KABANATA II

3.7K 114 12
                                    

Isang linggo matapos ng hapunan kasama ang mga Arceta ay ngayon pa lamang ako maglilipat para sa sinasabi nilang condo na titirhan namin ni Aiah sa loob ng anim na buwan.

Hindi na ako magtataka kung bakit halos kilala na ako ng mga guwardiya at ilang staff sa building na ito dahil ang mga Arceta pala ang may ari ng mga ito at hindi na rin ako magtataka sa disensyo ng building dahil obvious din naman na si Archt. Aiah Arceta ang nagdisensyo ng mga ito.

Well, siguro nga, masyado ko pa rin siyang kilala.

Magaling pa rin hanggang ngayon at mahilig pa rin sa mga disensyo na mga lumang istruktura gaya ng mga napapanood nito sa pelikula.

Hayy! Bat ba tanda ko pa rin ang lahat pagdating sa isang yon, tss!

Nang makarating na ako sa nasabing kwarto ay agad ko naman nilabas ang susi ko at pumasok na rin sa loob.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko kay Aiah na ngayo'y busy na busy sa kaniyang mga plates na ginagawa.

Akala ko pa naman hindi ko na siya aabutan na gising, mukhang napaaga pa ako.

Binaba ko naman muna saglit ang mga bag at maleta na dala dala ko at tinignan ang kabuuan ng condo.

Maayos, malinis, maaliwalas, magaganda ang disenyo, halatang naayos na ni Aiah ang lahat dito.

"Nandito ka na pala, kumain ka na ba? Gusto mo pagluto kita?" Tanong niya at tumayo na sa kaniyang pagkakaupo.

"Hindi na, hindi na, matutulog na rin ako" Sagot ko sa kaniya at muling binuhat ang mga bag at maleta na dala ko kaya agad din naman siyang bumalik sa pagkakaupo.

"Saan kwarto ko?" Tanong ko sa kaniya at agad din naman niya tinuro ang isang kwarto.

"Hmm sige, salamat" Nasabi ko na lang at naglakad na papasok sa kwarto ko.

Ngunit bago pa man ako makapasok ay naramdaman ko agad na hinawakan niya ang braso ko kaya agad naman akong napalingon sa kaniya.

"P-pwede b-ba tayong mag usap?" Nag aalangan na tanong niya habang nanatili lang naman akong nakatingin sa kaniya.

"May mga gusto lang akong linawin tsaka ---

"Pwedeng sa susunod na lang?" Papuputol ko na sa kaniya kaya gulat naman siyang napatingin sa akin at agad naman itong tumango.

"Pagod na kasi ako" Huling usap ko na sa kaniya bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Hayyy, six months mikha, six months.

Matapos kong ayusin lahat ng kailangan kong ayusin ay naligo na rin ako at nahiga na sa kama ko at hindi na nag abala pang lumabas para kumain.

Kinabukasan ay nagising akong may isang tupperware sa lamesa sa kusina kaya agad ko naman itong nilapitan at agad ko din kinuha ang ang isang papel na nakadikit doon.

good morning :) sana naman hindi mo na rin to tanggihan -Aiah :)

Naupo na lang naman ako sa mesa at sinimulan titigan ang hinandang agahan ni Aiah para sa akin.

"Hindi ako gutom" Nasabi ko na lang at agad ko naman ng nilabas ang cellphone ko para tawagan si Colet.

"Oh? Ano balita sa inyo ni Aiah?" Bungad niya sa linya kaya napailing na lang naman ako.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon