The secret was revealed
Im Jaebum"Jaebum, si Nayeon. Siya ang magiging isa sa mga cast ng GGG" pakilala ng director namin sa isang babae na nagngangalang Nayeon.
"Hello po!" Pinagmasdan ko ang babae at ang bilis ng tibok ng puso ko. Sino ba siya?
"Nayeon, kilala ba kita?" Hindi na ako makatiis at tinanong ko na ito pagtapos ng shooting namin.
"Uhm, hindi ko po alam kung kilala niyo ako. Pero ako po si Im Nayeon. Taga--- po ako. Mayroon akong isang nakatatandang kapatid at kapangalan mo rin siya----" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito at niyakap ko na ito. Nayeon, my little sister.
"Nayeon...."
"Oppa.." yumakap ito pabalik sa akin at umiyak na rin. Ilang taon ko ng hindi nakikita ang kapatid ko simula ng lumayas ako para itanan si Dahyun.
"Nayeon sorry kung hindi kita agad nakilala ha? Ang ganda ganda mo na talaga!"
Lagi kaming magkasama ni Nayeon dahil trainee na rin pala siya sa JYP. Sinundan niya ako dahil nakita niya ako sa tv ng malaman na member na ako ng JJ Project.
Wala kaming pinagsabihan tungkol sa pagiging magkapatid namin. Para saan pa? Eh wala namang nagtatanong.
"Weh oppa anak mo nga to?" Taon ang binilang ko para lang magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Nayeon na may anak na ako.
"Shh wag ka ngang maingay!"
"Grabe ka naman oppa dalawa agad?" Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ng iwan ako ni Dahyun kaya sinabi ko na kay Nayeon ang lahat.
Naipakilala ko na rin siya kay Areum at talaga namang naging close sila kahit hindi pa sila nagkikita ng personal. Kahit anong pilit sa akin ni Nayeon na sabihin kung sino ang ina ng mga anak ko, hindi ko pa rin masabi.
Ng malaman ko na magiging magkagrupo si Nayeon at Dahyun ay lubos akong natuwa. Dahil mababantayan ko na si Dahyun kahit na walang alam si Nayeon. Madaldal kasi ang kapatid ko at kung ano ano ang kinukwento sa akin maging ang mga kagrupo niya pag magkasama kami.
Ang ganda ganda ng mahal ko. Para siyang anghel na bumaba sa langit sa paningin ko.
"Hoy hyung, stand by na daw!" Sigaw ni Junior ng makitang nakatulala ako kay Dahyun
Ito na ang huling beses na sasali ang got7 sa JYP family concert. Mageexpired na ang pinirmahan naming limang taong kontrata at wala na kaming balak pumirma pa ulit. Halos lahat kasi kami ay magmimilitary na at may kanya kanya ng balak para sa pamilya.
Ito na rin ang araw na hinihintay naming dalawa ni Dahyun. Ang makapagperform kaming dalawa sa isang stage bilang idol.
"Oh yeah! Hi everybody!" Sigaw namin ni Dahyun pag-akyat sa stage. Everybody is crying dahil last stage performance na namin 'to. But I know everything will be worth it.
"What's your waist size?" Nagsigawan ang mga tao ng magtanong ako
"24 inches" ssagot naman ni dahyun
"Hips?"
"34"
" eolyeosseul ttaebuteo nan nuni jom dalla
amuri yeppeodo dwie sari mojaramyeon
nan nuni an ga
gin saengmeorie barami bulmyeon naragal geot gati
ganyalpeun yeojaramyeon
nan mami an ga" nagsigawan pa lalo ang mga tao ng magsayaw kami ni Dahyun. Halos lahat rin sila ay sumasabay na sa amin
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
RomanceWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?