Final Secret
Im Jaebum"Appa mamimiss ko kayo ni Iseul" umiiyak na wika ng anak ko habang magkayakap kami
"Mamimiss ka rin namin, anak. Mag-iingat ka dun ha? Magpapakabait ka rin kay tita. Promise ikaw naman ang dadalawin ko kapag wala akong trabaho okay?" Hinawakan ko ang mukha nito at hinalikan sa noo. "May regalo nga pala ako sayo para hinsi mo kami mamiss ni Iseul. Sa LA mo na buksan ha? Mahal na mahal kita"
Napakasakit sa akin na panuorin ang anak ko na na naglalakad palayo sa akin. Kailangan namin tiisin na mawalay sa isa't isa para din sa future niya at kaligtasan niya.
Alam kong malayo ang mararating ni Areum at kung mananatili siya sa tabi ko, wala siyang mapapala. Maraming magiging sagabal at hindi ko siya magagabayan.
"Hyung wag ka mag-alala aalagaan naman siya ni noona eh" jackson
Pag-balik namin sa dorm ay balik kami sa normal na buhay. Si Iseul lang ang bata sa dorm at isang aso na si coco. Balik sa buhay na puro trabaho at practice.
"Happy birthday, oppa! Nakita mo ba yung greeting ko kanina para kay Areum?" Agad na bungad ni Nayeon ng sagutin ko ang tawag nito
"Oo nakita ko hindi mo kailangang sumigaw"
"Waaaah masaya ba si Areum?"
"Oo masaya. Nakita niya rin kasi si Dahyun"
"Ay oppa speaking of Dahyun, sabihin na kaya natin sa kanya ang tungkol sa atin? Nakakaawa naman eh"
"Para saan pa? Ayaw na naman niya eh"
"For clarification? Ako ang nagmumukhang impakta eh! Omg love mamaya na lang ha? Happy birthday my love! I love you!" Natawa na lang ako sa ginawa ni Nayeon dahil siguradong dumating si Dahyun kaya niya ginawa yun.
Naging busy kaming got7 kasama ang Twice dahil sa practice namin para sa gaganaping ISAC 201**. Kami nila Yugyeom at Bammy ang magkakasama sa wrestling at si Mark at Jackson sa archery.
Kasama namin sa training si Nayeon at dalawa pang kagrupo nito. At si Dahyun ay kasama nila Mark sa archery.
"Grabe oppa kailangan natin ipanalo to! Nawawala ang pagkababae ko dito! Wala na akong poise!" Reklamo ni Nayeon pagkatapos ng last training namin.
"Ano ka ba mag-ingat ka nga sa mga salitang lumalabas sa bibig mo, Nayeon"
"Eh totoo naman oppa feeling ko madeivirgi---" tinakpan ko na ang bibig ni Nayeon at naglakad na
-----
Kim Dahyun"Oppa saranghae" naglalakad na ngayon sila Nayeon at Jaebum paalis.
"Nado..." masaya na si JB ngayon. Nakahanap na rin siya ng babae na tatanggap sa kanya at mga anak niya
Naging mahirap para sa akin ang panuorin ang pagiging sweet ni Jaebum at Nayeon. Kahit sa ISAC 201** ay sweet ang dalawa na para bang wala silang pakialam kung makita sila sa media at may magbalita ng tungkol sa relasyon nila.
"Hay nako Da ayan ka nanaman! Araw araw senti! Kung kausapin mo na kaya si sunbaenim?" Reklamo ni momo habang nagi-stretching sa harapan ko
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
عاطفيةWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?