Secret 5

557 23 0
                                    

Secret 5
Kim Dahyun

"Oppa hindi kaya tayo mahuli ng manager niyo?" Tanong ko kay oppa ng dalhin kami nito ni Areum sa dorm nila

Dun na lang daw muna kami matulog kahit isang araw lang dahil miss na niya kami ngunit hindi siya pwedeng umalis ng matagal dahil may taping pa sila.


"Hindi naman nagpupunta si manager dito eh. Tsaka kung pumunta man siya, edi ipakikilala kita"




"Hindi ka matatakot na baka magalit siya kapag nalaman niyang may anak ka na?"





"Hindi. Proud ko pang ipagmamalaki sa kanya na maganda ang asawa at anak ko. Kaya wag ka na matakot mahal ha? Ipaglalaban kita sa kanilang lahat. Hinding hindi kita iiwan"







----
Jaebum


"Oh hyung lalabas ka nanaman?" Tanong nila ng mapansing aalis nanaman ako




Simula ng malaman kong buntis nanaman si Dahyun sa ikalawang anak namin, gusto ko na lang manatili sa tabi niya.





"Oo mamamasyal lang ako" sagot ko habang nagsasapatos





"Hyung sama kami!" Nagsisunuran na ang iba kong kamyembro sa likod ko





"Ano ba?! Araw araw na nga tayong magkakasama hindi niyo manlang ba ako pagbibigyan na makasama yung mahal ko? Dun nga kayo sa mga girlfriend niyo!" Sigaw ko sa kanila at umalis na




Nakakainis hindi na nga kami nagkikita ni Dahyun tapos sasama pa sila sa pagkikita namin ngayon? Miss na miss ko na yung mahal ko at ang anak ko! Pwede bang kahit minsan lang pabayaan naman nila akong gawin ang mga gusto ko? Nakakasawa silang pagtakpan tuwing aalis sila eh!



"Appa!" Agad kong binuhat ang prinsesa ko ng salubungin ako nito sa pinto







"Nasaan si umma? Iniwan ka nanaman ba?" Tanong ko rito habang papasok ng bahay






"Nandito ako! Welcome home, oppa!" Halos nalatulala ako sa itsura ng mahal ko. May suot itong tshirt na may mukha ko at may nakasulat na "Mrs. Im". "Nakita ko 'to kanina habang namimili kami ni Areum eh. Maganda ba oppa? Bagay ba sakin?"





"Mahal pakasal na tayo!" Tanong ko rito at agad itong niyakap





"O-oppa ano ka ba!" Pilit ako nitong inilayo sa kanya at naupo sa sofa. Hindi ito makatingin sa akin kaya lumuhod ako sa harapan nito at ikinulong ang mukha nito sa palad ko para makapagusap kami ng maayos.






"Ayaw mo ba magpakasal sa akin, mahal?" Nasasaktan na ako





"Hi-hindi naman sa ganun oppa." Tinanggal nito ang mga palad ko sa mukha niya at tumayo. Tumingin lang ito sa labas na para bang nag-iisip. "Masyado pa akong bata para magpakasal. Wala pa nga akong 18 oppa eh!" Lumapit ako dito at niyakap ito mula sa likod. "Tsaka tutuparin ko pa yung pangarap mo na magkasama tayo sa isang stage"





Natawa ako sa dahilan nito. Yun lang?! "Mahal hindi mo pa rin ba binibitawan ang pangarap mo na maging idol? Mahal marami akong pangarap. Pangarap ko rin na pakasalan ka at magkaroon ng malaking pamilya kasama ka. 'Yun na lang ang tuparin mo ha?" Litanya ko at kinagat ang pisngi nito.





"Oppa!"






"Ang cute cute mo talaga mahal! Ang sarap pa"






"Oo na oppa masarap na ang mga baboy!" Naasar na sagot nito







"Hindi lang mga kalahi mong baboy ang masarap, mahal ko. Pati ikaw mismo tignan mo dalawa agad anak natin" pilyo kong sagot sabay kindat.





Agad naman ako nitong hinampas na ikinatawa ko na lang. Nadulas naman ako sa mga unan na ikinalat ni Areum kaya natumba ako. Ang labas? Pinagtulungan ako ng prinsesa at mahal ko. Bugbog sarado man ako sa kanila, mahal na mahal ko naman sila.





----

"Hyung tignan mo may nagpost sa net ng picture namin ni Dahyun oh!" Napalingon naman ako agad kay Jackson ng marinig ko ang pangalang Dahyun.







"Siya yung babae sa music video natin na Stop stop it diba?" Yugyeom







"Oo bagay daw kami pareho kaming cute" jackson






Agad kong hinablot ang cellphone ni Jackson para tignan kung sinong Dahyun ang pinag-uusapan nila at hindi mga ako nagkamali ng makita ko ang picture ng mahal ko kasama si Jackson.






"Bagay kami, hyung no?" Binato ko naman ang cellphone ni Jackson sa kanya bago sumagot







"Ang kapal ng mukha mo"








"Hahahahahahhahahha" ang tawa ni Junior ang huli kong narinig bago ako pumasok ng kwarto. Paniguradong pinagtatawanan ako nun dahil alam niyang nagseselos ako






An

Dahyun and Jackson sa media ;)

The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon