Secret 2
Jaebum"Ano ba ginagawa mo sa pera at nanghihiram ka nanaman?" Kahit sobrang nahihiya na ako kay Mark, siya lang ang tanging pag-asa ko. Mayaman ang pamilya nila at kahit kailan, hindi sila kinapos sa pera.
"Wag ka na magtanong basta babayaran rin kita pagkakuha natin ng sahod" Kinuha ko na ang pera at umalis.
Ako na mismo ang mamimili ng mga grocery para kila Dahyun para alam ko kung kakasya sa kanila ito bago dumating ang susunod na sahod namin.
Sobra pa sa pang dalawang linggo ang binili kong pagkain. May mga gatas na rin para sa anak namin.
"Appa!" Sigaw agad ng anak kong si Areum ng makita ako sa pinto. Napangiti naman ako ng tumakbo ito at yumakap sakin. Ang lambing lambing talaga ng anak ko.
"Hi baby girl! Nasaan ang umma mo?" Binuhat ko siya at dinala ang mga pinamili ko sa kusina. "Hindi nanaman naghugas ng plato ang umma mo?" Ibinaba ko muna si Areum at sinimulang linisin ang lababo. Nasaan nanaman ba si Dahyun?
Si Areum ay tatlong taon pa lamang. Nagkataon rin na pareho pa kami ng birthday.
"Areum iniiwan ka ba lagi ng umma mo dito?" Tumango lang ito at yumakap ulit sakin. "Kung pwede lang kita isama sa trabaho ko, gagawin ko eh. Sorry anak hindi tayo mayaman ha? Hayaan mo pag nakaipon na ako ng sapat na pera, titigil na ako sa pagiging idol para lagi na tayo magkasama"
Nagawa ko na lahat ng gawaing bahay at wala pa rin si Dahyun. Wala naman siyang klase ngayon ha? At bakit nagagawa niyang iwan si Areum mag-isa sa bahay lalo na alam niyang wala pang muwang ang bata?
"Oh andito ka pala!" Hindi ko siya sinagot ng pumasok siya sa bahay. Nagtanggal agad ito ng sapatos at tumakbo papunta sa akin. "Hmmm ang bango bango talaga ng mahal ko" Paglalambing nito at inamoy amoy pa ang leeg at kili kili ko. Ayan nanaman siya!
"Huwag mo akong utuin, Kim Dahyun. Saan ka galing?" Matigas na tanong ko rito.
"Papagalitan mo ba agad ako? Hindi mo ba muna ako yayakapin? Oppa namiss kita!" Hindi na ako nakapalag ng yumakap na naman ito at naglambing. Syempre mag-iinarte pa ba ako? Session na!
-----
"Oppa, gusto kong magtrabaho" napatigil ako sa pagbibihis at napalingon sa kanya na nakahiga sa kama namin.
"Ano nanaman bang pumasok dyan sa kokote mo at naisipan mng magtrabaho? Dahyun diba napag-usapan natin na magtatapos ka muna?"
"Eh oppa alam mo naman na gusto ko ring maging idol na tulad mo diba? Pwede naman yun eh" Yumakap ito sa likuran ko at pumasan ng tumayo ako
"Nagbibiro ka ba Dahyun? Alam mo namang may anak ka na paano ka pa magiging idol? At isa pa sino mag-aalaga kay Areum? Mag-aral ka na lang, mahal ha? Kung naliliitan ka pa sa binibigay ko sayo, huwag ka mag-alala lalaki rin yan. Alis na ko, mahal. Ingat kayo ni Areum dito ha? At please wag mo siya ulit iiwan mag-isa dito."
Ayaw ko man umalis sa tabi ng mahal ko, kailangan pa rin. Iba na ang buhay namin ngayon. May mas malaking responsibilidad na akong kinahaharap ngayon.
Pagbalik ko ng dorm, lahat sila natutulog. Kung alam ko lang na wala pala kaming schedule ngayon, sana pala dun na lang ako natulog sa apartment namin. Edi mas nakasama ko pa ng matagal yung mahal ko at ang prinsesa ko.
-----
"Hyung baka gusto mo tumayo dyan? Yung scene mo na ang kukuhanan" Ngayon namin ishoshoot ang music video ng bago naming kanta na 'Stop stop it'
Gusto ko man ayusin ang trabaho ko, hindi ko kaya. Kanina pa ako nag-aalala dahil hindi sinasagot ni Dahyun ang mga tawag at text ko.
"Junior nag-alala ako kay Dahyun hanggang ngayon hindi niya sinasagot ang texts at tawag ko"
"Hyung baka naman nakatulog lang? Wag ka ngang baliw dyan. Halika na bago ka pa mapagalitan ni manager" Wala na akong nagawa ng hilahin ako nito
"Sino ba magiging partner ko sa scene?" Tanong ko sa isa sa mga staff ng alalayan ako nito
"Basta makikita mo na lang mamaya hindi ko rin kasi kilala. Pero baka trainee rin dahil madalas pinapasabak ng ceo ang mga trainee sa mga ganito" Nagkibit balikat na lang ko at hinintay na magsimula ang shoot namin.
Ang unang scene na kukuhanan ay nakatungtong ako sa parang railings sa rooftop at hinihintay na pumasok yung magiging leading lady ko.
As soon as pumasok yung babae na magiging partner ko, napanganga ako. Fuck!
"Ng! Jaebum ano ba nangyayari sayo? Diba nag-acting workshop ka na dati? Bakit simpleng scene hindi mo magawa? Masyado ka bang nagandahan sa partner mo?" Puro galit ang inabot ko sa director at wala akong choice kundi umayos.
---
"Oppa stop dragging me!" Oo si Dahyun ang hila hila ko ngayon. Siya ang partner ko!
"Ito ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako kinakausap maghapon, Kim Dahyun?!" Sigaw ko sa kanya na dapat ikatakot nya ngunit nakangiti lang siya sa akin.
"Surprise ko sayo, oppa. Ayaw mo ba? Ang hirap nga mapili bilang partner mo eh!" Hindi na ako nakapalag ng yumakap ito sa akin. "Enjoy na lang natin, oppa ah? Galingan natin!"
Marami pa kaming scene na kinunan at gaya ng sabi ni Dahyun, inenjoy ko na lang. Masaya ako ngayon dahil kasama ko ang mahal ko sa isang music video na alam kong magugustuhan ng marami. 'Wag lang nila sana kamuhan ang mahal ko.
Ang huling shinoot namin ay ang pagsisindi namin ng mga lusis. Magkahawak kamay kami ni Dahyun at sa sobrang saya ko, nakalimutan kong ginagawa nga lang pala namin ito dahil sa shooting. Ginagawa lang namin 'to sa harap ng members dahil kailangan.
"Ang galing niyo umarte kanina ni Jaebum, Dahyun! Parang natural na natural!" Masiglang wika ng director namin.
"Oo bagay na bagay nga kayo eh" sabat pa ng isang PA namin
"Ito may picture kayo oh" Napangiti ako sa mga komento nila at patagong hinawakan ang kamay ni Dahyun sa ilalim ng mesa.
----
"Hyung, bakit di mo pinakilala sa ibang members si Dahyun?" Bungad ni Junior ng umuwi ako galing sa bahay namin ni Dahyun dahil hinatid ko sya
"Para saan pa? Hayaan mo na wala silang alam. Sige magpapahinga na ako"
Ng gabing iyon, natulog ako ng may ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang larawan namin ng mahal ko. Ang lakas talaga ng tama ko!
-----
Check the video and the picture :) Happy second anniversary got7!
Sino pwede gumawa ng cover ng story na to? Comment or message me :)
Iloveyou all! Mwaaaah :*
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
Любовные романыWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?