Nang kami kami na lang magkakaibigan ang natira sa loob ay agad ko naman na silang hinarap at huminga ng malalim bago tuluyang magsalita.
"Ako na bahala kay Aiah" Usap ko sa kanila kaya agad naman ngumiti sa akin si Gwen, Sheena at Stacy habang seryoso pa rin naman si Colet, Jhoana at Maloi.
"And I'm sorry" Usap ko pa sa kanila kaya agad naman din napatingin sa akin si Maloi.
"Kay Aiah ka magsorry hindi sa amin" Usap ni Maloi at bahagya pang tinapik ang tiyan ko.
"Pero thank you" Nakangiting usap na niya kaya bahagya rin naman akong ngumiti.
"Alam kong alam mong hindi ko pinagsisihan na sinapak kita, Dre" Biglang usap ni Colet kaya agad naman akong tumango.
"Alam ko, kaya nga humihingi ako ng pasensya, wala akong alam, sarili ko lang inisip ko" Aniya ko pa kaya agad naman siyang ngumiti.
"Basta, kami na bahala sa mommy ni Ate Aiah at ikaw na ang bahala sa kaniya" Aniya pa ni Jhoana kaya napatango na lang naman ako.
"May duty pa tayo pare-pareho sino magbabantay kay Aiah?" Tanong pa ni Gwen.
"Ako na" Sagot ko kaya sabay sabay naman silang napalingon sa akin.
"Paano duty mo?" Takang tanong pa ni Colet sa akin.
"Kakausapin ko na lang ibang surgeon mamaya tsaka wala naman akong surgery within this week kaya madali na lang yon" Sagot ko sa kanila kaya sabay sabay naman napatango ang mga ito.
"Ako na lang din kakausap sa daddy ni Aiah patungkol sa mga project niya at problema niya sa firm" Usap ko na kila Maloi, Sheena at Stacy at sabay sabay naman tumango ang mga ito.
"Sige una na kami may mga trabaho pa kami sa firm, ikaw na bahala kay Ate Aiah ah" Aniya pa ni Stacy kaya tumango na lang naman ako.
Nang kami na lang ni Aiah sa loob ay agad naman akong naupo sa tabi niya at muling hinawakan ang kamay niya.
"I'm sorry" Nasabi ko na lang habang nakatitig sa kaniya.
"Hindi ko alam, wala akong alam" Usap ko pa at hinawi na ang buhok na humarang sa mukha niya.
Diyos ko! Bakit ba hinayaan mong mawala sa buhay ko noon ang napaka gandang anghel na ito.
Tinawagan ko naman na ang ilang surgeon para sabihan na mag leave ako ng 5days at agad naman nila itong pinapa apruba at maging ganon na rin sa daddy ni Aiah kaya agad niya rin daw tatawagan ang firm nila patungkol sa nangyari kay Aiah.
"Hmm"
"Hi" Nakangiting bati ko sa kaniya ng imulat na niya ang mga mata niya.
"Hmm, si mommy? kumusta si mommy?" Nag aalalang tanong niya at sinusubukan tumayo kaya agad ko naman itong pinigilan.
"Mahiga ka lang, kailangan mo pang magpahinga" Usap ko sa kaniya kaya taka naman na siyang tumingin sa akin.
"At si tita, stable na siya, kasama na siya ng daddy at kuya mo, nandon na rin sila mommy at daddy para samahan sila" Usap ko sa kaniya kaya agad naman siyang nakahinga ng malalim.
"Ikaw? Wala ka bang duty ngayon?" Tanong niya kaya umiling naman na ako.
"Nag leave ako" Sagot ko sa kaniya kaya taka naman ulit siyang tumingin sa akin.
"Dahil kailangan kong alagaan ang fiancé ko at naka leave ka na rin dahil kailangan mong magpahinga ng ayos" Dagdag ko pa kaya gulat naman siyang napatingin sa akin kaya agad naman akong napangiti.
Cute bebe.
"I'm sorry, Aiah" Nasabi ko na lang sa kaniya kaya agad naman siyang umiling.
"Sorry kung napaka walang kwenta ko nitong mga nakaraan" Dagdag ko pa kaya agad naman din niyang hinawakan ang kamay ko.
"Hindi mo kailangan humingin ng tawad, naiintindihan ko" Nakangiting usap na niya.
"Alam kong hindi madali sayo na makita ako ulit, alam kong napaka rami mo pang tanong, alam kong may kasalanan pa ako sayo, kaya ako ang kailangan mag sorry"
"I'm sorry, Mikha"
"Sorry kung pati ikaw nadadamay pa sa problema ng pamilya ko" Mangiyak ngiyak ng usap niya kaya agad naman na akong umiling.
"Para san pa na naging fiancé kita, magiging isang pamilya rin namin tayo soon" Natatawang usap ko sa kaniya kaya agad din naman siya napatawa.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, mga salitaan mo talaga" Natatawa ng sabi niya kaya napangiti naman ako.
Walang nagbago, Aiah.
Walang nagbago.
"Pwede na ba tayong mag usap? I mean ---
"Mag uusap talaga tayo, ang dami kong tanong"
"Pero sa ngayon, magpahinga ka muna, ayokong magmukhang pabayang fiancé sa mga kasamahan kong doktor dito" Natatawang usap ko sa kaniya kaya nakangiti naman siyang napapailing.
"Hindi ba?" Tanong niya kaya agad naman akong napanguso.
Hindi man lang dineny.
"Biro lang" Natatawa ng aniya niya kaya napapangiti na lang naman akong umiling.
"Pahinga ka pa, gisingin na lang kita pag dumating na yung inorder kung pagkain" Usap ko na sa kaniya at agad na rin naman siyang tumango.
Hindi nagtagal ay nakabalik naman na siya sa pagtulog kaya naupo naman na ako sa upuan sa tabi ng kama niya.
Ilang saglit pa ay mayroon kumatok sa kwarto kaya ko naman tinignan kung sino ang pumasok.
"Kuya" Nasabi ko na lang ng makita ko ang kuya ni Aiah.
"Kamusta na ang kapatid ko?" Tanong niya sa akin ng makalapit na ito sa amin at agad naman niya hinagod ang ulunan ni Aiah.
"Hmm okay na siya sa ngayon, nagising na rin siya kanina, kinakailangan na lang talaga niya magpahinga at malayo muna sa stress" Sagot ko kaya agad naman siyang tumango.
"Nabanggit nga ni daddy, naayos na rin niya ang tungkol sa firm kaya paki tignan tignan na lang tong bunso namin, Mikha" Usap niya kaya napatango naman agad ako na parang bata.
Kahit noon pa man hindi na ako makaporma rito sa kuya ni Aiah e pakiramdam ko anytime babanatan ako para sa prinsesa niya e.
"Ako na bahala sa fiancé ko, kuya" Sagot ko kaya agad naman siyang napangiti.
"Kumusta si tita?" Tanong ko na sa kaniya kaya agad naman siya napabuntong hininga.
"Ayon sa awa ng diyos bumubuti na kahit papano pero syempre mahirap pa rin magpakampante sa ngayon" Sagot niya kaya tumango na lang naman ako.
"Nakapag usap na ba kayo ng kapatid ko patungkol sa hiling ni mommy sa inyo tsaka yung tungkol sa inyo?" Tanong niya, napailing na lang naman ako bilang sagot.
"Pasensya ka na kung pati ikaw nadamay ah, alam ko hindi pa kayo okay ng kapatid ko pero ito ka, tinutulungan mo pa rin kami para kay mommy" Usap pa niya kaya napatingin na lang naman ako kay Aiah.
"Lahat para kay Aiah"
BINABASA MO ANG
GREATEST LOVE (MIKHAIAH)
Fanficayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal. Pero sa kabilang banda, Ang GREATEST LOVE rin daw ang siyang dahilan ng ating pagkasawi. Ang GREA...