#2 MASKARA

265 8 0
                                    

"MASKARA"
:@maikavene

Nakangiti kung ako'y pagmasdan,
Ngunit sa loob-loob ko'y durog ng lubusan.
Bawat salita'y may kahulugan,
Sapagkat ito'y akin ng naranasan.
Ang batang masayahin,
Kasamaan ang hangarin.
Walang nakakaalam,
Sapagkat ito'y sikreto lamang.

Sasalubungin ang umaga ng may ngiti,
Sa gabi siya namang pagpawi.
Ang akalang mabait na bata,
Yun pala'y masamang bata.
Sa tulong kaniyang maamong mukha,
Ang masamang ugali ay nakakapagtagong himala.

Sinong mag-aakalang lahat ng tao ay naranasan ito
Magkaiba man ang ugali,pag-iisip at prinsipyo,
Sa pagtatago ng sikreto tayo'y magkakapareho
Tila hangin dumaan,
Ang bansa ay napuno ng kasamaan.

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now