sa isang parke kung saan madalas kami tumambay o maglakad lakad ni Jaz, mas nakakatulong kasi sa puso niya ang paglalakad lakad o pag gawa ng ilang activity at dahil sa wala rin naman akong ginagawa minsan ay sinasamahan ko na lang naman din ito.

"Fruit shake gusto mo?" Alok na niya sa akin ng may makita siyang nagtitinda nito.

"Sige lang, tama lang din naman sayo yan kasi prutas pero pa less mo lang yung sugar o dapat wala talaga" Bilin ko pa sa kaniya pero tinarayan lang naman ako nito.

"Narinig niyo po yung manong? Ganon daw po yung akin tas yung kaniya po padagdagan ng asukal ng tumamis naman po buhay nitong doktor na to" Usap pa niya sa tindero habang natatawa naman na ang matanda sa amin.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa madalas namin tambayan at tahimik na pinagmasdan ang mga dumadaan na tao at ilang mga batang naglalaro rito.

"Alam mo ba sabi nila kapag nameet mo na ang greatest love mo nagiging red flag ka" Biglang usap niya kaya napatingin naman na ako sa kaniya.

"Paano mo nasabi?"

"Simple, kagaya mo, binigay mo lahat lahat diyan sa great love mo, kaya nung iniwan ka, wala ng natirang pagmamahal para sa ibang tao, hindi mo na kayang magmahal ng iba, lahat nagiging laro, naging pampalipas oras lang lahat ng dumadating sa buhay mo kasi para sayo walang nakakahigit sa great love mo" Sagot niya kaya napatango na lang naman ako.

"Posible nga kayang si Aiah ang greatest love ko?" Natanong ko na lang.

"Posible, isipin mo, naging gago ka e, ginago mo ako e" Usap niya kaya agad naman din kaming napatingin sa isa't isa at sabay na natawa.

"De pwera biro, sabi talaga ng ilan, ang greatest love raw natin ang taong mamahalin mo natin ng sobra pero hinding hindi natin makakatuluyan" Dagdag pa niya kaya napabilog na lang naman ang labi ko.

"Hindi ko pala greatest love si Aiah" Biglang usap ko kaya agad din naman itong natawa ulit.

"Talagang umaasa ka pa rin kayo hanggang huli ah" Hindi makapaniwalang usap niya habang napapailing.

"Hanggang humihinga ako, aasa ako"

"Aasa pero hindi na mamimilit, aasa pero hindi na magmamakaawa, hindi naman ako ganon kaselfish para sarili lang ang isipin ko"

"Oo mahal ko siya, mahal na mahal, kaya nga pinalaya ko ulit di ba, kasi gusto ko don siya kung nasan yung puso niya, kasi gusto ko masaya yung puso niya" Usap ko sa kaniya at agad naman siyang tumango tango.

"Hindi na niya ako kayang mahalin kaya hinayaan ko na yung puso niya sa kung sino yung kaya niyang mahalin" Dagdag ko pa sa kaniya.

"Parang ano lang e no 'kahit ikamatay ko kung sa paraan yon doon ka mabubuhay gagawin ko' langya! hindi ko pa rin lubos na maisip na may mga tao pang kagaya mo ah" Seryosong usap na niya.

"Ako kasi hindi ko kayang gawin yang mga ginagawa mo, ang martyr mo! grabe ka na sa sarili mo, hindi na rin kita maintindihan minsan e" Hindi na makapaniwalang usap niya kaya natawa na lang din naman ako.

"Huwag mo na ako intindihin kasi once na maintindihan mo ko, hindi mo magugustuhan ang nararamdaman mo" Aniya ko kaya naguguluhan naman siyang tumingin sa akin.

"Maiintindihan mo lang ang isang bagay kapag nangyari na rin 'to sayo, kaya mas mabuti ng walang nakakaintindi, akin na lang yung hirap, akin na lang yung sakit" Paliwanag ko sa kaniya, niyakap naman na niya ako kaya napangiti na lang naman ako.

"Hindi mo ba kayang gamutin yang sarili mong puso? Hindi mo ba kayang tanggalin ang sakit ng nararamdaman nito?" Tanong pa niya habang turo turo na ang dibdib ko.

"Kahit kaya ko, hindi ko pa rin gagamutin, yan na lang ang meron ako na nagpapaalala kay Aiah, ang pagmamahal ko na lang para kay Aiah ang meron ako kaya hindi ko hahayaan na mawala pa 'to"

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon