Kakatapos lang namin maglaba ni Oppa ng isang katerbang damit. Buti na lang nandyan si Youngjae oppa para magbantay kay Iseul. Siya rin ang in-charge sa kusina habang busy kami.
"Oppa puntahan kaya natin si Areum sa L.A? Bakasyon na rin natin nila Iseul" Aya ko dito habang nagpapahinga kami
"Hmm pwede. Isama na rin natin si Youngjae para malibang naman kawawa eh"
"Dinamay mo na naman ako! Pagbabantayin mo lang ako ng anak mo dun eh!" Natawa kami pareho ni oppa sa reklamo nito
Simula baby pa si Iseul ay si Youngjae na ang katulong ni Oppa sa pagaalaga dito.
"Sagot na namin ticket mo! Alam ko naman yun lang hinihintay mo eh!" Oppa.
"O yun naman pala kailan ba flight natin?"
Kinontact agad ni Oppa si Mark Oppa para malaman kung pwede kami bumisita sa kanila sa L.A. Nakakahiya naman kung basta basta lang kami bibisita sa kanila ng walang pasabi
"Magbobook na ako ng flight sa isang araw ha. 1 week lang tayo pwede magstay sa L.A dahil malapit na ang start ng klase dito sa Korea. Magbabalik aral tayo Kim Dahyun!" Striktong sabi ni Oppa
"Yes po." Simula nagkaayos kami ay si Oppa na ang nagdedesisyon para sa aming dalawa. Mas matanda siya at mas responsible siya kaya hindi na ako nakikipagtalo pa.
Kinabukasan ay naisipan namin na mamasyal ni Oppa. At syempre si Youngjae Oppa ang nagbabantay kay Iseul sa bahay. Pupunta rin kasi si Mina sa bahay magmomovie marathon daw sila. Edi mag baby sit din sila para masaya diba.
Nagistroll lang kami tulad ng dati. Nung mga hindi pa kami sikat at kami pa lang dalawa. Yung hindi pa kami nagkakalamat.
"Waaah oppa ang gwapo mo dyan! Magpose ka wait pipicturan kita!" Sabi ko dito at nagpose ito sa harap ng puno.
Madami muna akong shot na tinake bago ako nakuntento at pinost ito sa private instagram account ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kim Dahyun @kimdahyun YAH OPPA! 😍😍
Streetfoods lang ang kinain namin ni Oppa tulad ng mga gawain namin dati. Buti nga wala masyado nakakakilala samin dahil panigurado laman kami ng sns. Hindi na rin naman namin idedeny kung may makahuli sa amin. Hindi naman na kami mga idol at mahal naman namin ni oppa ang isa't isa.
Bumili muna kami ni Oppa ng kape s isang coffee shop saka nagpunta sa seaside. Nakakarelax talaga ang tunog ng mga alon. Ang sarap sarap pakinggan
"Sana oppa sumama na satin si Areum pabalik ng Korea no?"
"Huwag na natin pilitin kung ayaw ng bata. Lumaki na siya sa L.A kasama nila Kassi mahirap ng ibahin pa yung nakasanayan niya"
"Panganay natin siya Oppa saka baby girl natin yun. Gusto ko buo pa rin tayo"
"Hayaan mo gagawa na lang tayo ng bagong baby girl ilan ba gusto mo?" Nahampas ko naman si Oppa dahil sa kalandian niya. Anak na naman?! "Ito naman biro lang. Gusto ko magtapos muna tayo pareho ng pag-aaral tapos saka tayo gagawa ng bagong baby. Gusto ko isang lalaki at isang babae ulit"
"Pag lalaki gusto ko Haneul ang pangalan oppa. Tapos pag babae naman, Nari."
"Basta mag-aaral muna tayo mabuti ha? Ipapakita natin sa kanila na bumuo man tayo ng pamilya ng maaga, may ipagmamalaki pa rin tayong dalawa. Gusto ko mainspire satin ang mga anak natin"
"Oppa naman pinapaiyak mo na naman ako!"
------ Im Jaebum
Tinignan ko ang babaeng mahal ko habang nagpupunas ng luha. Simula pagkabata ay siya na ang laman ng puso ko. Maaga man kaming nagkamali at nadapa, nakatayo pa rin kami at magkasama na tinupad ang mga pangarap. Wala na akong ibang gusto pa makasama habang buhay kundi siya lang
"Mahal ko, alam ko maaga kong kinuha sayo ang karapatan na enjoyin ang pagiging bata. Namulat ka sa realidad ng buhay ng napakaaga. Patawarin mo ko, mahal. Mahal ko, handa ka bang harapin ang mga dadating pang mga araw bilang asawa ko? Will you marry me, Kim Dahyun?" Naluluha kong tanong rito sabay labas ng singsing na matagal ko ng tinatago. Binili ko agad ito sa unang sahod ko nung JJ Project pa lang
"O-oppa..."
"Pangako ko sayo mahal, magkasama na nating tutuparin ang mga pangarap mo. Hindi na pangarap ko lang. Pati na pangarap mo. Marry me, mahal"
"Oppa, ofcourse! Simula bata pa lang ako ikaw na. Hanggang ngayon na may mga anak na tayo. Oppa mula noon hanggang ngayon ikaw lang. Yes oppa, I will marry you!" Naiiyak nitong turan
Sinuot ko ang singsing sa kanya saka siya niyakap. Pangako mahal, ikaw lang. Pangako.
---- Here's the part 2 because I'm so inspired! Hahahaha