Secret 19

448 24 3
                                    

Secret 19
Im Jaebum

Hindi natuloy ang plano ko na isama ang mga bata sa trabaho ko ngayong araw. Masyadong maraming media at baka makita lamang sila. Iniwan ko na lang sila sa pangangalaga ng reyna ni Jackson.



"Appa hindi ka pa ba uuwi? Malapit na magpasko" ramdam ko ang lungkot sa boses ni Areum ng tawagan ako nito gamit ang cellphone ni Thalia



"Diba napaliwanag ko na sayo na may work ako ngayon? Uuwi din ako agad pagtapos ha?"



"Appa isasama mo ba si umma pag-uwi?"




"Uhm Areum, tinatawag na kami sa stage eh. Magpakabait ka dyan" binabaan ko na ng telepono ang anak ko dahil baka maiyak pa ako





Alas tres na ng makauwi kami sa dorm at tulog na si Areum. Nakakaawa ang mukha nito dahil may natuyo pang luha sa mga mata nito.




"Anak sorry ha?" Sinusuklay ko ang mahabang buhok nito at pinipigilang umiyak ng malakas. "Sorry kung hindi kita mabigyan ng buong pamilya. Hayaan mo anak babawi ako sayo"




Tumabi na ako sa mga anak ko at natulog na rin. Bukas, kakausapin ko si Dahyun na kahit sandali, makasama siya ng mga anak niya.



"Merry christmas anak" bulong ko dito bago makatulog.





---

"Wahhh appa ang daming idol!" sigaw ni Areum ng pumasok kami sa JYP para sa Christmas Party.




"Behave ka lang dito ha?"



"Appa hanapin na natin si umma!" Patalon talon pa ito at excited na tumitingin tingin



"Areum!" Napalingon naman si Areum at nawala ang ngiti ng makitang si Nayeon lang ang tumawag dito. "Merry Christmas, Areum!"





"Merry Christmas po, tita!" Ngumiti naman si Nayeon at tumingin sa akin




"Oppa gusto mo bang ako muna ang maghawak kay Iseul?" Hindi na ako sumagot at ibinigay na lang si Iseul kay Nayeon.




Palingalinga na rin ako at hinahanap ng mga mata ko si Dahyun. Nasaan na ba yun?




"Appa ang dami ng idol na nagpapicture sa akin pero wala pa si umma" naluluhang wika ni Areum sa tabi ko




"Areum si umma oh!" napalingon naman si Areum sa tinuro ni Junior




"Waaah umma!" Hindi ko na napigilan si Areum ng tumakbo ito papunta kay Dahyun. "Umma miss na miss na po kita!" Nakayakap ito kay Dahyun na nakaluhod na ngayon




Blangko lang ang ekspresyon ni Dahyun at nakatingin lang sa akin.



"Umma hindi mo ba ako namimiss?" Umiiyak na tanong ni Areum kay Dahyun




"Bakit naman kita mamimiss? Sino ka ba?" Bago pa sumabog ang galit ko ay hinila ko na si Dahyun papunta sa lugar na walang tao. "Wag na wag ka na ulit lalapit sa akin dahil baka isipin ng media, may anak na ako"




Dahil sa sobrang galit ko ay naitulak ko si Dahyun sa pader




"Ano bang problema mo?!" Sigaw nito sa akin habang tinitignan ang nagdudugong siko. Gusto kong magsorry sa kanya pero hindi dapat. Sinaktan niya ang anak ko kaya dapat lang masaktan din siya.




"Tangina ikaw pa ang may ganang magtanong kung anong problema?! Dahyun sinaktan mo si Areum!"




"Totoo naman yung sinabi ko ha?! Sino ba siya sa buhay ko?!"



"Sino siya sa buhay mo?! Tangina Dahyun! Anak mo si Areum!"




"Anak? Wala na akong anak, Jaebum. Wala na akong anak simula ng iwan ko kayo"




"Wala ka na ba talagang pakialam sa mga bata? Na pagsabihan ng ganun si Areum?"



"Ano naman sayo ngayon? Diba dapat maging mas masaya ka? Kasi malayo na kayong maglandian ni Nayeon?" Napanganga ako ng umiyak ito sa harapan ko. "Tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Napakabilis, oppa! Sobrang bilis! Tangina si Nayeon pa? At sinabi mo pa sa kanya ang tungkol sa mga bata? Ganun mo ba siya kagusto?"




"Dahyun, si Nayeon--"



"Oppa nasasaktan ako kasi ginagawa ko to para sayo! Oppa ako lang, diba? Sabi mo yan eh!" Yumakap ito sa akin at umiyak sa dibdib ko. "Naniwala ako na ako lang ang mamahalin mo kaya nasasaktan ako kasi may bago ka na. Oppa mahal pa kasi kita"



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na rin siya. Tangina, Dalawang taon! Halos dalawang taon akong namuhay ng wala si Dahyun. At lahat ng sakit na nararamdaman ko, naglaho ng dahil sa isang yakap lang. Sa isang yakap lang ng babaeng mahal na mahal ko.




"Dahyun ko, balikan mo na ako please. Mahal na mahal kita" nakaluhod na ako ngayon at nagsusumamo na balikan ng babaeng mahal ko.



Ikamamatay ko na kung hindi pa niya ako balikan ngayon. Tangina mahal na mahal ko talaga si Dahyun Kim at hindi ko kayang mabuhay ng wala siya sa buhay ko.

The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon