Special Secret 1

170 10 2
                                    

Special Secret 1
Im Jaebum

"Hyung baka naman pwedeng makitira muna ako sayo habang wala pa akong nabibiling bahay" Tanong ni Youngjae ng makita akong nagliligpit ng mga gamit namin sa dorm

Isang buwan na rin mula ng madisband ang Got7 at nagkanya kanya kami. Si Youngjae, Bammy at Yugyeom ay sa dorm pa rin tumutuloy dahil wala pa silang mga balak umalis. Ako ay umalis agad ng dorm at inayos ang lilipatan namin ni Dahyun. At ngayong umalis na siya ng Twice, magkasama na kami ulit. Binabalikan ko na lang ang iba ko pang gamit sa dorm.

"Wala namang problema dun eh tatlo lang naman kami nila Dahyun sa bahay. Bakit ayaw mo na ba dito sa dorm?" Tanong ko rito

"Nakausap ko si manager ipapagamit na daw sa ibang trainees ang dorm natin. Hindi na daw tayo under ng management kaya kailangan na din namin umalis dito"

Wala ng nagrenew samin ng kontrata dahil gusto na rin namin magpahinga. Si Junior ay marami pa ring projects at kinukuha pa rin siya ng management namin ngunit bilang aktor na.

"Ganun ba? Sige sa bahay ka na muna habang wala ka pang matutuluyan. Wala namang kaso sa amin ni Dahyun yun. Pamilya na tayo dito"

Inayos ko na ang mga gamit ko at ipinasok lahat sa kotse ko. Ganun din ang ginawa ni Youngjae at dahil may sarili naman na itong kotse ay kasya na rin ang gamit nito.

Tinignan ko ng huling beses ang dorm namin. Hindi na rin pala namin ito mababalikan dahil may iba ng gagamit. Sana sumikat din sila tulad namin. Mga bagong papalit

To : Dahyun Kim
Mahal, pauwi na ako. Kasama ko si Jae sa atin muna siya

"Hyung hindi ba nakakahiya?"

"Para kang tanga eh ikaw nga ang isa sa dahilan kung bakit kami nagkabalikan ni dahyun diba? Bayad na namin sayo to"

From : Dahyun Kim
Mag-grocery ka dadalaw sila momo dito eh. Ingat kayo oppa! Mahal na mahal kita!

Napangiti ako at sinabihan na si Jae na dadaan kaming grocery. Nagsend din ng listahan si Dahyun ng mga dapat namin bilhin. Napakarami naman!

"Hyung ang dami naman ano ba to fiesta?"

"Napakatakaw kasi ng asawa ko Jae kung alam mo lang. At saka tayo tayo rin naman ang kakain niyan wag ka na magreklamo"

Pagtapos mamili ay dumiretso na kami sa bahay. Simpleng bahay lang ang binili ko para sa amin ni Dahyun. Yung bahay na magkikita kita pa rin kami ng mga anak ko. Apat na kwarto at dalawang floor lang.

"Wow hyung ang laki ng bahay mo! Ito ba yung hinulog hulugan mo dati? Iba ka!"

"Katas ng Got7 yan. Saka na kami bibilu ng mas malaking bahay ni Dahyun kapag pareho na kaming nakatapos sa pag-aaral. Ang mahalaga makagraduate muna kami at may bahay na matitirahan"


-----
Kim Dahyun

Nakatambay lang ako sa bahay while waiting for oppa. Kinuha kasi niya yung mga natira niyang gamit sa dorm nila. Ako naman saka ko na kukunin wala pa ako sa mood and besides, ginagamit pa nila Momo yung iba kong gamit.


Ngayon na hindi na ako member ng Twice, mas malaya na kami ni Oppa. Balik na kami sa dati at sisimulan na naming buuin ang pamilya namin. Gustuhin ko man na makasama si Areum at bumawi sa kanya, wala naman akong magagawa kung mas pipiliin nito na magstay sa L.A.


Sa sobrang buryo ko ay nagtwitter na lang ako. Lagi nagtutwitter ang anak ko at nakakagulat yun. Nung kaedad ako ni Areum ay busy pa ako makipaglaro kay oppa.



The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon