Secret 12
Kim Dahyun"Wow ang cute cute talaga ng pamangkin ko! Dahyun tignan mo ang cute ng mga pamangkin ko" Kumakain kami ni Mina ng kung ano ano sa park malapit sa agency.
Tinignan ko naman ang cellphone ni Mina na may litrato ng pamangkin niya. Teka si Andrei yun ah?
"Ang cute ni Andrei no? Anak siya ng ate ko. Hindi kami magkapatid talaga ni Kassi. Half-sisters lang kami. Siya ang panganay na anak ng daddy ko. May mga anak na din ang mommy ko sa unang asawa kaya marami akong kapatid. Ako ang nag-iisang anak ng daddy ni Kassi at ng mommy ko"
"Kassi?"
"Oo si Kassi yung kapatid ko. Half american ang mommy niya at pure pure chinese naman si daddy. Ang mommy ko ay pure japanese kaya half japanese half chinese ako" uminom muna ito ng bubble tea bago nagpatuloy. "Last year ko lang siya nakilala in person at siya ang tumulong sa akin para maging trainee"
"Si Kassandra Liu ba ang tinutukoy mo?" Hindi na ako mapakali. Related sila ni Kassi?
"Oo siya nga! Pano mo siya nakilala?"
"Uhm, wala lang. Kasi diba nagkaroon ng news tungkol sa kanila ni Mark Tuan dati?"
"Ahh. Ay may sinend pa siyang picture Dahyun oh! Tignan mo ang cute ni Iseul at Areum!" Agad kong tinignan ang sinasabing litrato ni Mina. Ang mga anak ko! "Sabi ni Kassi iniwan daw ng nanay ng mga bata sa kanya si Areum at Iseul. Paano naman maaatim ng isang ina na iwan ang ganito ka-cute na mga baby?!" Bumuntong hininga ako bago tumayo.
"Halika na Harmony may practice pa tayo" Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.
----
"Uy Nayeon nakita ko kayo na magkausap ni Jaebum oppa kanina! Close ba kayo?" Si Momo ang nagtanong
"Oo matagal na kaming close ni oppa." Nakangiti namang sagot ni Nayeon na ikinagalit ko. Ang landi!
"Bagay kayo!" Ji Hyo
"H-ha?" Nainis ako lalo ng maginarte pa si Nayeon sa harap namin. "Hahahaha hindi naman siguro" At tumawa pa talaga ng malandi!
"Huy Dahyun bakit mukhang galit na galit ka dyan? Sigurk crush mo si Jaebum oppa at nagseselos ka sa kanila ni Nayeon no? Yieeee si Dahyun crush si Jaebum oppa!" Pang-aasar sa akin ni Harmony
"Ewan ko sayo"
Lumipas ang mga buwan at pahirap na ng pahirap ang training namin. At sa bawat araw na lumilipas, lagi kong nakikita na magkasama si Nayeon at JB sa agency.
Ang bilis naman niya maka move on! Ganun ganun na lang ba ang lahat sa kanya?! Alam kaya ni Nayeon na may anak na si JB oppa?!
"Waaah nanganak na si Kassi! Tignan mo ang cute ng bago kong pamangkin!" Tinignan ko ang picture ni Kassi kasama ang anak nila ni Junior hyung. Alam kaya nito na si Junior ang ama ng anak ni Kassi at hindi si Mark hyung?
"Sino ang ama ng anak ni Kassi?" Tanong ko rito na ikinailing na lang nito
"Hindi ko pwede sabihin eh"
Si Harmony ang naging source ko sa mga balita tungkol sa mga anak ko. Siya rin ang nagsabi sa akin na babalik na daw ng LA si Kassi kasama ang mga anak nito. Sino naman kaya ang mag-aalaga kay Areum at Iseul?
"Kawawa naman si Areum at Iseul, Dahyun. Dadalhin na lang daw ng ama ng bata yung dalawa sa probinsya." Dadalhin ni JB si Areum at Iseul sa probinsya?! Sa mga magulang namin?!
"T-talaga?"
"Oo kasi hindi na daw bumalik yung nanay ng dalawa. Kung pwede lang ako na lang mag-aalaga sa kanila eh!"
Ng bumalik si Kassi sa LA ay nawalan ako ng balita sa mga anak ko. At parang nawalan na rin ako ng gana na ipagpatuloy ang ginagawa ko dahil araw araw na lang, nakikita ko ang paglalandian ni Jaebum oppa at Nayeon.
Minsan nga ay nakikita pa ito ni Harmony na dinadalan ng pagkain si Nayeon. Ano bang meron sa kanila?! Nayeon ang landi mo!
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
RomansaWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?