Secret 14
Kim Dahyun"Wow merry christmas oppa!" Ito nanaman ako, nakikinig sa usapan ni Nayeon at Jaebum
"Merry christmas tita!" Halos maluha ako sa sakit ng makita kong si Areum na ang nasa screen ng ipad niya
"Waaaah Areum-ah! Ang ganda ganda mo!" So kilala siya ng anak ko?
"Syempre tita mana ako sayo! Pareho tayong maganda sabi ni appa"
"Yang appa mo talaga napakabolero!" Halatang kinikilig pa si Nayeon sa sinabi ng anak ko. "Areum dyan ka na daw sa LA titira? Kaya mo ba na wala si appa?"
"Oo naman po tita! Mabait naman si tita Kassi eh."
"Sayang hindi na tayo lagi magkikita. Balik ka dito sa Korea minsan ha? Para maglalaro tayo lagi nila Iseul" At nakikipaglaro siya sa mga anak ko?! Ganun ba kagusto ni Jaebum si Nayeon para ipakilala rito ang mga anak namin?
"Opo tita! Babalik ako diyan lagi"
Hindi ko na tinapos pa ang usapan ni Nayeon at Areum. Naiinis lang ako.
Lumipas ang Christmas at New Year at wala akong nareceive na bati mula kay JB. Siguro nga masaya na siya kay Nayeon at nakalimutan na niya ako.
"Uy nakabalik na daw sila JB oppa dito sa Korea ah?" Narinig kong balita ni Ji Hyo kay Nayeon.
"Oo magkikita nga kami mamaya eh" sagot naman ni Nayeon
"Grabe close na close kayong dalawa no? Sana walang news na lumabas tungkol sa inyo" Sana
"Hahaha tatawanan na lang namin ni oppa yun" Lumabas na si Nayeon dahil magkikita daw sila ni Jaebum. Gusto ko mang sundan, may practice pa ako.
----
"Ang cute naman ng baby na yan!" Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko sa couch ng practice room ng marinig ko ang sigawan ng ibang trainees.
"Huy grabe wag nyo namang panggigilan!" Gusto kong magalit kay JB dahil sa nakikita ko ngayon. Bakit niya dinala si Iseul dito sa agency?! At bakit ipinapaalaga niya ito kay Nayeon?
"Grabe ang cute cute niya! Anong pangalan niya?" Momo
"Da, nililinlang ba ako ng paningin ko o si Iseul talaga yang buhat ni Nayeon?" Bulong sa akin na Harmony. "Huy Da bakit umiiyak ka?"
"W-wala masaya lang ako kasi nakita ko na sa personal si Iseul" pinunasan ko ang mga luha ko at lumapit kay Nayeon na buhat si Iseul.
Agad naman na inilahad ng anak ko ang mga braso niya na para bang gusto niyang buhatin ko siya. Hindi ko na napigilan ang muling pagbagsak ng mga luha ko ng mahawakan ko ang anak ko.
Halos isang buwan pa lang si Iseul ng bumalik ako sa pagtetraining kaya minsan ko lang siya makita. At magtatatlong buwan pa lang siya ng iwan ko siya kay Jaebum. Ang liit liit niya pa dati pero ngayon, mag-iisang taon na siya.
"Uy Dahyun bakit ka umiiyak?" Tanong lang nila sa akin habang yakap ko si Iseul
"Namiss ko lang yung ana---yung pamangkin ko. Magkahawig kasi ang pamangkin ko at si Iseul" sagot ko sa kanila at yakap pa rin si Iseul
Kumunot ang noo ni Nayeon na tinignan ako. "Paano mo nalaman na Iseul ang pangalan niya, Dahyun?" Mataray na tanong nito at kinuha sa akin si Iseul.
Gusto kong sabunutan si Nayeon sa pagmamalditang ginawa niya sa akin. Sino siya para kuhanin ang anak ko?!
"H-ha? Narinig ko lang." Tumakbo na ako palabas ng practice room upang hindi na sila makapagtanong pa ulit.
----
"Mag-iisang taon na si Iseul sa isang araw" Kasama ko nanaman na nakatambay si Youngjae sa rooftop"May regalo ako para sa kanya. Ikaw na ang mag-abot ha?"
"Hindi mo pa rin ba sila babalikan? Napapalapit na si hyung kay Nayeon" tinignan ko ng masama si Youngjae dahil sa sinabi niya
"Hindi pa..."
---
Im Jaebum"Happy first birthday, Iseul!!" bati ko sa anak ko na bagong gising lang.
Unti-unti itong lumakad papunta sa akin pero dahil siguro sa bigat ng katawan ay bumagsak rin ito. Tatawatawa ko itong binuhat at iniikot.
"Hmmm ayan nahihirapan ka maglakad kasi ang bigat bigat mo! Para kang si umma eh!" Nawala ang ngiti ko ng maalala ko si Dahyun. Kamusta na kaya siya?
"Hyung! May regalo ako para kay Iseul oh!" pumasok na si Youngjae sa kwarto nmin ni Iseul
Simula ng bumalik kami galing LA, sa dorm na namin tumira si Iseul. Lumipat naman si Youngjae sa kwarto ni Junior.
Tuwing may practice ako ay dinadala ko si Iseul sa practice room. Kapag naman may schedule, si Crissa ang nag-alalaga sa kanya. Stylist namin si Crissa at mapagkakatiwalaan ito.
"Ayan buksan na natin yung regalo mo oh" May sulat na laman sa loob ng regalo at binasa ko muna ito.
Happy first birthday, Iseul!
-umma
"Youngjae saan mo nakuha tong regalo na to?" Paano naman maibibigay ito ni Dahyun?!
"Hyung...ano kasi..." magsasalita na sana si Youngjae ng sumigaw bigla si Bammy mula sa labas
"Hyung si Dahyun nasa tv oh! Trainee na siya ng agency?!" Sigaw nito na ikinatakbo ko
Kasalukuyang ipinapalabas ang first episode ng bagong project ng JYP. Ang JYP Sixteen. Teka...paano?
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
RomanceWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?