#3 PAALAM

198 8 0
                                    

"PAALAM"
:@maikavene

Sa oras ng kalungkutan ikaw ay nariyan,
Aking naging sandigan sa oras ng pangangailangan.
Mga tula at mensaheng iyong ginawa ay hindi ko makakalimutan.
Awiting iyong ginawa, sa akin ay nagbibigay kaligayahan.

Sa tuwing magagalit ako, ako'y iniintindi mo.
Kailan man ay hindi ka sumuko.
Nirerespeto ang desisyon kong magpalamig muna ng ulo.
Susuyuin mo ako gamit ang mga tulang nilikha mo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ika'y nanlamig sa akin.
Tinanong kita kung anong problema, ngunit hindi ka nagbigay ng paliwanag sa'kin.
Ako'y nangangamba sa iisiping may iba ka na maliban sa'kin,
O mas nakakahigitin pa sa akin.

Sa huli, binitawan kita
Dahil alam kong wala ng pag-asa.
Sa isang relasyong puno ng lamig,
Ang pagmamahalan natin ay hindi na maibabalik.

TULA COLLECTIONWhere stories live. Discover now