Secret 0

2.6K 56 3
                                    

Secret 0

"Ano nanaman ba yang nililista mo?" Naglilista nanaman ng kung ano ano ang mahal ko. Namomroblema nanaman siya.

"Nililista ko yung mga kailangan natin bayaran at bilin. Kulang nanaman yung budget natin" naihilamos nito ang kamay sa mukha. Bakit kasi hindi namin kaya tustusan yung pangangailangan namin pareho?

"Huwag ka mag-alala may contest uli akong sasalihan. Yung premyo na mapapanalunan ko dun pwede natin ipangbayad sa uutangin nating pera para sa pang-tuition natin." Lagi na lang kami kinukulang sa pera. Lagi na lang siya nahihirapan at alam kong hindi siya sanay sa ganito.

"Oppa, kung hindi mo na kaya--" hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at ngumiti sa kanya.

"Hindi. Hindi kita ibabalik okay? Kaya ko. Kakayanin ko para sa atin. Sige na mag-aral ka na ako na tatapos ng nililista mo" Pinilit kong papasukin sa kwarto ang mahal ko bago napaupo sa harap ng mesa.

Napakalaking pera ang kailangan namin...san na ako kukuha kung wala man lang akong trabaho? Kung minsan pati sa mga contest na sinasalihan ko talo ako? Pano ko bubuhayin ang taong mahal ko?

The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon