Kinabukasan ay muli akong nagising na walang Aiah sa condo at tanging isang tupperware lamang ng pagkain ang nandoon sa mesa.
Hindi naman na ako nag abala pang lapitan pa iyon at nagtimpla na lamang ako ng sarili kong maiinom na kape bago tuluyang mag ayos papasok ng hospital.
Ilang saglit pa, ng makarating ako sa parking lot ng hospital ay agad naman akong nakatanggap ng tawag mula sa mommy ko.
Don't tell me sesermonan din ako nito sa mga bagay na hindi ko alam? Hays.
"Mikha anak, nasan ka?" Nagmamadaling tanong nito kaya agad naman kumunot ang noo ko.
"Sa parking lot ng hospital mmy, bakit?" Sagot ko.
"Duty ka ba ngayon? Pwede mo bang puntahan muna si Aiah, nasa hospital siya ngayon"
"H-huh?" Gulat na tanong ko sa kaniya at agad ko naman ng hinubad ang seatbelt ko.
"Bakit anong nangyari?" Tanong ko at nagmamadali ng naglakad papasok ng hospital.
"Hindi ko rin alam, pero pleasee puntahan mo na siya ngayon anak, need niya ng makakasama ngayon"
"Papunta na kami diyan ngayon ng daddy mo" Usap niya at binaba na linya.
Kunot noo naman akong napatingin sa cellphone ko at patakbo ng pumasok ng hospital.
"Good Morning Dra. Lim"
"Good morning"
"May Arceta ba rito?" Tanong ko sa nursing station kaya agad din naman nila chineck ang record.
"Meron doktora, kani kanina lang po, nasa emergency room po sila doktora" Sagot niya kaya agad naman akong napatango.
"Okay, salamat" Sagot ko at agad na tumakbo papuntang emergency room.
Ano bang nangyari?
At nang makarating ako sa emergency room ay doon ko naman nadatnan ang mga kaibigan ko na si Maloi, Sheena at Stacy, habang ang daddy at kuya ni Aiah na doo'y naglakad na pabalik balik sa pwesto nila.
Teka?! Si Aiah ba?!
"Tito" Bungad ko sa daddy ni Aiah at nagmani rito.
"Anong nangyari? Bakit?---
"Inatake ulit si mommy ng sakit niya" Sagot ng kuya ni Aiah kaya agad naman akong napalingon sa kaniya.
"Sakit?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Leukemia" Sagot ng daddy nito kaya hindi naman ako nakasagot agad.
Leukemia. Fuck!
"Kay Doktor Laurenti?" Tanong ko sa kuya ni Aiah at agad naman itong tumango.
"Si Colet? Si Jhoana?" Tanong ko sa mga nobya nitong si Maloi at Stacy.
Well, sila ang mas kailangan dito dahil sila ang mga hematologists. Ang mga doktor para sa mga blood problems.
"Nasa loob na" Sagot ni Maloi.
"Tito si Aiah?" Tanong ko sa daddy nito at agad naman itong bumuntong hininga.
"Sa chapel, kanina pa siya nandoon" Sagot nito kaya agad naman akong tumango.
"Akin na gamit mo, puntahan mo na si Ate Aiah don" Biglang usap ni Sheena kaya agad ko naman na binigay sa kaniya ang mga gamit ko at mabilis na tumakbo papuntang chapel.
BINABASA MO ANG
GREATEST LOVE (MIKHAIAH)
Fanficayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal. Pero sa kabilang banda, Ang GREATEST LOVE rin daw ang siyang dahilan ng ating pagkasawi. Ang GREA...