Secret 20

518 23 4
                                    

Secret 20
Im Jaebum


"Appa nakakalungkot naman yung Christmas ngayon" nasa bahay na kami ngayon at nagpapaantok. Nakahiga si Areum sa braso ko habang sinusuklay ko namn ang buhok nito





"Hmm bakit naman?"




"Hindi ako pinansin ni umma eh. Appa hindi na ba ako mahal ni umma?" Nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha mula sa mata ko






"Areum ano ka ba mahal ka ni umma" hindi ko na napigilan at tumulo na ang nga luha ko





"Eh bakit niya ginawa yun, appa? Nasaktan po ako eh!"




"Ayaw lang ni umma na malaman ng mga tao na anak ka niya. Syempre dudumugin ka diba?"




"Appa bakit ka po umiiyak?" Bumangon ito at pinunasan ang luha ko. "Pinaiyak ka ni umma no? Wag ka mag-alala appa mahal ka nun" natawa na lang ako at niyakap ang anak ko.





Ayaw man akong balikan ni Dahyun, kasama ko naman ang mga anak ko. Kuntento na ako dun.






"Balikan ka? Ayoko na, oppa. Ano bubuntisin mo lang ulit ako? Samantalang ikaw malaya gawin ang mga gusto? Oppa narating ko na ang pangarap ko. Idol na ako! At hindi ako makapapayag na masira ang career ko dahil sa inyo. Kaya please, layuan niyo ako"







----
Kim Dahyun


"Hello, love?" Napatigil kami sa pagpapractice ng tumunog ang cellphone ni Nayeon at basta na lang tumigil upang sagutin ito. "Wow date? Sure! See you later, love" para bang nang-iinis pa ito dahil tumingin ito sa akin ng banggitin nito ang 'love'





"Love ang tawagan niyo ni sunbaenim?" Tzuyu




"Oo. Gusto nga niya, mahal kaso sabi ko love na lang para mas sweet pakinggan." tuwang tuwa nanaman itong bida siya sa usapan. Ksp talaga





"Wow ang sweet niyo naman!"




"Oo sweet talaga siya! Inaaya niya nga ako makipagdate mamaya dahil hindi kami nakapag-usap masyado nung Christmas party"





"Ay Dahyun diba hinila ka ni sunbaenim nung party? Anong nangyari?" Nabaling na sa akin ang kanilang tingin na ikinatuwa naman ni Nayeon. Impaktita ka talaga!






"Uhm wala naman"




"Ah wala pala...eh bakit ka umiiyak pagtapos niyo mag-usap? Dahil ba pinagalitan ka niya kasi sinaktan mo si Areum? Dahil ba pilit mong itinatago na anak mo si---" hindi ko na pinatapos pa si Nayeon at sinugod ko na ito.






"Tangina ka napakaimpakta mo! Chismosa ka na rin pala no? Ano naman sayo kung nag-usap kami? Ah gusto mo bang malaman kung anong pinag-usapan namin? Sinabi niya lang naman sakin na mahal na mahal niya ako at nagmakaawa siyang balikan ko siya." Napangiti ako ng manlaki ang mata ni Nayeon sa sinabi ko. "Ano nagulat ka? Hindi mo ba matanggap na ako pa rin ang mahal ng lalaking nilalandi mo? Sorry Nayeon ha? Para kay JB wala ka lang. Para kay JB, past time ka lang." Tinapik ko pa ang balikat nito at lumabas ng practice room.






---
Im Jaebum



"Naku oppa sumasakit pa rin yung ulo ko dahil sa sabunot ni Dahyun!" Reklamo ni Nayeon ng magkita kami kinagabihan




"Eh bakit kasi prinovoke mo?"




"Gusto ko lang naman malaman kung anong pinag-usapan niyo eh!"





"Pwede mo namang tanungin sa akin diba? Ayan nasaktan ka tuloy"





"Oppa, totoo ba na gusto mong balikan si Dahyun?"






----

"Happy New Year Areum!" Bati ko sa anak ko habang nanonood kami ng fireworks sa rooftop ng JYP






"Happy new year appa!" Tumunatong ito sa isang upuan at niyakap ako. "Appa hindi ba ako babatiin ni umma? Appa malapit na rin ang birthday natin!!"






Oo nga pala malapit na ang birthday namin ni Areum. January 6 ang birthday namin at sa hapon naman ang flight nila pabalik ng LA.





"Hmm anong gusto mong regalo?"





"Si umma lang po! Please, appa?"




Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Areum na ayaw na kaming balikan ni Dahyun. Na kahit ang lumapit kami sa kanya ay ayaw nito. Ayoko namang masaktan ang anak ko dahil patuloy pa rin itong umaasa na magiging buo pa rin kami pagdating ng araw.






"AREUM kumain ka na dyan" Youngjae




Naghanda lang kami ng konting pagkain para sa mga bata.





"Andrei doesn't like cheese, tito" napatingin naman si Mark kay Areum ng marinig ang sinabi nito





"Ay ganun ba? Sorry Drei. Just drink your milk"






"Nako hyung wala ka ng pag-asa dyan kay Drei" Bammy




"Bagsak ka na sa pag-aalaga!" Yugyeom





"Eh wala namang sinabi si Kassi na ayaw pala ni Drei ng cheese"






Hindi kami masyado nagcelebrate ng new year dahil may trabaho kami. Naiintindihan naman daw ni Areum yun.





January 6, 201**


"Happy birthday, areum...happy birthday, areum! Happy birthday happy birthday, happy birthday areum!" Nakangiting bumangon ang anak ko





"Waaaah thank you appa! Happy birthday din po" tumayo ito at yumakap sa akin






"Mag-ayos ka na tapos breakfast na tayo. Babyahe pa tayo papuntang airport para sa flight niyo" ito na ang huling araw na makakasama ko ang anak ko. Kailangan nanaman namin maghintay ng ilang buwan para magkita kami.






"Oh Areum si umma oh!" Turo ni Junior kay Dahyun na nagpeperform ng live sa tv





Tutok na tutok naman si Areum sa panunuod kay Dahyun hanggang sa matapos ang performance nila. Kinuha ni Nayeon ang mic at nagsimulang bumati.





"Hi Everyone! Gusto ko lang batiin ng Happy 6th birthday ang pamangkin ko. Happy Birthday, Areum!" Kitang kita sa tv na nanlaki ang mga mata ni Dahyun sa sinabi ni Nayeon at wala itong nagawa kundi makisali sa pagbuo ng heart ng mga kagrupo.




Good job, Im Nayeon.

The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon