Special Secret 3

190 8 2
                                    

Special Secret 3
Kim Dahyun

Ngayon na ang flight namin papunta sa L.A. Yung dalawa ay excited dahil namiss na daw nila si Mark Oppa.

"Sigurado ka ba nasayo na passports natin?" Tanong ni Oppa habang naglalock ng pinto

"Oo nga kulit! Kagabi ko pa chineck!"


Magtataxi lang kami papunta ng airport dahil kung magkokotse kami, walang magbabalik ng kotse sa bahay.


Pagdating sa airport ay aligaga kami ni Oppa dahil ang daming media. For sure laman na kami ng sns mamaya.



"Maghintay lang kayo ng 1 hour nasa social media na yung scandal niyo" Natatawang turan ni Youngjae oppa pagpasok namin ng plane


"Hayaan niyo sila wala naman kami balak ideny yun" JB Oppa


"Ilalabas niyo rin ba sa media na may anak na kayo?" Jae oppa


"Syempre hindi. Labas ang mga bata sa media." Ako na ang sumagot


Hanggat maaari ay ayoko na malaman nila na may anak na kami ni Oppa. Paniguradong guguluhin nila ang mga bata lalo na si Areum na nasa ibang bansa. Haaay miss ko na ang anak ko.



Napakahaba ng biyahe papuntang L.A pero para kay Areum, kakayanin. Kaya mo yan Dahyun!


Sinundo kami nila Mark oppa sa airport. Kasama nito ang anak ni Junior oppa na si Andrew. Nasa bahay daw kasi si Drei at Areum at maraming ginagawa.



"Hala kamukhang kamuha ni Junior oppa ang anak niya" Sabi ko sabay kurot sa pisngi nito. Pati dimples!


"Buti nga hindi si Kassi ang kamukha baka napatay ko talaga si Junior" Bulong ni Mark oppa sa akin na ikinatawa ko lang


Saksi kami sa sakit na pinagdaanan nila bago sila naging masaya ni Kassi unnie. Sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana at kailangan pa ng remembrance ang affair ni Kassi unnie at Junior oppa.



"Kailan daw dadalawin ni Junior ang bata?" tanong ni oppa habang nasa sasakyan kami


"Gusto nga kuhanin ni Junior ayaw lang ni Kassi. Ayaw niya daw maging sagabal si Drew sa bubuuing pamilya ni Halle at Junior" sagot ni Mark oppa.


"Mabait naman si Halle eh at tanggap naman niya si Drew diba" Jae oppa.



"Yun ang hindi ko alam. Wala naman akong idea ayoko magtanong. Mahal ko din naman si Drew kaya ayos lang na kami ang magpalaki sa kanya."


Ano kaya ang pakiramdam nun no? Yung palalakihin mo ang anak ng asawa mo sa ibang lalaki. At dun pa sa matalik mong kaibigan. Napakasakit siguro para kay Mark oppa na tanggapin. Pero wala mahal niya si unnie eh.


Excited akong bumaba ng makarating kami sa bahay nila Mark oppa. Sumalubong agad ang anak ko sa amin. Ang ganda ganda niya na!


"Areum----" Yayakapin ko na sana ito ng tumakbo ito papunta kay JB oppa at yumakap


"Appa I missed you! Saranghae appa!"


"Nado, Areum-ah. Nado." nakatingin lang sakin si oppa habang yakap ang umiiyak na si Areum


Naiiyak rin ako dahil ang laki laki na ng anak ko. Huling kita ko sa kanya ay limang taon pa lang ata siya.




"Anak, si Umma oh hindi mo ba yayakapin?"


The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon