Secret 13
Kim Dahyun"Da alam mo na ba yung balita?" Si Harmony nanaman yan syempre
"Anong balita?"
"Hindi na daw pipirma ng contract renewal si Mark oppa. Babalik na daw siya sa LA for good"
Wow so nagkatuluyan pala sila ni Kassi?
"At maghihiatus daw muna ang got7" Momo
Totoo nga ang nabalitaang chismis ni Momo at Harmony. Babalik si Mark sa LA at hindi pipirma ng kontrata.
"Pupunta ka ng LA?" narinig kong tanong ni Nayeon kay Jaebum
"Oo sasama ako kay Mark sa LA. Gusto ko kasing makasama ng matagal si Areum at Iseul"
"Pwede mo naman sila makasama habang nandito ka sa Korea diba?" Halos mandilim ang paningin ko ng makita kong kumapit pa si Nayeon sa laylayan ng damit ni Jaebum.
"Alam mo namang hindi sila safe dito sa Korea diba? Maraming mata ang laging nakasunod sa akin"
"Mamimiss kita, oppa" Ano daw?! Oppa?! Ganun sila ka-close para oppa ang itawag nya kay Jaebum? At halos lumuwa ang mata ko ng yakapin ni Nayeon si JB.
"Mamimiss din naman kita eh" Halos madurog ang puso ko pagkarinig ko ng sagot ni Oppa. Lalo na ng yakapin pabalik ni JB si Nayeon.
"Tahan na" nagulat ako ng may magpunas ng luha ko. Shit si Youngjae!
"Y-youngjae hyu--oppa!" Kailangan ko ng simulang tawaging oppa ang mga lalaki at hindi hyung.
"Wag ka mag-alala hindi ko sasabihin kay hyung na trainee ka dito"
"Pa-pano mo nalama na trainee ako dito?"
"Akala ko namaalikmata lang ako nung una ng makita kita na kasama si Harmony. Iba na kasi ang kulay ng buhok mo. Pero ng makita kita ngayon, at umiiyak pa, tama pala ang hinala ko"
"Huwag mo sasabihin kahit kanino to ha?"
"Oo naman no"
Umalis si JB kasama sila Mark oppa. At halata kay Nayeon na nalulungkot siya sa pag-alis ni JB. Ayan buti nga sayo! Maharot ka kasi!
"Wow Dahyun inspired ka yata?" Kita ko ang makahulugang ngiti ni Momo
"Sobrang baliktad kayo ni Nayeon oh" Harmony
"Uy Dahyun tignan mo kasama nanaman ni Kassi si Areum at Iseul oh! Ang laki na ni Iseul!" hindi na ako nakatiis at hinablot ko na ang cellphone ni Harmony
Nag-upload pala si Kassandra ng picture niya kasama ang mga bata. Tinandaan ko ang username ni Kassi para ifollow siya mamaya gamit ang dummy account ko.
"Pero bakit naman makakasama ni Kassi si Areum at Iseul diba? Ibig sabihin nasa LA din ang tatay!" Napalunok ako dahil sa sinabi ni Harmony. Wag lang sana niya malaman na si JB ang ama ni Areum at Iseul at ako ag ina.
"Shit bakit hindi ko mafollow si Kassi?!" Nasa dorm ako ngayon at nagbabalak na istalk si Kassi ngunit sobrang private nito. Magtataka naman ito kung ipafollow ko ito gamit ang tunay na account ko. At may isa ngang account si Kassi na para sa public, wala namang pinopost na tungkol sa mga bata.
"Gusto mo ifollow si Kassi? Ay hindi yan nag-aaccept kasi sobrang private ng account nya na yan. Tignan mo nga iba pa yung picture para isipin ng fans poser lang siya"
"Ganun ba? Gusto ko kasi magkaroon ng balita tungkol kay Areum at Iseul. Ang cute kasi nila"
"Wag ka mag-alala babalitaan kita"
True to her words, lagi nga akong binabalitaan ni Harmony. Ngunit hindi pa rin ako mapakali kaya kinausap ko si Youngjae na balitaan ako. Tiyak na mas marami syang alam.
"Iiwan daw ni hyung si Areum sa LA kasama si kassi noona" balita sa akin ni Youngjae ng magkita kami sa rooftol ng agency
"Bakit naman iiwan niya sa LA si Areum?" Takang tanong ko rito
"Eh gusto rin ata ng anak mo kasama si Kassi eh. Tsaka wag ka mag-alala mas okay si Areum dun mas tahimik" alam ko namang hindi pababayaan ni Kassi si Areum eh.
"Eh si Iseul?"
"Ayun ang hindi ko alam"
Nakakalungkot man na kailangang maghiwalay ni Areum at Iseul, wala akong magagawa. Paninindigan ko na 'to.
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
RomanceWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?