HULING KABANATA

3.7K 97 6
                                    

MIKHA'S POV


"Promise me, promise me na kahit anong mangyari hihinga ka, kailangan kitang buhay, Aiah"

"Kailangan kita, Hon"

"Please ! please!"

"Kailangan kita at ng mga magiging anak natin"

Kasalukuyan na kami ngayon nasa delivery room. Nakahiga na ngayon sa kama ang misis kong si Aiah na kitang-kita ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang napakagandang mukha.

I'm sorry, misis ko.

I'm sorry.

"I love you, Aiah" Nasabi ko na lang ulit habang hinalik halikan ang noo nito. Ngunit hindi naman itong sumagot at pilit lamang itong ngumiti sa akin.

"Hawakan mo lang ako hon ah, huwag mo kong bibitawan" Bilin ko pa sa kaniya at tumango naman ito tsaka hinalikan ang likod ng kamay ko na siyang hawak pa rin niya ng napaka higpit.

Maya-maya lang ay hindi na tumigil si Aiah sa kakasigaw sa sakit at pag ire na siyang dahilan ng pagsisimula sa panganganak sa kaniya ng mga kaibigan ko rin doktor. Habang palakas nang palakas ng kaniyang pagsigaw at paghawak sa kamay ko ay siyang paglakas din ng kabog sa dibdib ko dahil sa kaba at takot.

Pakiramdam ko tuloy ay napaka walang kwenta ko dahil hindi ko man lang maibsan ang sakit na nararamdaman ng asawa ko sa ngayon. Kung naaalis lang sana ng mga halik ko ang sakit ng naidudulot ng panganganak ni Aiah sa ngayon.

"I love you" Bulong ko sa kaniya habang hinahalik halikan ang noo niya ngayon.

Hindi nagtagal ay natigilan na lamang ako ng may marinig na akong batang umiiyak at sa hindi malaman na dahilan ay sabay kaming napatingin ni Aiah sa isa't isa kasabay ng hindi na tumigil tigil na pagbuhos ng luha sa aming mga mata.

"Kapit pa, hon"

"Isa na lang, hindi na tayo uulit" Nasabi ko na lang na siya naman narinig ng mga nurse sa loob kaya sabay-sabay na lang natawa ang mga ito.

Hindi ako nagbibiro last na talaga 'to. Jusko!

At sa pag iyak ng pangalawang anak namin ni Aiah ay sabay na lamang kami napabuntong hininga pareho.

"Thank you" Mahinang sabi pa niya kaya hinalikan ko na lang ang labi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you, i love you! i love you!" Sagot ko at pinaulanan na ng halik ang buong mukha ang asawa ko.

Thank you, Lord!

———

Kasalukuyan na kami ngayon nasa isang kwarto ng asawa ko. Hindi pa rin ako mapakali sa ngayon dahil mula ng matapos ang panganganak niya ay hindi pa siya nagigising. Sabi ng mga kaibigan kong doktor normal lang daw iyon dahil sa pagod at sakit pero hindi ko pa rin maiwasan hindi mag alala sa asawa ko.

Hindi ko pa rin nakikita ang kambal dahil pangako namin ni Aiah na sabay namin titignan ang mga anak namin, na siyang hindi ko magawang kalimutan dahil alam kong malilintikan ako sa asawa ko.

"Kumusta si Aiah, anak?" Tanong na ng mommy niya na ngayon kakarating lang sa hospital kasama ng mga magulang ko.

"Okay naman po, papahinga na lang po dahil sa pagod" Sagot ko at tumango naman na ito.

"Ang kambal?" Tanong na ni Daddy sa akin.

"Nandoon pa po sa mga nurse, gusto po kasi ng asawa ko sa sabay sabay natin tignan yung kambal" Sagot ko ulit na siyang kinatuwa naman ng mga ito.

GREATEST LOVE (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon