Secret 16
Kim Dahyun"DAHYUN" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na iyon. Ang boses na miss na miss ko. Ang boses na hinahangad kong tawagin ulit ang mga pangalan ko.
"Opp-sunbaenim!" Humarap ako rito at ngumiti. Napakagwapo pa rin talaga
Ng mapansin kong nakatitig na lang ito sa akin at walang sinasabi, tumalikod ulit ako at nagsimulang lumakad. "Goodluck" ngumiti na lang ako ng palihim at lalong binilisan ang lakad ko.
---
"Wow Nayeon regalo ba ni JB oppa sayo yan?" Lahat sila pinagkakaguluhan ang mga bulaklak na hawak ni Nayeon"Uhm, oo eh. Goodluck gift niya daw. Ang sweet niya no?" Proud na proud pa si Nayeon sa kalandian niya
"Grabe sana mapansin din ako ng isa sa mga sunbaenim natin! Nakakainggit!"
"Ayoko ng nasa agency lang natin kasi malaking chismis yun" harmony
"Hindi pa naman makikipagdate eh! Ikaw talaga, Mina" Nayeon
Hindi ko sigurado kung nagdedate na ba si Nayeon at Jaebum. Pero ang alam ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nagagawa niyang lumabas sa public kasama si Nayeon. Nagagawa niyang ipangalandakan sa buong sambayanan sa agency na naglalandian sila ni Nayeon. Naiinggit ako kasi kami ni Areum, tinatago niya at hindi maipakilala manlang sa members niya dati.
----
"Uy Da! Tulaley ka nanaman diyan" Si Harmony o mas kilala sa pangalang Mina nanaman ang nakikichismis"Napapansin namin lagi kang umiiwas kay Nayeon. May problema ka ba sa kanya?" Si Momo
"Kapag ba sinabi ko sa inyo, maipapangako niyong hindi niyo sasabihin sa iba?" Matagal ko ng kaibigan si Harmony at Momo. Lalo na si Momo na kaklase ko pa. At tingin ko, mapagkakatiwalaan ko sila.
"Oo naman!" Sabay na sagot ng dalawa
"May anak kami ni Jaebum" napanganga ang dalawang babae sa harapan ko.
"Hoy Dahyun wag ka ngang feeling dyan!" Harmony
"Sus Da, naiinggit ka lang kay Nayeon kaya ka nagkakaganyan" momo
Inabot ko ang cellphone ko at hinanap ang picture namin nila JB ng manganak ako kay Iseul. "Oh naniniwala na ba kayo?"
"Grabe Daaaa! Bakit hindi mo sinabi sakin?!" Mangiyak ngiyak na tanong ni Momo sa akin. "Matagal na tayong magkaibigan diba? Kaya pala pastop stop ka sa school dahil nabuntis ka!"
"Huwag mo sabihing si Iseul ang anak niyo?" Seryosong tanong ni Harmony sa akin
"Oo. Si Areum ang panganay namin at si Iseul ang bunso" nakatungong sagot ko
"Kaya pala umiiyak ka ng dalhin ni Nayeon si Iseul sa practice room! Alam kaya ni Nayeon na ikaw ang ina?" Mina
"Tingin ko hindi kasi wala siyang pakialam kay Dahyun eh" momo
"Hindi na namin tatanungin kung bakit kayo naghiwalay ni jaebum oppa. Nandito lang kami for you" Lalo akong naiyak ng yakapin ako ni Momo at Mina. Napakaswerte ko at naging kaibigan ko sila.
---
Im Jaebum"Appa! Miss na miss ko na kayo ni Iseul!" Ilang buwan na simula ng iwan ko si Areum kay Kassi. January ng iwan ko siya at October na ngayon.
"Miss na miss ka na rin namin ni Iseul, anak. Mag-aral ka ng mabuti dyan ha?"
"Appa sasama po ako kila Drei diyan sa christmas. Ano pong gusto niyong pasalubong?" Papauwiin pala ni Mark hyung si Drei at Drew dito sa Korea para dito magpasko. Ayos lang naman daw kay Kassi
"Hindi ba malulungkot ang tita Kassi mo diyan kung tatlo kayong aalis?"
"Okay lang daw po kay tita, appa. Kasama naman daw po niya yung daddy niya"
"Gusto mo bang makita si umma sa christmas?" Tanong ko rito
Lagi kong nakakasalubong si Dahyun sa agency. Simula ng mapili siya bilang member ng bagong grupo ay mas naging busy sila. Ngayong october na rin kasi ang debut nila.
"Pwede po ba?" Bakas sa mukha ni Areum ang saya
"Oo naman! Pero makipagkita ka muna kay tita Nayeon ha? Miss na miss ka na daw niya. Hindi ka raw niya matawagan dahil busy siya"
"Miss na miss ko na din siya appa! Siya ang una kong hahanapin pagbalik ko ng Korea!" Napakasaya ko dahil natanggap ni Areum si Nayeon. At tanggap din ni Nayeon si Areum at Iseul. Ang kailangan ko na lang gawin ay kausapin si Dahyun upang maging maayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
RomantizmWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?