KABANATA XVI

2.6K 108 6
                                    

Kinabukasan ay nagising na lang ako na nakahiga na sa kama ni Aiah habang siya naman ay tahimik lang na nakaupo roon at nagbabasa ng libro.

"Good morning" Bati ko rito at hinawakan na ang ulo kong napaka sakit.

Hindi naman siya sumagot at napatingin na lang naman sa kaniyang relo.

"Afternoon na, alas dos na ng hapon, Mikha" Sagot niya kaya napahilamos na lang naman ako ng mukha.

"Sorry" Nasabi ko na lang naman sa kaniya.

"Oh siya! Maligo ka na para makakain na tayo sa baba, aalis tayo" Biglang usap niya at tumayo na sa kama.

"ito suotin mo, galing kaming mall kanina nila Maloi kaya binili na rin kita" Usap pa niya kaya napapatango na lang naman akong tumayo sa kama.

"Salamat"

"Handa ko na pagkain natin, sumunod ka na sa baba pagtapos mo ah" Usap pa niya at nakangiti naman akong tumango sa kaniya.

Pag may misis ka nga naman oh. Sarap!

"Ito tuwalya mo, ang baho mo na" Asar pa niya pag lapit sa akin kaya agad ko naman siyang niyakap.

"Parang hindi naman misis ko, amuyin mo pa" Aniya ko pa habang yakap yakap siya ng mahigpit.

"Mikha! Amoy alak ka pa!" Saway niya ngunit natatawa rin naman ito.

"Sus! Bango bango ko ----

"Mikha!"

Biglang tawag ng kuya ni Aiah sa akin ng buksan na nito ang pinto ng kwarto ni Aiah, gulat naman kami parehong napatingin ni Aiah doon habang yakap yakap ko pa rin siya mula sa likuran.

"Ayy sorry! Mukhang naistorbo ko pa loving loving niyo" Asar nito at ngiting ngiting tumingin sa kapatid.

"Kuya!!!" Inis ng tawag ni Aiah sa kuya niya at hinabol na ito palabas.

wrong timing naman bayaw.

Matapos maligo ay bumungad naman sa akin ang kuya ni Aiah na may ice pack ng nakalagay sa kaniyang ulo.

Don't tell me?

"Sigurado ka bang mahal mo pa kapatid ko? Mag isip isip ka muna, Mikha" Usap pa nito kaya natawa naman ang mommy nito na ngayo'y nakahiga sa kanilang sofa.

"Oo naman, kuya"

"Ikaw kasi inistorbo mo" Natatawa ng sabi ko at lumapit na sa daddy at mommy niya para bumati sa mga ito.

"Mukhang naparami kayo ah" Nakangiting aniya na ng daddy ni Aiah ng magmano na ako rito, agad naman akong tumango at napangiti.

"Ngayon na lang po kasi ulit tsaka napasarap ang kwentuhan" Sagot ko at nakangiti rin naman itong tumango.

"Sama na ako sa susunod"

"Nak" Nakangiting tawag na sa akin ng mommy ni Aiah kaya agad ko naman ulit itong nilapitan.

"Huwag masyado sa alak ah, baka mangyari nanaman ulit sayo yung nangyari sayo noon" Bilin pa nito kaya agad naman akong napatango.

"Opo, mayayari na po ako sa misis ko pag naparami ng inom sa labas" Nakangiting sagot ko na sa kaniya kaya agad din naman ito napangiti.

"Oh siya! Kumain na kayo roon at hindi sumabay sa amin yon kanina" Aniya na niya kaya agad ko naman hinalikan ang noon niya at nagpaalam ng pupuntahan na ang bunso nila.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon